Chapter 13

5 2 0
                                    




****


Nung nasa school na ako kahit masakit eh tinatry kong iwasan si Mir. Alam ko naman na nakakahalata na rin siya. Pagtitigin siya sa akin ay umiiwas ako. Pag niyaya niya ako tinatingihan ko.

Lunch time na, naglalakad ako sa may corridor papuntang canteen ng may nagtakip ng bibig ko at hilahin ako papasok sa isang room. Stock room.

"Shhh ako to." Sabi nung nag dala sa akin. Hindi ko man nakikita alam kong si Mir siya.

"M-Mir?"

"Oo." Tapos binuksan niya ang ilaw ng isang room. Storage room ito kaya walang tao. Nashock ako sa nangyari. Kala ko nakidnap na ako ng disoras.

"A-anung kelangan mo, may gagawin pa ako?"

"May problema ba?"

"W-wala."

"Dont lie to me Pola."

"Wala nga Rodmir."

"Rodmir? Really Polaine? Iniiwasan mo ba ako?"

"Hindi sa ganun, busy lang talaga ako."

"Ganun ka ba kabusy para iwasan ako?

"Hindi kita iniiwasan. Please, may pupuntahan pa ako."

"Hindi ka aalis hanggat hindi natin naayos ito. Wag mo naman akong gawing tanga kaiisip kong anu ang nagawa ko?!"

"Wala kang nagawa okay busy lang talaga ako at saka andyan naman si Armie siya muna ang samahan mo."

"Fuck! May hinala na ako sa ikinikilos mo, ito ba ang gusto mo?" Batid sa boses niyang galit na siya. Ngayon ko lang nakita na ganito si Rodmir.

Hindi na ako nakaimik, mas okay na manahimik na lang, kasalanan ko din kung bakit nangyayari ito ngayon.

Nagsalita ulit siya.

"Hindi mo na kailangan akong ipagtulakan sa iba kung ayaw mo na akong kasama. Kung busy ka talaga bahala ka na sa buhay mo. Ikaw ang unang lumayo."

Pagkasabi niya nun umalis na siya. Pero bago siya umalis sinuntok niya yung pader na katabi ng pinto. Galit siya sa akin. Bakit ba kami napunta sa ganitong sitwasyon. Ang gusto ko lang maging maayos silang dalwa ni Armie.

Naiwan ako dun mag-isa. Gusto ko sanang umiyak pero wala akong karapatan kasi kasalanan ko naman. Panget na nga ako tapos iiyak pa ako....lalo lang akong papanget.

Ilang araw ang nagdaan, mag isa na ulit ako. Hindi ko alam kung bakit nawala sila sa akin.

Papunta ako ngayong botanical garden kasi pinapapunta ako ni Armie.

"Pola." Pagkakita niya sa akin bigla siyang umiyak.

"Armie bakit ka umiiyak?"

"Nagalit sa akin si Rodmir, ayaw niya sa akin at sinabi niyang may iba siyang mahal...alam mo bang ang sakit sakit nun Pola." Tama ba ang dinig ko? May mahal ng iba si Mir. Masakit na malaman yun lalo na may lihim akong nararamdaman sa kaniya. I guest hanggang kaibigan lang ang role ko sa buhay ni Mir. Napakaasumera ko na nag expect akong magkakagusto rin siya sa akin.

"Tahan na, gusto mo bang kausapin ko siya?" Alo ko kay Armie.

"Para anu pa? Magmumukha lang akong tanga kahahabol sa kaniya. Marami naman dyang iba."

"Oo nga at saka maganda ka maraming magkakagusto sayo."

"Salamat hah. Anyway pinapunta talaga kita dito para iabot sayo itong invitation ko sa sabado. Its my sixteen birthday inaasahan kong makakarating ka hah, bukod sa akin ikaw ang pinakaspecial kong guest."

"Oo naman." Then nag paalam na siya. Nakatingin lang ako sa hawak kong invitation. Invited din kaya si Mir sa party ni Armie? Sana pumunta siya. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong linawin sa kaniya ang lahat. Namimiss ko na siya.


TBC


Thank you for Reading!

LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon