^____^v
Habang naglalakad sa may ulanan sa madilim at mahabang kalsada nitong malaking subdivision, napadaan ako sa play ground.
Nagstop by muna ako dito.
Umupo ako sa may swing, hindi ko na kaya! Ang bigat na ng aking nararamdaman. Napahagulgol na ako habang nakikisabay ang panahon sa akin. Wala akong pakielam kung may makakita man sa akin at pagkamalan akong nakatakas sa mental.
Kung alam ko lang na magkakaganito, hindi na sana ako pumunta pa!
Sayang yung bili kong regalo, Five Hundred pesos din yun, sayang yung bagong bili ni mama na dress na ngayon eh basang basa na ng ulan. Sayang yung make up kong kumalat na sa aking mukha. Nagmukha lalo akong adik.
"Kasalanan ko bang maging panget?! Pwede naman na si Armie na lang yung panget o kaya yung mga tao dun...bakit ako pa?" Sigaw ko sa kawalan. Gusto kong manuntok ng puno kaso kawawa yung puno mapagbubuntunan ko pa ng galit ng walang kaalam-alam.
Tahimik ang buong paligid at tanging patak lang ng ulan at hikbi ko ang naririnig ko subalit nabasag ito ng may biglang umimik.
"Tumigil ka nga sa kadramahan mo feeling nasa koreanovela haha hindi bagay." Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita. Hindi ko maaninag ang kabuoan niya dahil ang labo na ng paningin ko, pero alam ko kung sino ang taong nagmamay-ari ng boses. Kinusot ko ang mata ko para makita siya ng mabuti.
Si Rodmir, habang nakasandal sa may puno at basang basa na rin ng ulan tulad ko. Unti-unti siyang lumapit sa akin..
"Kainis ka, alam mong nagmomoment ako mag-isa sisingit ka!"
"Haha, sorry po!" Tapos nagmartsa siya palapit sa akin.
"Hep-hep! Dyan kaa lang wag kang lalapit." malakas na sabi ko habang tinatakpan ang mukha ko.
"Bakit?" Tapos lalo lang lumapit. Ang kulit din ng lahi ng isang ito.
"Wag kasi, kita mong ang pangit ka kaya."
"Haha para yun lang Polaine Rosales? Anung bago haha!" Sabi niya habang pinagtatawanan ako.
Nakalapit na siya sa akin, nakaupo ako sa may railing tapos umupo siya paharap sa akin. Pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa mukha pero nakikipagtalo ako. In the end naalis niya na, mas malakas siya kesa sa akin.
Hawak pa rin niya ang kamay ko habang tinititigan ako. Walanjek! Ako ang naiilang sa ginagawa niyang pagtitig sa akin kaya itinutungo ko ang ulo ko.
Binitiwan niya na ang kamay ko, at may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Isang puting panyo. Hinawakan ng kaliwa niyang kamay ang baba ko at inangat ang ulo ko para magface to face kami. Hawak naman ng kanang kamay niya ang kaliwang panyo.
Unti-unting dumampi yung panyo sa mukha.
"Kung naging pangit si Armie edi sana siya ang gusto ko ngayon." Sabi niya habang pinupunasan pa rin ang aking mukha. Marahil gawa ng nagkalat kong make-up sa mukha.
"Edi dun ka na."
"Hay naku ang slow mo."
BINABASA MO ANG
LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!
HumorRoyal Brotherhood Series: RODMIR UCHIDA This is a Highschool (Love) life story na pwede kang makarelate...lalo na kung isang studyante ka. Thank you for Reading!!! (^_______________^)v