Then the next day sa may canteen na ako naglunch, sa pinakadulong side. At tulad ng dati mag-isa na naman ako. Ayaw nilang tumabi baka mahawa sila sa kapangitan ko. Tssh anu bang paki ko as if naman kawalan sila sa akin. May dala akong pang lunch kaya inumin na lang ang binili ko sa canteen. Ang sungit pa nung matabang tindera, kala mo ang ganda niya.
Maraming studyante dito at kadalasan puro circle of friends. Yung habang kumakain, wagas makapagkwentuhan at tawanan. Kaya ayoko dito eh, napakaingay nila. Oh di kaya naman dito gumagawa ng group project or nag-aaral. Madalas ding tambayan lalo na nung mga couple na may kasama pang harutan at suyuan. Sumasakit ang mga mata ko sa kanila.
Habang kumakain, patingin-tingin lang ako kung saan-saang parte ng canteen. Kadalasan sa may entrance.
"O Rod, bakit ngayon ka lang?" Napatingin ako sa grupo nila Mig since sila ang pinakamalapit sa akin.
"May hinanap lang ako." Nakangiting sabi niya. Lagi na lang nakangiti ang isang ito, parang tanga lang. Ganito ba sila magpacute?
"Nakita mo ba?" Sabi nung isang member niya na kaklase ko din. Hindi ko tanda ang name.
Tapos bigla siyang tumingin sa direction ko, since ako lang ang nandito sa side so particular sa akin. Nagkatinginan pa kami sa mata, kumunot lang ang noo ko. "Oo naman." Sabay kindat sa akin pakita pa ng dimple niya. Abnormal na lalaki!
Minadali kong ubusin ang kinakain kong kanin and fried chicken para makalabas na agad ako. Muntik pa nga akong mabulunan kamamadali. Naiinis na ako sa Rodmir na yun, tingin ng tingin. Tinatawanan pa yata ako. Nang-aasar ba siya? Anu bang problema niya sa akin?
Class hour na ulit at ito ang pinaka gusto kong subject, ang PE. Madalang lang magturo ang teacher namin dito at madalas hinahayaan niya lang kaming magpakalat-kalat sa gym. Kadalasan naglalaro lang ng basketball ang mga boys or nagkukwentuhan lang sa tabi, yun namang mga girls nanunuod lang at todo makacheer.
Ah sa aming room may version ako ng babae...
tulad ni Cinderella mga gumanda lang dahil sa mga checheburetche na fairy God mother. Mga tulad ni Ariel, since birth na maganda kaso utak isda. Mga tulad ni Belle simpleng hindi aware sa ganda niya, mga tulad ni Fiona dahil kay belo gumanda, tulad ni Tiana na maganda nga maitim naman, tulad ni Queen Grimhilde, nagpefeeling maganda at yung last ito ang kinabibilangan ko. Mga tulad ni Ursula, kontrabida na nga ang itsura....mamamatay pang hindi gumaganda. Ang saklap lang?!
Lumabas na ako ng gym para mag-ikot-ikot sa compound ng school, nahahati sa tatlo ang school namin kaya sobrang lawak nito at tatlo ang main gate ng school, pang Elementary, Highschool at College.
Nagpunta akong Botanical Garden, dito ako magpapakasenti para tahimik. Malapit lang ito sa gym kaya makikita ko kung naglalabasan na ang mga kaklase ko. Hay nakakatamad ang araw na ito. Umupo ako sa isang bench dito, may shade ng puno kaya hindi mainit. 2 hrs ang klase kaya pwede akong umidlip muna. Zzzzzzzz!
Naalipungatan ako bigla, medyo nakapikit pa ako ng lagay na ito kaya kinusot-kusot ko muna ang mata ko. Ch-in-eck ko yung cellphone ko para matingnan kong anung oras na. Hala 4:30 na. Napasarap ang tulog ko. Late na ako ng 30 minutes sa last period, ang galing ko talaga. Hindi na ako nag-effort pumuntang klase, 30 minutes late equivalent to absent na din yun. Dumiretso na ako sa canteen. Nagugutom na kasi ako.
Nung uwian na nakasalubong ko na naman ang grupo nila Mig sa corridor. Tae soulmate yata kami ni Mig ah. Yumuko ako para hindi nila ako masyadong mapansin. Nagulat ako nung may sumagi sa akin pagtingin ko kung sino, yung Rodmir the japananese boy na naman na yun at nakangisi pa. Nalaglag tuloy yung nilalantakan kong cookies. 10 pesos din yun noh.
"Pola." Hindi ko alam pero napangiti ako kasi first time na may tumawag sa akin sa pangalan ko sa school na ito. Paglingon ko. Slow motion pa hah.
Sus si Rodmir lang pala...kala ko si Mig na..watot!
"Oh?" Pataray na sabi ko habang nakataas ang isang kilay. Sinong may sabi na maganda lang ang pwedeng umasta ng ganito.
"Yung kalat mo pakipulot." Sabi niya. Yung maarteng expression ko eh napalitan ng pagkaasar. Lumapit ako sa kaniya para pulutin yung butil nung kinakaen kong cookies doon sa may corridor. Bute nakaalis na yung mga tropa niya at siya na lang ang naiwan. Paniguradong pagkakatuwaan na naman ako ng mga ito.
"Eto pa." Sabi niya. Hindi pa ito nakuntento at itinuro pa yung maliliit na butil na maski ako hindi ko na makita. Ano pang silbi ng Janitor sa napakamahal na school na ito. Kung hindi lang siya member ng SSG, hindi ko siya susunduin.
Hindi ko alam kong anung position niya sa SSG, wala akong pakielam at wala akong balak alamin yun. Palibhasa sikat siya kaya nanalo siya, kahit hindi naman bagay sa kaniya maging isang SSG officer. Hindi makatarungan!
"Kita ko, pwede bang umipod kayo para masimot ko lahat." Dapat siya ang nasimot at hindi ako, siya naman ang bumunggo sa akin.
"Good." Tapos tinap niya yung ulo ko na parang aso.
"Ang bango ng buhok mo anung shampoo mo?"
"Hindi ako naligo kanina."
"Di nga?"
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala."
"Kadiri ka."
"Oh yan hah napulot ko na lahat master baka pwedeng umuwi na ako." Ngumisi lang siya at nagwave pa. Tumingin ako sa may bandang lidot ko. Wala namang tao. Kinikilabutan ako sa lalaking ito. Tumalikod na ako para kunin yung gamit na naiwan ko sa room.
Bigla ulit siyang nagsalita.
"Sa susunod na magcutting ka para lang matulog sa Botanical Garden, isusumbong na kita at hindi na kita ieexcuse kay Ma'am ......or pwede ding hindi, basta ba isasama mo ako next time." Sabi niya sabay wink sa akin.
Tiningnan ko siya ng nagtataka. Tumalikod na rin siya at naglakad palayo.
Samantalang ako nafreeze na yata sa kinatatayuan ko. Paano niya nalaman na natulog ako sa Botanical Garden at ito pa, anu yung huling sinabi niya? Isasama ko siya? Ayos lang siya?
Take note to myself: Iwasan ang sabog na lalaking yun.
weird na ako eh mas weird pa pala ang lalaking yun.
TBC

BINABASA MO ANG
LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!
HumorRoyal Brotherhood Series: RODMIR UCHIDA This is a Highschool (Love) life story na pwede kang makarelate...lalo na kung isang studyante ka. Thank you for Reading!!! (^_______________^)v