Chapter 28 "Day 13"

30.8K 1.1K 143
                                    

CHAPTER 28 “DAY 13”
JIN KUGA

 Maaga akong gumising ngayong araw dahil gusto kong malaman kung ano yung nakita ko kahapon na ginagawa ni Yui, sino ang kausap ni Yui?

Dahan-dahan akong pumasok sa kanyang kwarto and luckily, wala siya rito dahil sabay-sabay silang nag-a-almusal nila Len sa restaurant. Isinara ko ang pinto pagkapasok ko rito.

Lumingon-lingon ako sa kanyang kwarto at may nakita akong nakapatong na earplug sa mini cabinet sa kanyang kwarto. Lumapit ako rito at pinagmasdan, hindi ko rin ito planong kuhanin dahil mahahalata niya kapag nawala ito. May nakadikit na maliit na tracker sa earplug, siguro naman ay hindi niya iyon mapapansin kung kukuhanin ko ito?

Inilagay ko sa bulsa ang tracker bago naglakad paalis.

Pumasok ako sa restaurant na parang walang nangyari. Si Adrian, Yui, Chlloe, Len, at ako pa lamang ang tao rito. “Morning,” Bati ko sa kanila.

“Morning.” Tugon nila.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Umupo na ako sa table katabi nila. Para saan kaya itong tracker na ito?

Maya maya pa ay pumasok na rin si Bambie sa restaurant. Saglit lang siya kumuha ng pagkain at tumabi sa akin. Umalis na sina Len dahil tapos na sila kumain at kasabay naman nito ang pagpasok nila Macky.

“Bambie, naalala mo ba nung na-setup ako sa isang arrange marriage?” Tanong ko sa kanya.

“Yes, sinong makakalimot doon e parati ka namin tinutulungan na tumakas doon. Kaya nga hindi mo na-meet kahit minsan ang babaeng dapat ipapakasal sa’yo e,”

“Natatandaan mo ba ang pangalan niya?” Mahinang bulong ko lang para hindi marinig nung iba.

“Ewan ko!” She stated.

“Rena Matsui! Rena Matsui ang pangalan niya Bambie,” Saglit siyang natigil sa aking sinabi. “Hindi mo ba gets? Hindi kaya… siya ang gumagawa nung lahat ng ito?”

Napahinto lang si Bambie at itinuloy ko ang pagpapaliwanag ko. “Kaya siya naghihiganti kanila Fierce dahil sila ang pumatay sa kapatid niya. Baka may kasalanan din ako? I mean, hindi ako sumipot sa kahit anong date namin at hindi ko sinuklian ang pagmamahal niya,”

“Imposible, napakababaw naman na dahilan no’n,” Umiiling na sabi ni Bambie.

“Maybe para sa atin mababaw kasi hindi naman tayo ang nakaramdam na iwan, hindi tayo yung namatayan. Maybe sa tingin niya ay deserve niya ang mga nangyayari sa atin.” Pagpapaliwanag ko at natigil si Bambie.

Kung ano man ang kasalanan ko, pinagsisisihan ko ‘yon.

“Players please gather at the hall!” Isang announcement ang umalingawngaw sa buong park, nagkatinginan kaming dalawa ni Bambie bago tumayo.

MACKY REYES

Napalingon kaming anim sa kakapasok pa lang na si Len at Yui dito sa loob ng hall. Sila na lang kasi ang kulang.

Hindi ko akalain na bababa ang bilang namin sa walo, labing-anim namin sinimulan ang larong ‘to pero ipinagpapatuloy na lamang naming walo.

Nung nakumpleto kaming lahat ay biglang may usok na pumaligid sa buong hall, isang makapal na usok ang namuo to the point na hirap na kaming makakita.

“Macky… Nasaan ka!?” Malakas na sigaw ni Maya sa pagitan ng kanyang pag-ubo. Nung maaninag ko siya ng kaunti ay agad ko siyang hinatak at hinawakan sa kamay.

“Ayos ka lang?” Tanong ko at tanging tango lang ang naging sagot niya sa akin.

Ilang minuto nanatili sa buong paligid ang usok hanggang sa unti-unti na itong maglaho. May isang anino ng babae sa ‘di kalayuan akong natanaw.

Nawala ang makapal na usok at nakita namin ang kanyang hitsura. Nakasuot siya ng itim na jacket at bagsak ang itim niyang buhok, bilugan ang kanyang mata at ang kanyang ngiti… iyon ang klase ng ngiti na hindi mo gugustuhing makita.

“Rena?” Gulat na sabi ni Jin, halatang nagulat siya nung makita niya ang hitsura nito. May koneksyon ba silang dalawa?

Nakatingin lamang kami kay Rena. Siya ang nagpapatakbo ng larong ito? Paanong nangyari na isang babae na gaya niya ang makakaisip ng ganitong kabrutal na laro?

“Umalis na kayo dito!” Isang sigaw ng babae ang aming narinig at doon lamang napansin ang sabu-sabunot na babae ni Rena na nakaupo sa sahig.

“Shut up, bitch!” Sigaw ni Rena at mas humigpit ang pagkakahawak niya rito.

If I remember clearly, siya yung matanda na nag-imbita sa akin sa laro!

“Lahat naman siguro kayo ay kilala ang babaeng ito ‘diba?” Of course! Siya ang umaya sa akin na sumali sa ganitong klaseng laro. Siya ang nag-aya sa akin na sumali ako sa impyernong ito.

“P-pakawalan mo na ‘ko! Nagawa ko naman ang iyong pinapagawa naisali ko naman sila sa laro!” Umiiyak na sabi nung matanda. Ang sakit sa mata na nakikita niya na sinasaktan ang isang mahinang matanda.

Akmang ihahakbang ko na ang paa ko nung biglang iniharang ni Adrian ang kanyang kamay. “Huwag, hindi natin alam ang pwede niyang gawin sa oras na lumapit ka. Marami na siyang napatay.”

“Umalis na kay—“ Naputol ang sasabihin nung matanda nung biglang sinaksak ni Rena ng isang matulis na lapis ang lalamunan nito. Nabato ako sa aking kinatatayuan at lahat kami… nagulat sa nangyari.

“Sinabi ko naman sa’yo, ayoko ng maingay eh!” Tinanggal niya ang lapis sa lalamunan nito at sumirit sa mukha ni Rena ang dugo. Parang umikot ang tiyan ko sa aking nasaksihan. Tama nga si Adrian, hindi na dapat ako lumapit… hindi isang babae ang kaharap namin ngayon, isang demonyo.

Nabalot ng dugo ang buong katawan ni Rena, hindi ko alam na may isang tao na may kakayahan na gumawa ng ganoong klaseng pagpatay. Gumalaw ang kamay nung matanda at parang sinusubukan nitong gumapang paalis ngunit mabilis na tinapakan ni Rena ang kamay niya. Paulit-ulit na tadyak ang kanyang pinakawalan.

Kung tutuusin ay maaari na naming sugurin si Rena ngayon at gumanti pero bakit parang walang makakilos sa amin? Natatakot kaming lahat sa kanya kahit pa sabihin mong isa lang siyang babae. Para siyang isang baliw.

“For finale.” Ngumiti sa amin si Rena at bumaling ulit ang kanyang tingin sa matanda. Sinaksak niya ang mukha nung matanda gamit ang lapis, isang saksak, dalawang saksak at marami pa! Gusto kong masuka dahil puro dugo ang nakikita ko.

Nagtalsikan ang mga dugo sa kanyang mukha pero mukhang nag-e-enjoy pa siya sa nangyari.

Bumaling ang kanyang tingin sa amin at malademonyong ngumiti. “I am Rena Matsui, tikman ninyo ang ganti ko. Ipaparanas ko sa inyong lahat ng hirap na inyong pinaranas sa akin.”

Muling umusok ang buong paligid at sa pagkawala nito, wala na rin si Rena at naiwan ang bangkay nung matanda.

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon