Chapter 11

6 3 0
                                    


***



Nung P.E na namin kinausap ako ni Armie habang nakaupo sa may gym. Ang ganda niya kahit P.E uniform lang yung suot niya, fitted yung damit niya kaya kitang-kita yung hubog ng kaniyang katawan. Aninag pa yung bra niyang kulay red. Iba talaga pag may dibdib. 

Napatingin ako sa dibdib ko. No comment! 

Nakapony tail din ang straight niyang mahabang buhok. Halos pinagtitinginan nga siya ng mga kaklase kong lalaki. Ako nga ang naiinis gawa ng nababastos siya eh, pero para namang walang kaso sa kaniya yun. Isa pa sanay siya sa attention gawa ng sikat siya.

Mahirap lang pag may katabi kang maganda kasi lalong napaghahalata yung kapangitan ko.

Hinila niya ako sa may bandang dulo ng gym. Wala kasi yung teacher namin sa P.E, isa pa tamad yung magturo kaya hinahayaan niya na lang kami kung anu ang gawin namin.

Naglalaro lang  ng basketball yung mga lalaki, tapos yung mga babae eh todo cheer at yung iba may sarili ng mundo. 

"Pola, may itatanong ako sayo?" Sabi ni Armie.

"Ah sige, anu ba yun?" Sagot ko habang nakatingin sa may court. Naglalaro kasi si Mir kaya gusto ko mapanood.

"May gusto ka ba kay Rodmir?" Nagulat ako sa tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

.:●△●:.

"Hah ah eh anu wala. B-bakit mo natanung?"

Nginitian niya ako bago siya nagsalita.

"Kasi matagal ko ng gusto si Mir at ayoko ng may kaagaw lalo na ikaw Pola...you know were friends di ba?" Sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko.

"W-wag kang mag alala wala syempre at isa pa malabo ring magkagusto si Rodmir sa akin noh hehe."

"Tama ka hindi siya mahilig sa pange...i mean exotic beauty."

"T-tama ka dun. Kaibigan lang talaga kami at saka mas bagay kayo he-he."

"Oh really? Thank you talaga. Also I have a favor okay lang ba?"

"Oh sige anu ba yun?"

"Pwede bang layuan mo na si Rodmir kasi kung lagi kang andyan hindi mababaling ang attention niya sa akin. Alam ko naman magiging masaya ka pag naging kami di ba Pola?" Hindi ako makaimik habang nakatingin siya sa akin. inaantay niya ang isasagot ko.

"Ha? Ah Oo naman para sa dalwa kong kaibigan hehehe." Plastic ko...sa totoo lang gusto ko ng umiyak lalo na ng maisip ko kung anu yung gusto niyang mangyari. Bakit ba lagi na lang panget ang nagpaparaya. Ayoko rin naman na magkagalit kami ni Armie.

Pagkatapos naming mag usap ni Armie, lumabas na akong gym at nagpuntang library hahayaan kong makapagsolo yung dalwa.

Bihira lang akong pumasok ng library, bute naman at kunti lang ang tao. Dito ko feel mag emote. Pumunta ako sa pinakang sulok na bahagi ng library at doon nag inarteng parang pabo. 

Ayoko makipagbreak kay Rodmir huhuhu. 

Bakit ba hinahadlangan ang love story naming na The handsome and the beast.

Naglupasay ako at nagpaikot-ikot. 

Tapos kumakanta ang utak ko ng total eclipse of the heart.

♪v(⌒ O ⌒)v♪

'Turn around.....nananaanananananananananananananana

Turn around...nanananananananananananananananananana

Turn around....nananananananananananananananananaana!

Turn around...nananananananananananananananananananana

"Ehem!"

Umayos lang ako ng upo ng biglang may tumikhim. Nakatingin siya sa akin na parang nawiwirduhan at parang ngayon lang nakakita ng luka-luka sa tanang buhay niya.

"Anu nga ba yung kasunod na line ni Sisa?" Malakas na sabi ko. Kinuha ko yung nahagip kong libro at kunwaring binasa ang linya na aking inaakting na character ngayon..

"Basilio...Crispin... mga anak ko!" Sabi ko with full emotion overload. Hanggang ngayon nakatingin pa rin sa akin yung lalaki. At manghang-mangha sa acting ko. 

Alam kong ibang klase ang kapangitan ko kaso nakakailang pa rin titigan ng isang stranger. Nag open yung bibig niya subalit sinaraduhan niya ulit. Parang may gusto siyang sabihin.

"May kailangan ka ba kuya? Kasi hindi ako makapagconcentrate sa pagpapractice ko sa dula namin."

"Kasi Miss yung hawak mong libro, biology." Napatingin naman ako sa cover ng libro "Introduction to biology". Anak ng tokneneng. 

"Ah."

Biglang tumawa ng pagak si kuya. Binalik ko na yung libro kung saan ko nakuha. Napahiya na naman ako kanina pa eh.

Biglang nagvibrate ang phone ko.

'MIR CALLING...'

Kaya nga ako umalis para hindi siya makita tapos tatawag pa siya. Pano ako makakamove on nan. Bahala siya....huhuhu miss ko na siya. Hanggat hindi pa sila nagiging mag-on ni Armie hindi ko pa siya pwedeng kausapin. Kung alam ko lang na magiging ganito kadrama ang chapter ko, sana nagsolo na lang ako.

"Anu Miss hindi mo ba yan sasagutin?"

"Ay butiki ka! Susme kuya andyan ka pa pala."

"Sorry nagulat ka ba?"

"Oo. May kailangan ka pa ba?"

"Wala, ito talaga ang tambayan ko."

"Ah ganun ba. Pinapaalis mo na ba ako?"

"Hindi. Don't mind me. Mukhang problemado ka. Kasalanan ba nan?" Sabi niya habang tinuturo ang cp kong walang tigil sa pagbavibrate. Lumapit siya sa akin at kinuha ang cp ko.

"Teka anun-"

"Hello!"

"Sino ka?" Sabi ni Rodmir sa kabilang linya. Nakaloudspeaker yung phone ko kaya rinig ko. Basyos na bata, hindi man lang bumati.

"Stranger I guess?" Sabi naman ni kuya habang nakatingin sa akin.

"Bakit nasa iyo ang phone ni Pola. Asan siya?"

"So Pola pala name ng may ari ng cp na ito." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin ng nakangiti.

"Don't call her name! Where is she?"

"Chill bro, she's with me. Bye."

"wait-toot...toot...toot."

Binalik na nito yung cp ko. Kumusta naman yun.

"Boyfriend mo?"

"Hindi ah, bestfriend ko yun noh."

Para siyang na amaze sa sinabi ko. Ayaw maniwala, mukha bang anak ko yun.

"Really, I don't think so. He is acting like a boyfriend not a bestfriend."

"Ewan ko sayo, magtagalog ka nga kuya."

"Haha. Pola right?"

"Yeah, ikaw?"

"I'm Ricos." Tapos nagkwentuhan lang kame ng kung anu-ano. Oh ha may isa na ulit akong bagong kaibigan.

"If you need help pumunta ka lang dito."

"Ah sige, salamat kuya Ricos."

***


TBC


Thank you for reading!

LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon