CHAPTER 4 “NIGHT 1”
ANDREW MENDOZA"Okay players! I will now come inside the park! Who will be the lucky one who's going to die today?" Sa pagkasabing iyong ay pumasok ang killer sa loob ng theme park. Kanya-kanya kami ng tago.
Hindi ko inaasahan na magiging ganito nakakatakot ang gabing ito, we are hiding for our lives and he was seeking for our death.
Nagtungo ako sa mapunong bahagi ng Theme park at nagtago sa makakapal na dahon nito. Pasilip-silip lang ako sa paligid, tanging ang tanglaw lang ng street lights ang nagbibigay ilaw sa buong paligid. Wala na ang masasayang tawanan kanina, napalitan na ito ng takot.
Habang nagtatago ako ay may isang tao akong namataan na naglalakad sa ‘di kalayuan. Nakasuot ito ng itim na damit at puting maskara—Ang game master. Nakita namin ang pagpatay niya doon sa babae, alam na namin ang kaya niyang gawin.
Isiniksik ko ang sarili ko sa makapal na dahon ng halaman na ito pero tuloy-tuloy siyang naglalakad sa direksyon ko, nakita na kaya niya ako?! Patuloy siyang lumalapit. Masama ‘to.
Tumayo ako at nagsimulang tumakbo at sinundan niya naman ako.
Fuck! Bakit ba ako ang hinahabol ng killer na ito!? Kinakabahan man ako ay hindi ko iyon pinahalata. Patulot lang ako sa pagtakbo, nasa likod ko lang ang kamatayan ko… ang kailangan ko lang gawin ay takasan ito.
Pagkaliko ko sa isang daan ay isiniksik ko ang sarili ko sa likod ng isang vending machine. Mabuti na lamang at flexible ang katawan ko kaya nagkasya ako sa maliit na espasyo nito.
Lumingat-lingat sa paligid ang killer at hindi na niya ako nakita. Ligtas na ako.
Ilang minuto yung lumipas at nakita ko si Adrian tsaka Mei na tumatakbo, mukhang sila naman yung hinahabol nung killer.
Nakita ko ang takot sa kanilang mukha. Hila-hila ni Adrian ang kamay ni Mei habang tumatakbo sila. Nakasilip lang ako at pinagmamasdan ang ginagawa nilang pagtakbo. “Tang ina.” Napamura ako nung nagkahiwalay silang dalawa. Mukhang mahina pa naman si Mei.
"Adrian huwag mo akong iwan!" Narinig kong sigaw ni Mei habang tumatakbo dahil siya yung hinahabol nung killer pero nung nilingon ko si Adrian ay itinuloy niya lang yung pagtakbo palayo kay Mei. Iniwan niya sa ere si Mei. Tumakas lang siya habang ang kaibigan niya ay nanganganib ang buhay.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinundan ang killer at si Mei. Ililigtas ko siya.
“Mamamatay ka na sa larong ‘to, Mei!” Malakas na sigaw nung killer.“Huwag mo akong patayin, please!” Narinig kong sigaw ni Mei at halatang natatakot siya para sa kanyang sarili. Sinong hindi matatakot? Buhay namin ang nakataya rito.
Pumasok sila sa isang building at sinundan ko lang sila, shit! Dead end!“Huwag mong sasaktan si Mei!” Malakas kong sigaw. Ang tanging gusto ko lang ay mailigtas si Mei.
Sabu-sabunot na niya ngayon ang buhok ni Mei at mukhang naabutan na niya ito.
“Magpapakabayani ka ngayon, Andrew? Si Adrian nga na nangako sa kanya ay iniwan siya sa ere!”
“Alam kong may dahilan si Adrian kung bakit niya ako iniwan.” Humahagulgol sa pag-iyak si Mei, nakita ko ang ekspresyon ng kanyang mukha—Sobrang natatakot at nasasaktan.
“Ang dahilan niya ay gusto niyang mabuhay sa laro! Ginamit ka lang niya! Tanga ka ba!?” Sigaw nung killer at mabilis na itinusok ang hawak niyang kutsilyo sa hita ni Mei.
Kitang-kita ko kung paano umagos ang napakaraming dugo mula sa kanyang hita.
“Bakit ako titigil? Ikaw ang mamamatay ngayon gabi, Mei!” Sinaksak niya naman ang kabilang hita ni Mei. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil parang nararamdaman ko ang ginagawa niya kay Mei.
BINABASA MO ANG
Death Game: Battle For Lives
HorrorThis is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coi...