Chapter 15 "Day 7"

32.3K 1.2K 123
                                    

CHAPTER 15 “DAY 7”
FIERCE RAMOS

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng magsimula ang demonyong laro na ito. Nung sinimulan namin ito ay labing anim kami pero ngayon… labing dalawa na lang kaming nabubuhay dito.

Mei, Phillip, Lei, Minami… Sila ang mga taong nawala man sa laro ay nananatili naman sa aming mga puso.

Marami rin nagbago sa mga nakalipas na araw.

Naglalakad kami patungo sa clinic upang bisitahin si Bambie. Mabuti na lamang ay nagawa nilang makaligtas kagabi pero masakit ang pagkakatama ng palaso sa balikat ni Bambie, baon na baon.

“Hoy Fierce! Ayos ka lang ba?” Biglang itinulak ni Maya ang balikat ko habang patungo kami sa clinic. Nabalik ako sa ulirat at muling ngumiti sa kanya.

“Inalala ko lang yung mga nangyari nung nakaraan. Isang linggo na tayo rito, isang linggo pa ang bubunuin natin.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Kaya natin ‘yan.” Sagot niya sa akin.
Kasama namin si Adrian ngayon na pumunta sa clinic dahil nandoon na si Macky.

Pagkarating namin sa clinic ay kunot noo kaming sinalubong ni Macky, “Ba’t ang tagal ninyo?”

“Eto kasing si Maya, ang bagal maglakad. ‘Diba, Adrian?” Pang-aasar ko. Natawa si Adrian at tumango.

“Anong ako!? Ikaw nga ‘tong mabagal maglakad!” Sabi niya at itinulak ang aking balikat. Sadista.

Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Macky kahapon, hindi raw nag-iisa ang killer. It’s good to know na nakatulong ako sa kanya, umaasa akong mahahanap ni Macky ang gumagawa ng pagpatay.

“Bambie, ayos ka lang ba?” Pagtatanong ni Yui na kakapasok lang sa loob.

“Salamat sa pag-aalala, okay na ako. Nahihirapan lang ako igalaw ang kanang balikat ko.” She said, pero grabe ang tama no’n. Himala na nga na nabuhay siya at himala din na sobrang okay niya ngayon.

“It’s all thanks to Jin, naisugod ka niya agad dito at salamat na din kay Sugar, nagamot niya agad ang sugat mo.” Sabi ni Andrew at ngumiti.

“Siraulo, si Jin nga ang muntik pumatay sa akin. Gago na ‘yan.” Pabirong sabi ni Bambie kaya natawa kaming lahat sa loob.

“Ginawa ko naman ang best ko para matulungan ka kagabi. Tsk.” Sagot sa kanya ni Jin.

“Hindi ka ba nanghihina, Bambie? I mean, ang daming dugo ang nawala sa’yo.” Sabi ni Macky at napatingin kami ulit kay Bambie.

“Siguro kailangan ko lang ng maghapong pahinga.” Nakangiting sagot ni Bambie at humiga muli sa kama. “Don’t worry guys. Balikat ko ang natamaan, hindi paa, kaya ko pa rin naman tumakbo at magtago.”

It’s a relief, mas maganda ng maging positive thinker sa pagkakataong ito.

“Guys,” Napatingin kaming lahat kay Jin.

“Bakit pakiramdam ko, hindi nag-iisa ang killer? Pakiramdam ko ay ibang tao ang killer kagabi.”

JIN KUGA

Umalis na ang iba ngunit naiwan pa rin ako sa clinic upang bantayan si Bambie. “Jin sure ka? Kaya mo ng bantayan si bambie?” Pagtatanong ni Adrian at kasama niya si Honey.

“Yeah, sige na, kumain na kayo.” Nakangiti kong sabi sa kanila at naglakad na sila palabas.

“Bye guys!” Nakangiting sabi ni Bambie. Tuluyan na kaming naiwan sa iisang lugar na dalawa, gaya nga ng sabi ko kagabi… na-realize kong gusto ko si Bambie.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan dito sa clinic na ito! Ano ba ito! Hindi ako sanay na tahimik lang kami ni Bambie eh parati kaming nagsasagutan nito.

“Ikaw ba, hindi ka ba nagugutom?” tanong ni Bambie, tumingin siya sa kanyang kamay at pinaglaruan ang kanyang bawat daliri. “Salamat Jin sa pagligtas mo sa akin kagabi, dahil sa’yo ay nandito pa ako. Hindi ko man maigalaw ‘tong kanang kamay ko… okay lang, ke’sa naman tuluyan akong mamatay ‘diba?” Nakangiting sabi ni Bambie.


“Kahit sino naman ay gagawin iyon.” Palalampasin ko muna ang kaba na nararamdaman ko bago ako magtapat sa kanya.

“Jin…” Pagtawag niya muli sa pangalan ko. “Thank you for being in my side simula nung mga bata pa tayo. Kahit na sinasabit mo ako sa maraming kalokohan, okay lang, ikaw lang ang taong pumrotekta sa akin… hanggang ngayon.”

Bumilis ang tibok ng puso ko, alam kong hindi ako kinakabahan pero ang bilis ng tibok ng puso ko, tangina! Hindi makapagsalita ang isang Jin Kuga ngayon.

Hindi ko alam kung kailan ang perfect time para sabihin na gusto ko rin siya, pero tangina! Hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatagal sa larong ito, it’s now or never.

“Gusto kita, Bambie.” Napaangat siya ng tingin dahil sa sinabi ko. “Alam kong matagal ko na itong nararamdaman pero idini-deny ko lang ‘coz I don’t want to admit that I’m inlove with my bestfriend. Pero yung mga nangyari kagabi… ayokong pagsisihan ko na hindi ko nasabi ang mga salitang iyon.”

“A-anong sinabi mo?” She asked habang nakatingin sa aking mata.

“Huwag mo ng ipaulit sa akin, Bambie. Alam kong narinig mo iyon,” Sagot ko sa kanya at umiwas ako ng tingin. Fuck. Nakakahiya ‘to. “A-ano, wala ka man lang bang response sa sudden confession ko?”

This is not the perfect place to do that… pero bahala na! Uulitin ko na lang kung sakaling makalabas kami ng buhay sa lugar na ito.

“I don’t know… natahimik ako nung malaman kong, gusto rin ako ng lalaking gusto ko.” Pahina niyang sabi pero narinig ko iyon.

“Anong sinabi mo, Bambie?” Lumawak ang ngiti sa aking labi.

“Wala! Lumabas ka na! Kumain ka na!”

Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang ayos ng kanyang buhok. “Masaya akong malaman na parehas nating gusto ang isa’t isa. Pero gusto kong ligawan kita pagkaalis natin sa lugar na ito, gusto kong simulan natin ito ng tama.” Nakangiti kong sagot.

This is the worst scenario for a confession but this is the best feeling that I’d experience.

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon