(* -____~)v
***
Maaga akong pumasok sa school, ang naabutan ko lang sa room ay si Armie ang muse namin. Tahimik siya at lapitin ng mga kaklase kong lalaki, maging ng ibang section. Sabi nila perfect daw siya bukod sa maganda eh mabait pa at sexy. Edi siya na ang mukang bida. Pero maraming babae ang galit sa kaniya. Keso babaeng pakemi at nasa loob daw ang kulo. Anyway wala ako care sa kanila.
Nagsimula na ako maglaro sa aking cp, habang iniintay si Mir. Iba talaga pag may friend na, kung dati wala akong paki sa mundo ngayon matatawag ko na ang sarili kong normal na studyante. Mir pala ang tawag ko kay Rodmir kasi sabi niya. Para daw kakaiba. Aysusme ang te-ars ni friend.
Habang busy sa paglalaro eh lumapit sa akin si Armie.
"Hi Pola, actually inaantay talaga kita. Gusto kasi kitang makausap ng solo." Tiningnan ko siya na parang anu kaya kelangan ng babaeng ito sa akin?
"H-ha Bakit?"
"Gusto lang kita makausap, you know solo ka kasi lagi." Sabi niya, ang sweet ng boses niya. Grabe nakakainsicure lang.
"Ah." Yun lang ang nasabi ko. Shet anu bang dapat iresponse sa kaniya. Eto ang mahirap sa anti-social eh. Nginitian ko na lang siya kahit alam kong ang creepy kong ngumiti.
"By the way napapansin ko kasing close pala kayo ni Kiel."
"Ha? Ah eh oo?"
"talaga?" Yung itsura niya parang naging interested.
"Er bakit?" Feeling ko sobrang awkward.
Bakit kasi wala pang nadating na mga kaklase ko. Susmiyo ang tagal magtime.
"Wala naman napansin ko lang hehe."
"Ahh anu...may sasabihin ka pa ba?"
"Gusto ko lang makipagkaibigan pwede ba?"
Nagulat ako sa sinabi niya ay mali parang hindi ako makapaniwala.
"Anu okey lang ba?" Tanong niya ulit nung hindi ako nagrespond sa sinabi niya.
"Ahmm pwede naman he-he-he."
Kung dati dalwa lang kami ni Rodmir na tambay sa rooftop ngayon eh tatlo na.
Nagtampo pa nga sa akin siya nung sinabi kong sasabay sa amin si Armie. Medyo nagsisisi din ako kasi imbis masolo ko si Kiel eh may kahati na ako. Anyway masaya naman ako kasi nadami na ang kaibigan ko.
"Hi guys, may dala akong baon oh share share tayo." Sabi niya. Habang inilabas yung tatlong binalot.
"Talaga, wow! thank you Armie. Tingnan mo Mir mukhang masarap." Sabi ko sa kaniya habang hinihigit ang laylayan ng polo niya. Nairita yata kaya nakabusangot ang kaniyang mukha.
"Tss stop drooling. Yung sayong binalot na lang ang kakainin ko." Sabi nito habang kinikuha sa bag ko yung aking binalot.
Napatingin naman ako kay Armie na bigla na lang nalungkot. Sabagay kung ako din ang nasa katayuan niya malulungkot din ako, mukhang nag-effort pa naman siya magluto tapos hindi pa kakainin nitong si Rodmir.
Napapansin kong may gusto din si Armie kay Rodmir. Ito lang kasi ang madalas niya kausapin, kahit hindi siya pinapansin nito. Ewan ko ba dito, ang ganda-ganda na nga ng nalapit sa kaniya pasuplado effect pa siya.
Nung nakuha niya na sa bag ko ang aking binalot, agad ko naman itong inagaw sa kaniya.
"What?"
"Don't what-what me. Look oh nag effort pa si Armie na gawin ang pagkain na ito para sa atin tapos hindi mo man lang kakainin. Mahiya ka naman."
Tiningnan niya muna ako, na nakapout ako habang yung mata ko nagpapuppy eyes. Sunod niyang tiningnan si Armie na para ng iiyak.
"Oo na oo na."
"Whaa..thank you guys." Sabi ni Armie.
Nagsimula na kaming kumain tatlo, infairness ang sarap ng dalang pagkain ni Armie. Kung lagi siyang may dalang ganito, hindi ko na pagtityagaan ang luto ni mama ko.
Napatingin naman ako kay Rodmir na tahimik lang na nakain. Ang gwapo talaga ni Friend. Tingin pa lang sa kaniya ulam na haha.
Bakit kaya ganun, nung hindi ko pa siya crush normal lang ang tingin ko sa kaniya pero ngayong crush ko na siya ang gwapo-gwapo ng tingin ko sa kaniya. Baka nagayuma ako? Sabagay wala naman sigurong panget na nagagayuma.
Sunod kung tiningnan si Armie, nakatingin din siya kay Rodmir habang kumakain. Ang hinhin niyang kumain, halatang high class ang lola hindi tulad kong basta makalamon lang at sobrang laki kung sumubo. Yung way niya din ng pag-upo sa sahig, upong princesa samantalang yung akin, basta makasalampak na. Tae, bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kaniya. Iba ako at iba siya.
Kung titingnan perfect match yung dalawa. Parehas magandang nilalang. nagmukha tuloy akong alipores lang na katabi nila. Ganito talaga pag panget napakainsecure. Feeling ko ang sama kung kaibigan.
Kaiisip, bigla akong nasamid.
"Choke...choke..choke!"
Agad naman naalarma si Rodmir kaya binigyan akong tubig, habang hinahagod ang likuran ko ay mali habang binabatukan ako.
"Makabatok, dahan-dahan naman!" Reklamo ko.
"Tsk, ang takaw mo kasi hindi ka naman mauubusan ng pagkain. Iyo na nga tong pagkain ko bibili lang ako ng inumin sa canteen." Sabi niya habang paalis na ng rooftop.
Napatingin ako kay Armee, parang galit ang aura niya. Tapos yung tingin niya parang ewan ngayon ko lang nakitang ganito siya. Nag alala kaya siya sa akin. Hala grabe naman siya mag alala.
"Anu, okay lang naman ako." Nahihiyang sabi ko.
"Ganyan ka ba talaga para makuha ang attensyon niya?" Sabi niya na parang galit yung boses. Teka anu bang ginawa ko?
"Hah? Hindi kita maintindihan?"
"Wala, sige bibili lang din ako ng drinks. Itapon mo na lang yun pinagkainan natin, nawalan na ako ng gana." Pagkasabi niya, agad siyang umalis sa rooftop. Bigla akong nalungkot, ganito yung feeling ko nung nag iisa pa ako.
TBC
Thanks for reading!

BINABASA MO ANG
LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!
HumorRoyal Brotherhood Series: RODMIR UCHIDA This is a Highschool (Love) life story na pwede kang makarelate...lalo na kung isang studyante ka. Thank you for Reading!!! (^_______________^)v