Chapter 16 "Night 7"

30.8K 1.2K 189
                                    

CHAPTER 16 “NIGHT 7”
FIERCE RAMOS

Kanina pa ako tumatakbo ngayong gabi, hindi ako nananatili sa ispesipikong lugar dahil baka makita lang ako ng killer. Pumasok ako sa isang abandonadong warehouse. Puro mga lumang rides ang nandito at karamihan… kinakalawang, tambakan na ito ng kung ano-anong bagay.

Habang tumatagal ako sa laro ay hindi naman nawawala ang kaba ko. Ito ang huling gabi sa unang linggo. Kailangan ko lang maka-survive pa!

It’s my hobby na habang nasa iisang lugar ako, mahilig ako magkatikot upang hindi mainip, for an extrovert like me… naiinip talaga ako ng walang nagagawa o nakakausap.

“Kapag nakalabas talaga ako dito, ibebenta ko sa junk shop yung mga gamit dito.” Pagkakausap ko sa aking sarili, sayang din ‘yan, puro bakal. Mahal din ang bentahan ngayon niyan.

Marami pang bagay akong nakita at maraming mga bagay na nakakahon kaya isa-isa ko itong binuksan.

“Shit!” Mura ko at napaupo sa sahig, puro bungo ng tao ang nakita ko sa loob ng kahon.

Tinakpan ko ang aking ilong at sinipa ang kahon. Sumabog sa sahig ang laman ng kahon at isang litrato ang pumukaw ng atensyon ko. I don’t know kung bakit may litrato dito, I just do nonsense things out of curiousity, pero bakit siya may litrato dito?
Nagulat ako nung biglang may sumigaw sa labas at mukhang papasok siya rito. “Fuck! Kailangan kong magtago.”

“Adrian?”

Nakita ako ni Adrian at humawak sa kamay ko at umupo kami sa isang sulok. “Shhh! Huwag kang maingay, nandito ang killer.” Iniwasan kong gumawa ng ingay at gumapang na naman ang kaba na aking nararamdaman.

Nagulat ako nung biglang may narinig akong bumagsak na kahon. Adrian pointed his index finger on his nose na parang sinasabi na huwag akong maingay.

“Let’s play tonight… Adrian!” Killer shouted, maliliit ang hakbang na ginagawa namin habang nakaupo. Susubukan naming tumakas dalawa rito. “Huwag ka ng magtago Adrian dahil nakita na kita!”
Napatigil kaming dalawa sa paghakbang. “Nagsama ka pa talaga ng kasamahan? ‘Wag na kayong magtago.”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Adrian, “Takbo!” He shouted.

Akmang tatayo na ako ngunit isang malakas na hampas ang tumama sa aking ulo. Akmang tatakbo ako pero unti-unting nagdilim ang aking paningin hanggang sa maramdaman ko na lang na bumagsak ang aking katawan.

***

Unti-unti kong iminulat ang aking mata, nahirapan ako sa pagbangon dahil sa sakit ng aking ulo. “N-nasaan ako?”

“Huwag kang maingay.” Sugar stated. Napatingin ako sa mga kasamahan kong nandito, si Sugar at si Adrian.

“Nasaan tayo?” Tanong ko.

“Hindi ko rin alam.” Sagot ni Adrian at tinulungan akong makatayo. Biglang nabuhay ang screen na nakadikit sa isang poste.

“Good day players! You will now play a maze game. There are three exits in that maze. When you enter the wrong exit… one of you will die.”

Tumingin ako sa maze, Hindi ito yung garden maze na nasa loob ng park. Mas malaki ito kumpara doon. Nasa labas ba kami ng park?

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon