Chapter 1

68 7 3
                                    


I make this story, dahil miss ko na ang pagiging isang studyante lalo na nung Highschool ako, miss ko na ang mga naging kaibigan ko at yung mga kalokohang natutunan ko. ^______^v


Enjoy Reading!!!

Thanks you!

*****


Sabi nila Highschool life daw ang 'the best school year'.

Lahat ng kalokohan alam, maraming pakulo sa buhay, mga kaklaseng malakas man trip, mga palahingi ng papel at palahiram ng ballpen, mga gumagadget, mga public display of kalandian, mga seryoso sa buhay, mga manggagaya at mangongodiks, mga patagong nagtitinda sa klase, mga nagsusugal sa tabi, mga nagdadrawing habang nagkaklase, mga naniningit sa pila sa canteen, mga kunwaring nakikinig sa klase, mga reklamador sa bayarin, mga nagsisipagsipagan sa aralin, mga humuhugot, mga mambubully, mga dakilang tambay sa library, mga pala absent, mga nagcucuting, mga NBSB and NGSB, mga lumalike life, mga lumalove life at mga bitter na sumisigaw na walang forever.

May mga pabebe, pafamous, papogi, paganda, pahangin, pasosyal, pagenius, paleader, pabida, paasa, pakipot, feelingera, artista, gamer, joker, jammer, kpoper, ganger, dancer, singer, two-timer, frater, LTGBer at higit sa lahat forever loner.

Kung isa ka sa nabanggit sa taas makakarelate ka sa story na ito.

***

Paanu ba nagsisimula ang ordinaryong story, well it's like introducing myself infront of my teacher and classmates. Yung tipong ang pakiramdam mo ay matatae ka na sa unahan sa sobrang kabang nararamdaman, yung iba pa nga praktisado pa ang sasabihin sa bahay pa lang, partida may paiscript-script pang nalalaman.

I'm Polaine Rosales, Pola for short , 16 years of age, live in 143 Forever St. Brgy Dimatagpuan, Dimahanaphanap City, single and available, my hobbies are etchetera-etchetera.....T

ama na nga ang kadadakdak, dahil wala namang nakikinig sa klase ko eh, nag effort lang talaga akong magpakilala para sa makakabasa nito. Palibhasa hindi ako kagandahan kaya hindi sila interesado sa kung anung pinagsasasabi ko sa unahan. Ganun naman talaga eh, pag di ka kagandahan at kagwapuhan hindi interesado sayo ang mga kaklase mo.

4th year Highschool na ako dito sa Bellmore Forth Academy. Isang exclusive school ito na para sa mga mayayaman lang, pero hindi kami mayaman hah, baka maisipan niyo pang kidnappin ang gaya ko. Hindi kami mayaman may kaya lang. inuulit ko may kaya lang!

I am the nobody in this class or in this school. Being not so popular in Highschool is like a living hell.....tama na nga ang kae-english at dinudugo na ang utak ko.

Based on my experience, hindi naman madrama ang buhay ko, wala nga lang ako nung tinatawag na social life. Yung tipong walang nakakakilala sa akin or kaya naman invisible ako sa paningin nila. In short pangit ako kaya nobody cares about me.

PANGET! Isang salitang immune na ata ako.

Eh anu kung panget ako atleast nakakabalance ako sa mundong ito. Kung puro magaganda at gwapo na lang eh baka magunaw na ang mundong ito. And FYI kaya nga may salitang 'pangit' kasi nag-eexist kami dito! Kung saan kame lang ang bida at ban ang magaganda. Bitter!


Kaya wag kang malungkot kung panget ka rin or hindi ka man popular, isipin mo na lang may silbi ka kung bakit andito ka sa mundong ito gaya ko. Kaya chilax lang.

Ramdam kita......



Contentment! Pagkabihis ko ng aking school uniform na kala mo ay hinugot sa pwet ng kabayo sa sobrang gusot ay nagmamadali na akong lumabas. Hindi na ako nag-effort tumingin sa salamin dahil lahat ng salamin sinungaling. Sabi nga kung pangit ka, pangit ka talaga, huwag ng ipagpilitan dahil masasaktan ka lang sa katotohanan.

Dati isang beses tinary kong mag-ayos and guess what nalaman kong may ieevolve pa ang kapangitan ko. Nasuka talaga ako ng makita ko ang itsura ko at sobrang pinagtawanan ako ng utol ko kaya naman natuto na akong makontento kung anu ang looks ko. Hindi tulad ng ibang girls na ginagastusan pa ang mukha nila at todo effort pa kung mag-ayos. Wala namang kaso yun kasi bagay naman sa kanila.

May kaklase nga akong si Lei Jean ang pangalan, papasok lang sa school namin kala mo naman pupuntang photoshoot sa kapal ng make-up niya, hindi rin yun mabubuhay ng walang salamin, tipong gandang-ganda sa sarili kung maglakad sa school. Anyway maganda naman kasi siya, sobrang maldita lang talaga. Hay dumali na naman ang pagiging mema ko. Mema-sabi lang .Tama na ang kwento dahil malalate na ako.

Rejection! Yan ang nararamdaman ko sa tuwing nag-aantay ng bus papuntang school araw-araw. Tulad ngayon ang dami ng dumaan na bus subalit hindi ako tinitigilan. Choosy pa sila, mukha ba akong walang pamasahe, buti na lang may dumaan na ordinary bus na kakarag-karag pero atleast maluwag. Kaya yung mga nareject dyan ng mga minamahal niyo, isipin niyo na lang na may mas better na darating sa inyo hindi man ganun kaperfect atleast tatanggapin kayo. Madrama ba? Yaan niyo na, dahil kong sino pa yun walang love life siya pa yung hugot ng hugot. Gaya ko.

Pagkasakay ko ng bus....ito na si manong conductor para maningil ng pamasahe. Ito ang hirap sa pangit eh kahit sabihin mong regular... studyante...mabuting nag-aaral pakita pa ng ID at lahat-lahat eh kakarampot lang ang ibibigay sayong discount. Eh kung maganda ka tas sexy pa baka makalibre ka pa kay manong lalo na pagtype ka niya. Pusta bente hihingin pa number mo. Ang saklap noh, kaya pag ako naging president kahit wala akong balak tumakbo ay ipapatapon ko lahat ng magaganda at gwapo dito. Maraming magaganda at gwapo sa school namin kaya yun ang uunahin ko. Kaya vote me for President!

Disappointed! Pagpasok ng gate ng school, papipilahin ka pa ng guard para icheck ang ID at bag na tinutusok-tusok lang naman. Pag maganda at may kunting ganda ka pwede ka ng suminget, o hindi kaya ay sexy ka yung tipong kita na ang cleavage or kaya hita, pero pag panget ka katulad ko kelangan mo pang pumila hangang sa huli pero hindi naman titingnan ang ID. Baka sabihin pa pwede na yang panakot sa daga. Oh diba asan doon ang hustisya! Pag ako naging SSG president mag papagawa ako ng sarili kong gate para sa katulad nating ordinaryo ang hitsura.

Tama na nga ang kabitter-an ko sa buhay, nagmumukha na tuloy akong ampalaya nito. Hindi na nga maganda magiging kulubot pa. saklap lang. Bikti na boi!

Nung nasa koridor na ako dirediretso lang ang lakad ko. Since hindi ako popular walang nakakapansin ng existence ko. Pwera na lang kung may mga taong nag-aaksaya ng oras para asarin lang ako. Yung mga bully type na studyante, mga hari-harian sa school na kala mo eh sila lang ang anak ng Diyos....Kung hindi ka sanay mabully hindi ka tatagal sa school na ito.

Like me, iniignore ko na lang yung mga nonsense na sinasabi nila.......then pinapatay ko sila sa utak ng not twice but thrice. Kung iisipin ko yun lalo lang akong maiistress, stress na nga face ko madadagdagan pa. At saka pag hindi mo naman sila pinatulan, maiinis sila, mabobore sila at tatantanan ka na lang nila. Oh diba Winnie the Pooh ka.

Pagpasok ko ng room, ang una kong nakita ay si Mig Ang EX-........

Boyfriend ko. Oh diba ang haba ng hairdoo ko about hanggang EDSA kaya na traffic.

Kasama rin niya ang kaniyang mga tropang nakatira ng panis na gatas. Ang alam ko fraternity sila. Taray noh HS pa lang pumafraternity na. 

Alam ko maraming nagtatanong sa inyo na how come nagka EX ang not so popular na tulad ko. Anywayssss wag na kayong magtaka kung bakit nagkaboyfriend ako kasi hindi niya alam na girlfriend niya ako. Ewan ko kung sadyang malakas lang ang imagination ko o talagang ambisyosa lang ako. At oo ako ang nakipagbreak simula nung sinabihan niya ako ng 'PANGET' kinamunghian ko na siya. Sobrang dinibdib ko ang sinabi niya kahit wala akong dibdib. Then narealize kong totoo ang sinabi niya kaya hindi dapat ako masaktan and nakamove-on na ako. Ganun talaga ang life.

Ang totoo ay ako ang saksing buhay na tinatawag nyong NBSB 'No Boyfriend Since Birth'. Ang masakit pa doon na sa panahon ngayon na pati elementary at kinder eh nausuhan ng tinatawag na status: In a relationship.! Buti pa sila lumalove life eh ako napaglipasan na ng panahon ni kupong-kupong kaya eto inamag na.

Hindi naman ako chossy, hindi naman ako busy, hindi naman ako naniniwala sa destiny.....Hay anu bang meron sila na wala ako bukod sa looks ko? Sabi naman ng nanay ko maganda naman daw ako. Tiwala lang!


TBC

LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon