Chapter 6

12 5 2
                                    



***


The next day hindi ako nakapasok sa school, gawa ng nagkalagnat ako. Once in a pink moon lang ako kung lagnatin kaso hindi naman pink ang moon kahapon. 

Kasalanan talaga ito nung Rodmir na yun eh, may sa virus na dala. Kasura! Attendance na nga lang ang dahilan kong bakit ako nakakapasa sa school eh magkakaabsent pa. Yan tuloy maghapon ako sa kwarto ko nakikipagtitigan sa kisame. Kinuha rin ng kontrabida kong nanay ang mga gadget ko para daw makapagpahinga ako at mabawasan ang sangkaterbang tighawat at eyebags ko.

'Tok tok tok.'

Bumungad sa akin si mama na kung makangiti eh wagas.

"Anak may bisita ka." sabi niya na kala mo eh kinikilig pa. Inignore ko na lang siya. May pagka feeling bagets kasi itong si mama. 

Napaisip tuloy ako kung sino ang bisita ko, wala naman akong kaibigan kundi si Dolly lang. Imposible namang adviser ko, sa tamad nun hindi ako paglalaanan nun ng oras. Si Kuya? naku imposible, kahit yata mabulok ako dito sa kwarto ko wala yung care sa akin.

"Sige Hijo pasok ka."

"Thanks po tita." Wait, pamilyar yung boses nito?

"Oh siya maiwan ko na kayo at ipaghahanda ko kayo ng meryenda." Pagkasabi ni mama, umalis na siya. Naiwan yung bwisita kono ko.

"Anung ginagawa mo dito?" Ngayon pa lang nagsisisi na ako sa naging usapan namin doon sa park. Napapadalas ang pagkikita namin ng singkit na ito, pati tuloy mata ko naniningkit na rin. Masama ito sa health ko!

"Dinadalaw ka panget...Ito flowers." Nakangiting sabi niya na itinapat sa harapang mukha ko yung bungkos ng bulaklak. Walanjo, nilait na nga mukha ko muntik pang tamaan nung bulaklak. Pagnagkagasgas ito lagot siya kay belo. Exotic pa naman ang face ko, alagang kojie soap.

"Tumigil ka nga hindi pa ako patay." Inilayo ko yung bulaklak sa mukha ko. Lalo akong babahingin sa pollen nung bulaklak eh.

"Sayang naman yung flowers kung hindi mo tatanggapin 950 pesos din to kung mapapatapon lang.."

"Gumastos ka ng ganyan kamahal sa bungkos na bulaklak na yan. Para nga lang napitas yan sa kanto."

"Makapagsabi ka, tanggapin mo na lang kaya o itatapon ko ito."

"Akin na nga, lakas mong makakunsyensya eh. Thank you." Inilapag ko sa kama ko yung bulaklak. First time ko makatanggap ng bulaklak sa isang lalaki. Masarap pala sa feeling. Parang ang ganda-ganda ko. Para lang.....wag kang kontrabida dyan!

"Good." Sabi niya sabay haplos sa magulong buhok ko.

"Che."

"Suplada talaga haha, dinala ko ulit si polo para may kalaro si Dolly and ito yung mga notes ko kopyahin mo na lang para makacatch-up ka sa bagong lesson natin."

"Ang bait mo yata? Anung nikain mo?"

"Since birth kaya na mabait ako."

"Owwzzz..Bakit sa school bully kayo?"

"Yung mga kafrat ko yun, ako kaya pinakagood boy sa kanila."

"Oh sya naniniwala na ako, pwede ka ng umuwi, tsupi na."

"Grabe pinaaalis na agad ako, hindi mo man lang ako pa-uupuin at pagmemeryendahin sa effort kong dalawin ka."

"Naku di na kailangan, magulo ang kwarto ko wala kang mauupuan at kung gusto mo magmeryenda punta ka lang sa baba kay mama, tas pa take out mo na lang."

LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon