Chapter 22 "Her Secret"

27.2K 1K 76
                                    

CHAPTER 22 “HER SECRET”
MAYA CASTRO

Sa pagtatanong ni Macky ng bagay na iyon… naalala ko na naman siya. Naalala ko na naman ang panggagago na ginawa ko sa kanya. Nag-suicide siya dahil sa akin. Tumalon siya sa school building dahil sa pagpapahirap ko sa kanya.

“Maya! Tingnan mo oh! She’s a total attention seeker!” Sabi sa akin ni Ami na kaibigan ko, kasama ko sa theater club. “Sa pagdating niya sa school, nakuha niya ang lead role na para sa’yo!”

“Anong gusto ninyong gawin ko? Mukha naman may ibubuga talaga siya sa pag-arte.” Pagpapaliwanag ko at sumubo ng spaghetti.

“I have a plan para maipakita mo sa amin ‘yang galing mo sa pag-arte,” Nakangising sabi ni Jessica. “It’s a dare for you!”

“Tigilan niyo nga ako sa ganyan, ayan na naman kay—“

“If hindi mo gagawin, we will kick you in the group. Tatanggalin ka rin namin sa theater club! Come on! This is just for fun!” Siya kasi ang president ng club kaya ang lakas ng loob manakot.

Ibinagsak ko sa lamesa ang tinidor. “Fine! Ano ba ang kailangan kong gawin?”

“Siraan mo siya,” itinuro niya na naman ang babae na tahimik na kumakain sa gilid. “Make her school days here… miserable.”

Nung una ay ayoko, pero pinatulan ko rin ang dare dahil sa mga kantyaw nila.

Tumayo ako at naglakad tungo sa direksyon nung babae na tinutukoy nila. “Bago ka lang dito?” Tumango naman siya sa akin. Mahiyain.

“I’m Maya,” Nilahad ko ang aking kamay. “Maya Castro.”

“J-Jurina Matsui.” Sagot niya.

“Nice meeting you, Jurina! Wala rin akong kaibigan dito masyado,” Umupo ako sa tabi niya at ngumiti. “We can be friends.”

Naging magkaibigan kami ni Jurina, masaya siyang kasama. Pitong araw ko pa lang siang sinasamahan pero hindi ako nababagot. Akala ko nung una ay tahimik siya pero ang kalog niya… at the same time, ang bait.

“Maya, pinatawag mo ako?” Tanong ni Kyle, kilala siya a womanizer here in school.

“May ipapagawa ako sa’yo, kiss this girl.” Iniabot ko ang litrato

“Maganda siya ah,” He lick his lips na parang natatakam. “Gusto mo ba tanggalan ko rin ng virgini—“

“Don’t you dare! Wala ‘yan sa kailangan mong gawin! Kiss her and your job is done!” Kahit papaano ay kaibigan ko si Jurina, mahalaga para sa isang babae ang virginity.

Sumunod siya sa akin, nagtago ako sa isang gilid at dire-diretsong naglakad si Kyle patungo sa direksyon ni Jurina at hinalikan niya ito ng walang pasabi.

Ilang shot ang ginawa ko sa camera. “Bingo.”

Nasampal man si Kyle, worth it naman.

Makalipas ang isang linggo, inilabas ko ang litrato niya. Patago ko itong pinagkalat, gumawa ako ng dummy account para ipagkalat sa social media ang litrato niya with a caption.

‘She’s not a saint, she’s a flirt! Acting like an angel pero mas malandi pa sa isang pokpok.’

Harshed but… kailangan kong gawin.

Nung kumalat iyon, araw-araw umiiyak sa akin si Jurina, ako ang crying shoulder niya. Nung araw na iyon, nagbago ang tingin ng maraming tao sa kanya. Gaya ng plano… naging miserable ang pananatili niya sa school.

Araw-araw may nambabastos sa kanya at ibinabato sa kanya na masasakit na salita like plastik, flirt, and bitch. Para sa isang babae, iyon na ang pinakamasasakit na salita na maibabato mo sa amin.

“Umalis ka na lang dito, hindi mo deserve ‘yan.” Ako pa mismo ang nagpapayo sa kanya. I learned my lesson, I’ve done a bad thing. Kahit papaano ay kaibigan ko siya… umalis na lang siya dito, hindi niya deserve ang ganitong treatement.

“Bakit ako aalis dito? Kapag umalis ako, sasabihin lang nila na totoo ang mga sinasabi nila. I will stay here, Papatunayan ko sa kanila na hindi totoo ang mga lumabas sa bibig nila. Nandito ka naman para sa akin, Maya ‘diba? Hindi mo ako iiwan at alam kong hindi mo ako lolokohin.” It hits me.

Tumigil na ako sa panggugulo sa kanya dahil miserable na ang buhay niya… gaya ng napag-usapan.

Makalipas ang isang linggo, pumutok na lamang ang balita na nag-suicide siya. Siguro hindi niya kinaya na ako ang may gawa ng lahat… ang itinuring niyang, bestfriend. It’s all my fault.

That’s my dark past, my deepest secret. Nakapatay ako ng tao dahil sa mga kalokohan ko.

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon