Chapter 24 "Day 11"

29.3K 1.1K 80
                                    

CHAPTER 24 “DAY 11”
MAYA CASTRO

Sa tingin ko naman ay tama ang desisyon ko na patawarin si Fierce, ayoko rin na may kaalitan ako sa loob ng parke na ‘to. Nasa hindi na nga kami magandang sitwasyon, magkakatampuhan pa kami ‘diba? It’s a relief na okay na kami.

At isa pa, may pangako kami sa isa’t isa nina Macky na sama-sama kaming aalis sa lugar na ito. Patuloy pa rin akong humahawak sa pangakong iyon lalo na’t kaunting araw na lang.

“Okay na kayong dalawa?” Macky asked on us. Ngayon na lang ulit kami sabay-sabay na nag-almusal. It’s pretty hard for him dahil siya ang naipit.

“Kagabi lang.” Sabi ko at sumubo ng kanin.

“That’s good to know.” Nakangiti niyang sabi.
 
After we eat, nakapagdesisyon kami na pumunta sa clinic upang bisitahin si Jin. Tuwing umaga na lang ay may binibisita kami rito but I’m glad to know that he’s fine now.

“Kumusta si Jin?” Tanong ko kay Bambie, hindi ko alam kung may tulog ba itong babae na ito. Kagabi niya pa binabantayan si Jin.

“Hindi pa rin nagigising pero sabi naman ni Chlloe na pahinga lang ang katapat nito. Baka mamaya ay magising na siya.” Nakangiti niyang paliwanag sa akin. Mabuti na lang ay nandiyan si Chlloe na maraming alam sa mga panggagamot.

“Nakatulog ka na ba?” Tanong ko sa kanya. “Kung gusto mo, kami muna ang magbabantay sa kanya nila Macky. I bet you need some sleep at hindi pa rin magaling ‘yang balikat mo.”

“Hindi na.”

“Hindi matutuwa si Jin kapag nalaman niya ‘yan. You should rest.” Sabi ni Yui sa kanya.

Sa huli, napilit din namin si Bambie at naiwan kami rito nila Macky at Fierce.

After ng ilang minuto nakita namin nagising si Jin. Dali-dali kaming tumayo at pumalibot sa kanya. “Jin! Buti naman at gising ka na!” Sabi ni Fierce. Nagsalin siya ng tubig sa isang baso at iniabot kay Jin. “Uminom ka muna.”

Habang ginagawa namin iyon ay kapansin-pansin ang isang litrato ang nahulog. Mabilis itong pinulot ni Fierce. “Macky sino ‘to? Kilala mo ba ang babae na ‘to?”

Inagaw ko kay Fierce ang litrato upang tignan kung sino iyon. Namilog ang aking mata, ngayon ko lang ulit siya nakita—Si Jurina.

“Sino ba ‘yan?” Tanong ni Jin at naagaw niya sa akin ang litrato. “Kakilala mo, Maya? You look so shock.”

“H-hindi,” Pagsisinungaling ko. “Mauna na muna ako, may naiwan ako sa kinainan natin kanina.” Nagmamadali akong lumabas. Ano bang kinalaman ni Jurina sa Larong ito!?

Buhay pa ba si Jurina?! Imposible! Siya ba ang pumapatay… ginagawa niya ba ito para gumanti sa akin?

Habang naglalakad ako ay may biglang humablot ng kamay ko at napaharap ako sa kanya. “Maya, you look so shock kapag tungkol na kay Jurina. Kilala mo ba siya?” Kunot noo na tanong sa akin ni Macky.
It’s a hard decision for me. I don’t know kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Hinawakan ni Macky ang kamay ko at hinatak paupo sa isang bench. “Maya, you can tell everything to me. Alam kong kilala mo rin siya kagaya ko!”

“Isa si Jurina sa malalapit kong kaibigan,” Napakagat ako sa ibabang labi ko. Malapit? I don’t know kung dapat ko bang ikonsidera na malapit akong kaibigan ni Jurina. “And I kill her.” Hindi ko na maiwasang maluha, simula nung nawala siya, ngayon lang ako nag-open tungkol sa topic na iyon.

Ikinuwento ko kay Macky lahat mula sa dare, kung paano kami naging magkaibigan dalawa, how I ruined her reputation, and kung paano ko siya plinastik. Hindi ko maiwasang maging emosyonal habang inaalala ang mga nangyari.

Niyakap ako ni Macky para pakalmahin ako. “Shhh! Stop crying okay?”

“Pero ako ang pumatay sa kanya!” I stated. Alam ko ‘yon, hanggang ngayon ay dala-dala ko pa ang bigat na iyon.

“Paano kung hindi ikaw ang pumatay kay Jurina? Hypothetically.” Sabi niya at pinahid ang luha sa aking mata.

“Imposible ‘yan, nag-suicide siya dahil sa akin.”  If he’s trying to calm me down, I’m sorry, but he’s failing. Alam ko ang kasalanan ko.

“W-walang may gusto ng nangyari sa kanya,” Sabi niya. “Hatid na kita, sa tingin ko ay kailangan mo rin ng pahinga.”

Hinatak ni Macky ang kamay ko at hinatid sa kwarto ko. Hinintay niya akong makatulog bago niya ako iwan.

BAMBIE CHUA.

“Bambie," Nakangiting sabi sa akin ni Jin pagkapasok ko ulit doon sa clinic. Hindi ko naman naiwasan na mapayakap at mapaluha, nag-alala ako… sobra!

“Pinag-alala mo ako, alam mo ba ‘yon!? Wala pa akong tulong just to make sure na okay ka.” Naiiyak kong kwento sa kanya.

“Tahan na okay, I’m fine now.” Hinimas niya ang likod ng aking ulo. “Bambie may hihilingin lang sana ako sa’yo.”

“Ano ba ‘yon?” Kunot noo kong tanong.
“Pakibantayan mo naman si Macky, Fierce, at Maya. Parang may mali sa tatlo, parang may mga itinatago sila sa atin.” Sabi ni Jin at tumayo na siya sa kama, I try to guide him pero mukhang ‘di niya na kailangan… okay na siya.

“Why? Makakalabas na rin naman tayo.” Ilang araw na lang naman ay matatapos na ang laro. Limang araw na lamang.

“I think it SHOULD. Kailangan natin alamin iyon,” He stated. “Kung ano man ang sikreto nilang tatlo… malalaman ko rin ‘yan."

Death Game: Battle For LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon