Chapter 14

4 2 0
                                    


(^_____^)v



Sabado ng gabi, ito ang araw ng birthday ni Armie. Actually inabot ako ng ilang oras sa mall kahahanap ng pwedeng ipanligaro sa kaniya. Sosyalin din kasi ang friend ko na yun.


Excited na ako. Ngayon lang ako makakaatend ng party sa tanang buhay ko. Kita naman sa mukha ko halatang walang social life. Well, hindi pa rin naman huli para enjoy-in ang highschool life ko. Who knows, andunj pala si kapalaran ko.


Simple lang ang ayos ko kaso wala namang nagbago kasi panget pa rin. Si Mama nga mas excited pa sa akin, todo effort na ayusan ako, wala namang pinagkaiba. Binili pa ako ng bagong damit, para naman daw magkaboyfriend na ako. Nagdrama pa nga si mama pagkatapos ayusan ako. Dalangang-dalaga na daw ako. Seryoso? Sang parte? Bakit hindi ko makita?

Magseseven na ng gabi kaya sumakay na ako papunta sa bahay nila Armie. Ilang beses na akong nakapunta sa bahay nila kasama si Mir. Minsan din kasi doon kami nag-aaral o kay natambay. Ayaw ni Mir kaso palagi kong napipilit hehe. 


Nalaman kong invited din si Mir hindi nga lang makakapunta

 gawa ng nagkasakit siya ngayon. Sayang gusto ko pa naman siya makausap. Ang hirap kasi sa loob ng may galit na tao sa akin lalo na malapit sa akin. Guilty na guilty ako sa ginawa ko sa kaniya pero iniisip ko na lang namamaayos din ang lahat. Sana!



Maraming tao sa bahay at kinig na kinig ang music sa buong lugar. Ang ganda din ng design ng party kala mo eh debut na. 

Napapasabay ako sa beat ng tunog habang naglalakad, kahit parang mukhang tanga lang ako dito. Wala naman pumapansin eh.

Nung pagpasok ko ng bahay nila Armie bigla nalang may ilaw na tumutok sa akin.

"Finally dumating na siya." Sabi ni Armie na nakamicrophone pa. Tinginan lahat ng tao sa akin. Ganito ba ang party...kakaiba ang entrance....bongga di bagay sa panget na tulad ko. Para tuloy ang special ko. Ngumiti ako ng kunti at medyo yumuko. Kahiya talaga.

"Happy birthday Armie." Masayang bati ko. Hindi ako makalapit sa kaniya ang daming tao.

"Thank you. Anyway guys meet Pola." Pakilala niya sa madlang people. Nginitian ko ulit sila. Hindi na ako magtataka na ganito kadami ang dadalo, sikat kasi sa school si Armie. Nakita ko rin ang iilang teacher at school staff.


Muling nagsalita siya.


"Ehem..Guys gusto ko lang sabihin na siya lang naman ang pinagpalit ni Rodmir sa akin. Imagine that face, nakakainsulto lang haha."

"Teka Armie hindi kita maintindihan?"

"Anung hindi...ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ni Rodmir. Yang mukhang yan ang pinili niya kesa sa akin. Siguradong nagmakaawa ka lang para pansinin niya at hindi lang yun baka inoffer mo pa ang katawan mo para sa kanya." Malakas na sabi niya, kaya rinig ng mga tao yung pang-iinsulto niyang sinabi sa akin.

"Panget na nga malandi pa." Kinig kong komento ng isang babae.

"Ambisyosang panget."

"Curse you panget, hindi mapapasayo si fafa Kiel"

Lahat ng tao sa loob nagbulong bulungan. At kung ano-anung masakit na insulto ang natamo ko sa kanila. Ito ba yung dahilan kung bakit inimbitahan niya ako.

Yung inaasahan kong masayang party eh puro panlalait at insulto ang natamo ko. Hindi ako nakapagpigil at pinuntahan ko siya sa may stage kahit makipagsiksikan ako sa mga tao. Hinalbot ko kay Armie yung microphone.

Hindi porket panget ako eh magpapaapi na ako noh.

"Alam kong panget ako, kaya siguro tingin niyo sa sarili niyo perfecto at ganun ganun na lang kayo manghusga ng tao. Para sabihin ko sa inyo hindi ako nagmakaawa kay Rodmir na pansinin ako at never kong inoffer ang sarili ko sa kanya. Ngayon kung may problema kayo wag ako ang tanungin niyo kundi si Rodmir. Makapagsalita kayo kala niyo ang lilinis niyo eh mas masahol pa kayo kay kingkong sa inasal niyo." Gusto ko ng maiyak pero mamaya na lang....pagwala ng tao. Hindi ko inexpect na magiging ganito ang gabi ko.

"And you Armie my dear friend, naapreciate ko ang magandang welcome mo. Salamat ng marami sa pagpapahiya ah eto nga pala regalo ko." Sabay hampas sa mukha niya. Kasura eh mukhang anghel sa loob demonyita pala. Ngayon ko lang narealize ang totoong ugali niya, kung anung trato niya sa akin noon.. At kung bakit bukang bibig niya lagi si Mir. Nabulag ako sa alok niya bilang isang kaibigan. Kung iisipin, siya abg dahilab kung bakit kami nagkaaway ni Mir. Sana pala hindi ko na lang siya sinunod...edi sana ayos pa kami ni Mir.

"Kahit minsan ba hindi mo ako tinuring na kaibigan?"

"Tama ka. Nilapitan lang kita para mapalapit kay Rodmir, pero dahil sayo nasira ang lahat ng plano ko."

"Tama lang yan sayo dahil ang sama ng ugali mo!" Pagkasabi ko nun.


 Nagmamadali na akong lumabas.


Tapos ang lakas pa ng ulan. Great. Pag minamalas nga naman! Nakakainis wala pa naman akong dalang payong, kung kelan may dala ako sa bag saka hindi naulan. May galit ba talaga sa akin ang munto?


 Naglakad na ako. 

Mas gusto ko pa mabasa ng ulan kesa magstay sa lugar ng mga nagpapanggap ma tao.


TBC


Thank you for reading!!!

LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon