Chapter 13 "Day 6"

31.2K 1.2K 88
                                    

CHAPTER 13 "DAY 6"
MACKY REYES

Pagkalabas namin ng pinto ni Len kagabi ay sinalubong kami ng ibang players. Mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni Maya dahil sa kaba, alam kong pinag-alala ko sila. "Akala ko ay mawawala ka na! May pangako pa naman tayo sa isa't-isa." Sabi niya.

"Tahan na, okay lang naman ako," Hinagod ko ang kanyang likod at bumaling ang tingin ko kay Len. "ayos ka lang ba, Len?"

"Ayos lang ako, mauna na ako sa hotel... matutulog na ako, napagod ako." He speak. Alam kong hindi siya okay.

"Huwag kayong mag-alala, alam namin na hindi siya okay," Sabi ni Chlloe at kasama niya si Yui. "Kami na ang bahala sa kanya."

Kinamusta lang ako ng ibang players at lahat kami ay nalungkot sa pagkamatay ni Minami, matapos ang laro ay natulog naman kami dahil sa pagod.

Ngayong umaga ay magkasama kami ni Fierce kumain pero maya-maya lang ay sumama na si Sugar at Adrian.

Kumakain lang kami nung biglang magtanong si Fierce. "Macky, paano ka nahuli ng killer?"

Doon ko lang naalala ang sulat na nakaipit sa libro. Shit! Kailangan kong makita iyon, baka nasa librong iyon ang sagot para makaalis kami dito.

"W-wala." Ayoko man magsinungaling sa kaibigan ko pero kailangan. Lahat ng kasamahan ko ngayon ay pwedeng kasamahan ng killer, wala muna akong dapat pagkatiwalaan ng mga nalalaman ko.
Tumayo ako at iniligpit ang aking kinainan. "Saan ka pupunta, Macky?" Tanong ni Adrian.

"CR lang ako." Pagpapaalam ko. Pagkalabas ko ng restaurant ay mabilis akong tumakbo sa bookstore.

Pumunta ako sa aking pinagtaguan at hinanap ang libro, pinagbubuklat ko ang mga librong nandoon ngunit wala na... nasaan ka na ba?

Ilang minuto pa akong naghanap pero hindi ko talaga siya makita. Maging ang mga kalapit na shelf ay hinaludgod ko na rin pero wala.

"Macky, anong ginagawa mo rito?" Napatigil ako sa paghahanap nung biglang sumulpot sa tabi ko si Honey.

"W-wala. May hinahanap lang akong fiction book." Pagdadahilan ko.

"Gusto mo tulungan na kita?" Tanong niya at nagsimulang magkalkal ng libro.

"H-hindi na, tara na. Bumalik na tayo sa kanila." Hinatak ko ang kamay niya paalis.
Iri-reveal ko ang identity ng killer, ano man ang mangyari.

Pagkalabas namin ni Yui ay agad akong humiwalay sa kanya, naging maayos ang pakikitungo ko sa iba.

Nung bandang hapon ay naupo ako sa may bench malapit sa roller coaster, pinagmamasdan ko lang ang balu-baluktot na loop nito. "Hoy Macky!" Nagulat ako nung biglang umupo sa tabi ko si Fierce at ngumiti.

"Ikaw pala Fierce," Nakangiti kong sabi.

"Kanina ko pa napapansin na kakaiba ang kinikilos mo ah. Kung sila ay naloloko mo, ibahin mo ako... magkakilala na tayo simula pagkabata. Ano bang problema?" Tanong niya. Napansin niya pala iyon.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya o mananahimik na lang ako. "Ayos lang kahit 'wag mo ng sabihin." Umiwas ng tingin si Fierce, mukhang napansin niya ang pagdadalawang isip ko.

"M-may nalaman ako." Hindi rin ako nakatiis na magkwento.

Umayos ng pagkakaupo si Fierce at sumeryoso ang tingin sa akin. "Ano 'yon?"

"Hindi nag-iisa ang killer sa larong 'to." Saglit siyang natigilan at parang hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"Paano mo nalaman 'yan?" Tanong niya. "Gusto mo bang palabasin na isa sa atin ang killer?"

"Oo. Naniniwala rin ako na isa sa atin iyon." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan? Hindi mo ba naisip na baka ako ang killer?" Seryoso niyang sabi at lumingon ako sa kanya.

"Kasi pinagkakatiwalaan kita, Fierce." Maiksi kong tugon. Yeah, I trust him. He's my friend since I was a child.

"Biro lang 'yon." Natawa siya at naginhawaan naman ako.

"Fierce may alam ka ba sa iba nating kasamahan? Baka makatulong sa paghahanap ko sa kung sino ang game master." Tanong ko sa kanya. Mas palakaibigan itong si Fierce kumpara sa akin, halos lahat ay nakakakwentuhan niya.

"Hindi ko alam kung makakatulong ito pero... May mga kasamahan tayong kasali sa theater club." Sabi ko na nga ba at kahit papaano ay may alam siya eh.

"What do you mean?" Anong kinalaman ng Theater club? Eto ngang lalaki na ito ay nasa Otaku club. Paano iyon makakatulong sa akin?

"Hindi mo ba naisip na baka umaarte lang sila? Using their skills to manipulate us," Tama! Maaaring may umaarte lang sa amin! Nagpatuloy si Fierce sa kanyang pagkukwento. "Base sa nalaman ko at sa pagkukwento ng ibang players, president si Jin Kuga ng theater sa school nila so baka magaling lang talaga siya umarte. Si Yui naman ay dalawang taon pa lang umaarte pero puro lead role ang ginagampanan niya. Even Adrian, member din siya ng theater club sa school nila." Napamangha naman ako sa dami niyang nalalaman. The advantage of being friendly.

Tumigil saglit sa pagsasalita si Fierce. "Wala ka ng ibang kilala?"

Sumeryoso ang kanyang mukha. "Actually meron at kilala mo siya."

"Who?" Kunot noo kong tanong.

"Maya Castro." Saglit akong natigil sa kanyang sinabi. Miyembro si Maya ng theater club sa school namin. "I'm not saying this para paghinalaan mo ang kaibigan natin, but if you need this kind of information... dapat lang na isama natin siya."

Hindi ako nakapagsalita, parang hindi ko kayang alamin ang mga sikreto ng kasamahan ko. "Natulala ka na diyan, Macky?" Fierce asked.

"Sorry."

Tumayo si Fierce at saglit na nag-unat. "Malapit na palang mag-gabi. Huwag ka ng magpapahuli Macky, ah?" Tumakbo na palayo si Fierce.

Marami pa pala akong hindi alam tungkol sa mga kasamahan namin.

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon