Chapter 12 "Night 5"

32.9K 1.3K 180
                                    

CHAPTER 12 “NIGHT 5”
MACKY REYES

Ang hirap ng sitwasyon namin ngayon, kapag nakita ka ng killer… There’s a mystery game na kailangang laruin.

Nagtatago ako ngayon sa may bookstore. It’s a two-storey shop. Dahil tahimik dito ay mag-e-echo talaga ang mga ingay na maririnig sa buong paligid.

Nagkatikot lang ako sa mga libro na nandito dahil sa inip, apat na oras ako rito pero maingat naman ang aking bawat galaw.

Habang nagbubuklat ako ng pahina ng mga libro ay isang papel ang nakita kong nakaipit sa librong kinakatikot ko. Nagulat ako sa aking nabasa. Akmang pupulutin ko ito ngunit natigil ako nung may marinig akong yabag ng sapatos.

Nagtago ako sa isang shelf. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang mga yabag ng sapatos. Mukhang manganganib ang buhay ko ngayong gabi ah.

Isiniksik ko ang sarili ko sa sulok ng shelf at sumilip ako sa pagitan ng dalawang libro… Ang killer. Siya ang nandito ngayon, gumapang ang kaba sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam, my heart beat suddenly race so fast… hindi ko alam ang gagawin ko.

“Alam kong may tao dito!” Malakas na sigaw ng killer. Fuck! Bakit ba kulob ang boses niya dahil sa suot niyang maskara? Hindi ko tuloy malaman kung lalaki ba siya o isang babae. “Huwag mo ng patagalin kung sino ka man."

Inalis ko muna ang mata ko sa pagsilip at saglit ang na pinunasan ang butil-butil na pawis na namuo sa aking noo.

Sumilip muli ako.

Tumingin ako sa kaliwa… Wala ang killer! Tumingin ako sa kanan… wala din! Saan siya napunta!? Fuck!

Bigla na lang may nagtakip ng panyo sa aking bibig. Nakakagulat ang mga pangyayari. “Ako ba ang hinahanap mo? Macky Reyes?” Sinubukan kong manlaban pero habang tumatagal sa ilong ko ang panyo… nanghihina ako hanggang sa mawalan na ako ng malay.

***

Napahawak ako sa aking ulo at dahan-dahan na iminulat ang aking mata, anong nangyari? Ang labo ng paningin ko hanggang sa makapag-adjust na ito, tumingin ako sa paligid… nandito rin sina Minami at Len. Shit.

“Nasaan ako!?” Malakas na sigaw ni Len na mukhang gising na din. Si Minami ay mas nauna pang nagising sa akin.

“H’wag kang tanga girl! Nasa abandonadong lugar tayo.” Paliwanag niya sa kanyang kaibigan.

Napalingon kami sa isang maliit na screen nung bigla itong mabuhay, tumambad sa amin ang Game Master at gaya nung mga nakaraang araw ay nakasuot pa rin ito ng maskara at natatakpan ang buong katawan.

“Good day players! Magkakaroon tayo ngayon ng isang laro, pwedeng isa ang mawala, dalawa? Pwede rin naman na kayong tatlo! Simple lang ang mechanics ng laro. May makikita kayong tatlong holes diyan sa mga pader. Kailangan ninyo lang ipasok ang mga ulo ninyo diyan at may babasahin lang akong tanong at makalipas ang limang segundo ay sabay-sabay ninyong sasabihin ang letra ng inyong sagot. Habang tumatagal ay umuusog ‘yang pader at maaari kayong maipit. Kailangan ay maging pare-parehas na tama ang sagot ninyo sa tatlong tanong at doon lamang titigil ang paggalaw niyan,”

Seryoso lang akong nakatingin sa screen. Akala ko ba ay isa lang ang mamamatay sa bawat gabi? Fuck! Binago niya nga pala ang rules ng laro. Fuck this killer!

“Matapos ninyong masagutan ang mga tanong ay mayroon pa kayong isang gagawin. Kailangan ninyong i-shoot ang bola na nasa gilid sa ring, thirty seconds lang ang ibibigay ko sa inyong oras at kapag hindi ninyo magagawa… maiipit kayo sa pader. Kapag nagawa ninyo naman ay magbubukas ang kasunod na pinto at doon lang kayo magiging ligtas sa gabing ito!”

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon