CHAPTER 2 “FEEL THE THRILL”
MACKY REYESSimula nung natanggap ko ang regalo na binigay nung game master, hindi na ako mapakali. Mabuti na lamang at walang nakakadiring parte ng katawan akong natanggap, hindi katulad kay Maya na nakatanggap ng tatlong putol na daliri at kay Fiere na nakatanggap ng putol na dila.
Alam kong hindi lang ako ang kinakabahan, alam kong nararamdaman din ito ng ibang players kung sino man sila.kagigising ko lang ngayon at paggising ko may sulat na nakapatong sa study table ko na agad kong kinuha at binasa.
Gabi na ngayon at bukas na magsisimula ang laro. Hirap akong makatulog, hindi ko alam ang mangyayari bukas.
Bandang ala-una na ng madaling araw nung ako’y makatulog.
Pagkadilat ko ng aking mata… Nanibago ako sa buong paligid. Hindi ito ang kwarto ko! Nakahiga ako sa isang malambot na kama. Nasaan ako?
Mabilis akong tumayo, parang nasa isang hotel room ako. Napatingin ako sa sulat na nakapaibabaw sa mini cabinet.
Please move to the entrance of the theme park.
“Tang ina.” Hindi ko maiwasan na makapagmura dahil sa nangyayari, napahawak ako sa aking ulo dahil parang nahihilo ako. I shrug my head upang mawala ang sakit nito at naglakad ako palabas ng hotel.
JIN KUGA
Nakatipon na kaming lahat dito sa malapit sa gate ng theme park. Lahat kami ay nandito sa loob ng park, nakakandado ang malalaki nitong gate at nakaharang ang nagtataasang pader sa buong paligid. Para kaming ikinulong sa lugar na ito!Sisiguraduhin kong isa ako makakalabas sa lugar na ito.
Biglang nabuhay ang malaking screen na nakadikit sa isang mataas na gusali.
“Welcome players!” Napukaw nito ang atensyon naming lahat, isang tao na nakaitim na cloak at putting maskara ang tumambad sa screen. Naka-voice changer din siya kaya lumalaki ang kanyang boses, hindi ko malaman kung babae ito o lalaki.
Nakilala ko na rin ang lahat ng players, magkakaiba kami ng katangian pero alam kong iisa lang ang gusto ng lahat… Ang makaalis sa lugar na ito. Who cares!? Kaibigan ko lang ang kailangan ko sa larong ito. Si Bambie, Honey, at Phillip… sila lang ang kaibigan ko sa larong ito bago pa man kami pumasok dito.
Napatingin ako kay Lei, ang misteryoso niya. Iyon ang first impression ko sa kanya.
“Magkakaroon muna tayo ng mini presentation para sa lahat! Para malaman ninyo na seryoso ako sa larong ito.” Nabalik ang atensyon ko sa screen.
Lumabas sa screen ang isang babae, kilala ko siya! Siya yung babae na nag-assist sa amin doon sa lumang building, siya yung nagpumilit sa amin na mag-sign up sa demonyong laro na ito!
“Anong gagawin niya sa babae?” Tanong ni Chlloe.
Lahat kami ay nakatingin lang sa screen at naghihintay sa susunod na mangyayari. Natatakot ako pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa screen.
***
“H-huwag mo akong patayin! Maawa ka! Sinunod ko naman ang lahat ng utos mo.” Umiiyak na sigaw nung babae habang pilit na kumakawala sa pagkakatali.
“Hindi naman masasayang ang pagkamatay mo. You will serve as a good example for everyone!” Mahinahong sabi ng killer, hindi ko pa rin makilala kung sino siya dahil sa maskara niyang suot at sa voice changer.
Bumaling ang tingin ng killer sa camera kaya parang nakatingin siya sa amin.
“Players! Panuorin ninyong mabuti ang video na ito, hindi ko kayo tinatakot. This is a serious game and not just a prank show.” Sinabunutan niya ang buhok nung babae. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil pakiramdam ko ay masakit ang sabunot na iyon.
“Maawa ka… please!” Umiiyak na sabi nung babae.
“Ang daldal mo! Naririndi na ako sa boses mo!” Pilit binuksan nung game master ang bibig nung babae at inilabas ang dila nito. “Watch this, players!”
Naglabas siya ng gunting at ginupit niya ang dila nung babae, hindi ito makalaban dahil nakatali ang mga kamay nito. Dahan-dahan ang pagputol na kanyang ginagawa at kitang-kita ko kung paano lumabas ang pulang likido sa kanyang bibig. Kitang-kita ko kung paano unti-unting nahihiwa ang kanyang dila hanggang sa matanggal ito.
Fuck! Nanginginig ang buong katawan ko ngayon! Punong-puno ng dugo ang bibig nung babae. Umaagos ang dugo at patuloy pa rin ang pag-iyak niya.
“Natatakot na ba kayo? Nagsisimula pa lang tayo sa palabas.” Pagkasabing-pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay itinusok niya ang gunting na kanyang hawak sa mata nung babae.
Halos magwala naman ang babae ngunit wala siyang magawa. Gusto niyang sumigaw ngunit wala siyang lakas, punong-puno ng dugo ang kanyang bibig.
Naaawa ako sa babae, umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. May hawak na kutsilyo ang game master. Napaawang ang aking bibig nung bigla niyang saksakin sa tiyan, ulo, dalawang hita, at pinutol ang lahat ng daliri nito. Kitang-kita ko ang talsikan ng dugo sa buong paligid. Gusto kong masuka sa kademonyohan na ginagawa ng killer. Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko.
“Para sa finale,” Sinaksak niya ang kutsilyo sa dibdib ng babae at nawalan na ito ng malay. “I want you to feel the thrill.”
BINABASA MO ANG
Death Game: Battle For Lives
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...