Chapter 30 "Day 14"

29.1K 1.1K 58
                                    

CHAPTER 30“Day 14”
MACKY REYES

“Adrian! ‘Diba ikaw ang huling kasama ni Yui? Anong pagpapabaya ang ginawa mo!?” Malakas na sigaw ni Jin at kinwelyuhan si Adrian. Nakakalungkot lamang na ilang araw na lang ay makakaalis na kami ngunit may nawala pa.

“Wait, ako na naman ang sisisihin ninyo?” He fake his laugh. “Si Yui mismo ang nagsabi na maghiwalay kami nung gabing iyon! Sumunod lang ako sa sinabi niya. Sinabi niya pa nga ay magkita kami sa tapat ng carousel after thirty minutes.” He stated.

“Wala namang proof na nangyari ‘yang sinabi mo—“ Hindi na natuloy ni Bambie ang kanyang pambibintany nung biglang magsalita si Maya.

“Nakita namin si Adrian na naghihintay sa tapat ng carousel, kaming dalawa ni Macky.” Tumango ako bilang pagsang-ayon.

“See? Huwag ninyong ibintang sa akin lahat! Hindi porke’t nagawa ko siya noon ay gagawin ko ulit ang katangahang iyon. Just fucking trust me guys!” Sabi ni Adrian at tinanggal ang nakakwelyong kamay ni Jin.

“S-sorry.” Sabi ni Jin na parang napahiya.

“Tigilan na natin ang sisihan guys, nangyari na,” Matamlay na sabi ni Len dahil kaibigan niya si Yui pero wala siyang magagawa… ilang beses na rin naman siyang nawalan ng kaibigan sa larong iyon kaya nasanay na siya. “Kumain na lang tayo.”

Habang kumakain kami ay iniisip ko pa rin ang isang earplug na napulot ko doon sa may pinto ng basement. Ako lang ang nakakita nung bagay na iyon dahil busy sila sa pagtingin sa bangkay ni Yui.

Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at tumungo sa aking kwarto, sinabi ko na lamang sa kanila na magpapahinga muna ako.

In-on ko ito. “Hello,” Nagsalita ako bigla at sinubukan kung gumagana ito.

“Hello, sino ‘to!?” Napaigtad ako nung biglang may sumagot sa kabilang linya.

Napalagok ako ng aking laway, may kinalaman pala ang earplug na ito sa mga nangyayaring kagaguhan sa amin. “Macky Reyes, isa ako sa mga death game players.” Paliwanag ko.

“I am Lee park, nagpapanggap ako bilang kakampi ng killer para mailabas kayo ng buhay dito sa lugar na ito.” Paliwanag niya pero duda pa rin ako, nasa side pa rin siya ni Rena.

“Bakit mo kami gustong tulungan?” Tanong ko.

“Kakambal ako ni Lei,” Napakunot ako ng aking noo dahil hindi ko alam na may kakambal si Lei kahit na school mate kami dati. Paano ko malalaman? Sobrang tipid ng mga salitang binibitawan nung lalaking iyon.

“Gusto ko mabigyan ng katarungan ang kakambal ko. Gusto ko rin kayong ilabas ng buhay sa lugar na ‘to. Trust me.”

“Is that so?”

“Macky Reyes. kung makikipagtulungan ka sa akim, I will make sure na wala ng ibang tao ang mamamatay sa laro. Ilalabas ko kayong buhay dito.”

LEE PARK

“Bakit mo pinatay si Yui?” Tanong ko kay Rena, hinihiling ko na sana ay hindi makahalata si Rena sa ginagawa kong pagsisinungaling sa kanya.

“She’s acting weird nung mga nakaraan. Parang may alam siya na hindi ko alam so I decided to end her life,” Paliwanag niya sa akin. “Hindi niya rin naman naiwasan ang huling trap, bobo kasi.”

Nagbago ka na, Rena. Sana bumalik na ang dating Rena na kilala ko.
Oh Rena you've change a lot........ sana bumalik na yung dating Rena na nakilala ko.

Second year highschool kami ni Lei nung una naming makilala si Rena. Isa siyang exchange student galing sa Japan.

“Miss Matsui, kindly introduce yourself.” Sabi nung teacher at doon lang namin napansin ang isang babae na nakatayo sa isang gilid.

“It’s nice meeting you all.” Simpleng tugon niya.

Umupo si Rena sa gitna naming magkambal. “Ang galing, kambal kayo.” Wika niya.

“I am Lee and the one beside you is Lei. Buti marunong ka magtagalog?” Tanong ko.

“Nagtatagalog kami sa bahay and nagbabakasyon din naman kami dati dito sa Pinas kaya ako marunong.” Paliwanag niya kaya napatango-tango ako.

Nung una ay iritang-irita si Lei kay Rena pero nasanay na rin naman siya.

Mula second year highschool hanggang fourth year highschool ay kami laging magkakatabi tatlo, masaya ang pagkakaibigan na nabuo sa amin.

Tumuntong kami ng kolehiyo at hindi ako sa Pinas nag-aral, natanggap kasi ako sa school na pinag-apply-an ko overseas kaya doon ko napiling mag-aral. Ayaw man nila akong umalis pero natanggap din naman nila na para sa kinabukasan ko itong gagawin ko. Mabait si Rena, siya ang unang tao na umintindi sa akin.

Sa ibang bansa ako nag-aral at doon nagsimulang magkalamat ang pagkakaibigan namin, unti-unti kaming nawalan ng contact sa isa’t-isa at para bang nagkaroon ng away sina Lei at Rena kaya hindi rin sila nagpapansinan. Naging madalang na ang tawagan namin hanggang sa lumabo na ito.

Nalaman ko na lamang ang balita na namatay ang kapatid ni Rena na nakapagpalungkot sa puso ko, kaibigan ko si Rena, alam kong malulungkot siya sa nangyari. Naisipan kong umuwi ng Pilipinas ng mga panahong iyon para bisitahin siya.

Nag-suicide daw ang kapatid niya nung school prom nila.

Makalipas ang ilang araw ay namatay naman ang magulang ni Rena dahil sa nangyaring aksidente, nagkaroon ng aksidente sa isang dance contest na nagaganap, stampede.

Awang-awa ako kay Rena nung mga panahong iyon dahil sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sa buhay niya. Maraming buhay ang nawala sa kanyang piling, maging ang kasal na pinangarap niya ay hindi natuloy.

Isa sa mga pinagtataka ko no’n ay kung bakit parang hindi naawa si Lei sa kanya. Ipinagsawalang bahala ko ‘yon dahil tiwala ako na wala siyang kinalaman sa mga nangyayari.

Matapos ang sunod-sunod na masaklap na pangyayari sa kanya, nag-iba si Rena. Lumipat siya ng schoo at walang nakakaalam kung saan iyon.

Lumipas ang buwan ay nag-text na lamang siya na pasalihin ko raw si Lei sa isang game show. Nagkausap kami ni Rena ng harapan at doon ko nalaman na sangkot si Lei sa nangyayaring kamalasan sa kaibigan ko, siya ang nagpapatay sa kapatid ni Rena. Doon ko rin nalaman ang game show na kanyang balak gawin.

Pumayag ako sa kanyang mga plano dahil nangako siya na hindi niya sasaktan ang aking kapatid, walang kaalam-alam si Lei na tumutulong ako kay Rena.

Nung namatay ang kakambal ko, doon ko pinagsisihan ang ginawa kong pagtulong kay Rena. Doon ko pinagsisihan ang pagtitiwala ko sa kanya. Sinira niya ang kanyang pangako na walang mangyayaring masama sa kapatid ko.

Matapos mamatay ng kapatid ko, doon ko ipinangako sa aking sarili na ilalabas ko ang ibang tao na nandito sa parkeng ito… ako mismo ang papatay kay Rena.

Sumagi sa isip ko kung bakit ko ito ginagawa lahat, para maghiganti. Para ibalik ang dating Rena na puno ng ngiti ang mukha. Ngunit kung hindi pa siya titigil sa mga kabaliwan niya, ako mismo ang papatay sa kanya… bukas.

Naisip kong palihim na makipagkita kay Macky ngayong araw upang maplano ang lahat, at para na rin hindi na maulit ang nangyari kay Yui.  I feel bad na may isang buhay ang nawala dahil sa kakulangan ko.

Nagkita kami sa operating room ng roller coaster dahil iyon ang lugar na walang camera.

Pagkapasok ni Macky ay tila ba nagulat siya sa kanyang nakita. “Magkamukhang-magkamukha kayong dalawa ni Lei. Para bang nakikita ko ulit ng buhay si Lei sa’yo,” Ngumiti naman ako sa kanya. “Hindi ka ba makikita ni Rena rito? Balot ng CCTV ang buong lugar.”

“Tumingin ka sa paligid,” Iyon naman ang kanyang ginawa. “Walang camera rito, right?” Tumango siya bilang tugon.

“Ligtas tayong makakapag-usap dito, hindi makakarating kay Rena lahat ng pagpaplanuhan natin dito.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Anong plano mo?” Tanong niya sa akin.

“Naayos ko na ang lahat ng bagay dito at isa lang ang gusto ko… Just survive.” Sa final game ko kakailanganin ang tulong ni Macky, he just need na makaabot hanggang sa huling laro.

“That’s it? Kaya kong gawin ‘yan.” Tiwala niyang sagot.

“Mayroon sana ako sa’yong hihingin na favor…”

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon