Chapter 2

32 5 4
                                    



Habang nakaupo na sa aking upuan, nakita kong dumaan si CRUSH sa corridor! Kinilig naman ako ng ½. Anyway kumpleto na araw ko. Inspired na naman ang lola niyo.

Dahilan kung bakit ang mg studyante ay masipag at inspiradong pumapasok sa school......Si Crush! Oo may bago na rin pala akong crush, yun nga lang iba ang section niya kaya iistalk ko pa siya sa school.

Discremination sa face kung Stalker ka kapag alam mo na, (Pangit) ang itsura mo, pero pag maganda at gwapo ka Admirer ang tawag sayo. Edi kayo na!

Sa pinakadulo ako nakaupo, (Seat ng mga bida) ang mga seatmate ko yung mga lamok, langaw, langgam, butiki, ipis, surot at iba pang tropa namin. Hindi rin ako madalas tawagin sa klase, kase may sarili akong mundo. Kung maganda at gwapo plus matalino ka madali kang mapapansin ng teacher minsan pa nga nagiging favoritism o di kaya yung mga studyanteng KSP na walang ginawa kundi ang pagpasikat sa klase. Mga nagpifeeling bida sila!

Sa isang klase may ibat-iba kang makakasalamuhang mga teacher. Tulad sa school na ito.

Types ng teachers sa klase namin blah blah blah.

Una, si Mr. Boring, siya yung tipong kung anu-anu pinagsasasabi sa unahan hindi naman namin naiintindihan, wala nakikinig at ang hina pa magsalita malakas pa ang huni ng kuliglig sa boses niya.

Ikalawa, si Mrs. Storyteller, puro kwento, naubos ang oras sa kakakwento, pati buhay at alagang aso ikinuwento, pati chismiss ng kapitbahay sinabi na. Kinabukasan may continuation pa.

Tatlo, si Ms. Fun, Masaya ang klase , mahilig sa game at experiment, wala laging assignment, higit sa lahat maagang tinatapos ang klase.

Apat, si Mr. Lazy, Hindi nagtuturo, walang alam kundi pasulat ng pasulat at pabasa ng pabasa laging pang nakaupo sa klase,

Lima, si Mrs. Strict, Bawal maingay, bawal mag-usap, bawal lumingon sa katabi, bawal kumurap, bawal suminghot, bawal humikab at magfocus sa ginagawa. One seat apart kung mag pa-exam, with set A, set B pang nalalaman.

Anim, Mr. D' Crush ng bayan,ito yung tipong laging pacute sa mga estudyante kadalasan binata na single, yung kala mo eh model ng black board pag nakatayo at naglalakad sa unahan. At kung makapaglakad sa corridor feeling narampa.

Pito, Mrs. Murderer, ito yung klase ng guro na madaming alam, mga triviang ngayon mo lang maririnig na malayo naman sa topics at talagang sabog ang utak mo sa dami ng tinuro. Magpapamemorized ng ilang pages ng libro. At aatakihin ka pagmagpaparecitation na.

Walo, Mrs Enterpreneur, mautak at magaling sa pera, mahilig maningil sa mga kung anu-anung bayarin, mahilig mag tinda ng kung anu-anu sa loob ng klase.

Ilan lang yan sa type ng teacher na nakakasalamuha ko araw-araw. Susme.


Dahil nga sa nasa likod ako, wala naman ako maintindihan sa pinagsasasabi ng mga teacher sa unahan, pero atleast na master ko ang pagdodoodle at magdadrawing sa likod ng aking notebook. Nag-iisketch din ako ng mukha ng mga teacher ko lalo na yung nakakaantok magturo, mga reporter sa unahan na binabasa lang yung report o kaya yung malalaking ulo na nakaharang sa unahan o kaya naman dinudrawingan ko na lang ang sarili ko, sa braso, hita o sa kamay....tattoo kunwari. Astig diba?

Nung lunch break na namin, ako ang pinakahuling lumabas ng room. Ito ang mahirap pag wala kang kaibigan eh....mag isa ka lang kakain.

Wala akong kaibigan dahil nobody nga ako diba, ayoko namang sabihing pangit dahil nasasaktan na akong laitin ang sarili ko. Muka akong anak ng dilim. Parang eyebags at tighawat na tinubuan ng mukha at nausuhan ng mahangin ba sa labas hairstyle. Maliit din ako at walang curve ang katawan. Hindi yata ako dumaan sa Quality Control nung ginawa ako kaya ang dami kong defects. Anyway masama daw magreklamo kasi kahit panget ako eh may itsura pa rin ako. Salamat pala kung ganun *insert sarcastic tone*. Pero nagtataka talaga ako bakit kasi may magaganda talagang lahi. Wala naman kasing gustong ipanganak ng pangit diba? Anyway tama na nga ang kakadrama at lunch time na. Mga bulati ko sa tyan nagsisimula ng magrally ng hunger strike.

Nasa may rooftop (lugar ng mga loner o kaya ng mga lovers) ako habang naglulunch mag isa. Nakasalampak lang ako sa isang tabi, habang tinatangay ng hangin ang magulo kong buhok. Bute pa dito peaceful and quiet. Mahangin pa at walang tao. Hindi bawal ang panget. Nagdadala na akong lunch dahil akoyo ng makipagsiksikang bumili sa canteen. Sa totoo lang nakakasawa talaga ang mga pagkain sa canteen, yun na lang na yun ang nasa menu.....tyamba pa ang luto, halatang tinipid ang rekado, ang mahal naman ng presyo. Kaya ako nagbabaon na lang ako para tipid.

"Hoy."

Imagination ko lang ba yun oh may natawag. Tssh baka naman hindi ako. Hoy daw eh!

"Hoy panget." Napalingon ako sa direksyon nung natawag. 

(  ( (  0_0))7

Sus yung kaklase kong isa sa tropa ni Mig na si Rodmir. Anu nga bang apelyido nito? Japanese eh. Ah basta ewan hindi ko na matandaan. Isa ito sa kinaiinisan kong kaklase, na hindi naman gwapo sobrang feelingero lang. Minsan kasi iniisip ng iba pag singkit at maputi eh gwapo na. Ewan, naaasar ako sa kaniya. Pero sabi nila ito daw ang pinakamabait sa grupo nila Mig. Weh? As in weh?

"Lilingon din pala gusto pang tawaging panget." Sabi niya. Ang ex kong si Mig isang beses lang akong sinabihan ng panget, pero siya dalwang beses. Grabeng insulto yun! Mama oh aaway ako!

"Anung ginagawa mo dito?" Tanong niya, palapit sa akin. Aissht bakit niya ako kinakausap. Close ba kame. Atsaka wala ba siyang mata. Obvious naming nakain ako, tatanong pa.

"Wala, paki mo."

"Aba panget na nga suplada pa haha."

"Kung andito ka lang para mang-insulto umalis ka na nga."

"Bakit iyo ba itong rooftop, kina Zico kaya ito." Sabi niya, palibhasa kaibigan niya yung Zico kaya kung makaasta siya kala mo hari. 

Trivia: Si Zico Saavedra, sila ang may ari ng school at alam ko isa din itong member ng fraternity nila. Anyway wala akong pakielam sa kanila.

"Fine, ako na lang ang aalis." Sarap-sarap ng kain ko bigla akong nawalan ng gana dahil sa kanya. Anu ba naman ito. Asan na yung peace and quiet na sinasabi ko kanina.

"Wait lang."

"Anung kelangan mo?" Then lalo siyang lumapit sa akin at may kinuha siya sa ulo ko.

"May kuto?" Sabi niya sabay lapag sa kamay ko nung nakuha niyang kuto. Actually wala akong kuto kahit mukang walis tambo ang buhok ko. Bigla na lang siyang humagalpak ng tawa. At napagtanto kong pinagloloko lang niya ako. Ako naman uto-uto dahil kanin pala yung nasa may buhok ko.

"Hahaha Kung nakita mo lang ang itsura mo grabe 'priceless' hahabulin ka ng manok nan haha." sabi niya habang hawak ang tiyan katatawa. Para yun lang natawa na kaagad siya. Ang babaw niya hah.

" Dyan ka na nga!" Nagwalk-out na ako. Bwisit yun, sa lahat ng pwedeng pagtripan......ako pa talaga.

Pababa na ako ng hagdanan ng mag narinig akong ungol. Hala baka multo? Siyempre nacurious ako kaya sinilip ko. (/oO)!!! What the Cheese! May naghahalikan sa hagdanan. Grabe naman sila dito pa talaga sa school gumagawa ng kachubahan nila. Ayokong bumaba habang nagtutukaan sila, napaka awkward nun. Wala akong choice kundi bumalik sa rooftop at pagtiyagaan ang lalaking gusto ko ng isumpa.


TBC

***

LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon