(^__________^)v
Nung awasan na namin, inaya na akong umuwi ni Rodmir. Alam kung nagtatampo siya sa akin dahil hindi ko siya pinapansin at madalas tinatakasan ko siya. Sana hindi siya nakakahalata sa mga ikinikilos ko.
Mahirap din sa akin ang ginagawa kong pag iwas sa kaniya pero kailangan ko mapagtagumpayan ang mission kong ito for the sake of our friendship. Mahalaga para sa akin si Mir at Armie, sila ang una kong naging kaibigan.
Nagtaka ako ng kinuha niya ang bag ko. Bigla niya ring hinawakan ang kamay ko at basta hinila palabas ng corridor. Makahila naman wagas, kala mo eh sako ako ng niyog.
"Wait lang Mir-"
"Tara na. May pag uusapan tayo." Seryosong sabi niya. Tumigil naman ako sa paglalakad kaya napatigil din siya sa paghila sa akin. Kinalas ko din ang pagkakahila niya sa kamay ko.
Shemay, kung hindi ko nga lang iniiwasan siya, kinilig na ako dahil holding hands kami ng mga 30 seconds ang nakakalipas.
"Anu Mir, kayo na lang muna ni Armie may gagawin pa kasi ako." Nakatungong sabi ko, baka mabasa niyang nagsisinungaling pa ako.
"Iintayin na lang kita, anu bang maitutulong ko?" Seryoso pa ring sabi niya. Hindi katulad dati na madalas nakangiti pa siya.
"Hindi! O-okay lang sige kayo na lang..pakihatid si Armie sa bahay niya hah, please. Salamat."
Aangal pa sana si Rodmir kaso hinila na siya ni Armie.
Nagwave ako sa kanila ng nakangiti ng pilit. Habang tinitingnan sila palayo, may kirot na nararamdaman ako. Kahit iniisip kong hindi ko deserve masaktan, wala eh una palang mali na magkacrush ako sa kaibigan ko. Kung titingnan, mas bagay silang dalwa kesa sa gaya kong ganito ang itsura.
Inantay ko lang silang makaalis then after 30 minutes umalis na rin ako sa school. Naguguilty na ako sa ginagawa ko kay bestfriend ever ko. Umuwi na akong mag-isa. Maliwanag pa naman kaya naglakad na lang ako. Tipid kasi.
'Pe-peep!'
Biglang may bumusina sa akin at sa gulat ko napunta ako sa may tubog, buti na lang tubig lang at walang kasamang putik putik. Walanjek muntik na akong mabangga ah.
Biglang bumaba yung salamin ng sasakyan. Pamilyar sa akin ang mukha niya. Medyo kumunot ang noo ko dahil iniisip ko kung saan ko nakita ang mukha niya.
Ah, alam ko na. Schoolmate ko siya. Siya yung anak ng may ari ng school at isa sa katropa ni Mir.
"Ahmm, hi! Anu...kwan may kailangan ka ba?" Medyo naiilang nasabi ko, actually hindi ako sanay makipag usap lalo na sa hindi ko gaanong kakilala kaso baka may kailangan siya.
"Wala lang, napadaan lang ako dito and napansin kita. Your Pola right?" Tumango na lang ako.
"By the way I'm Zico. Sabay ka na, dito rin ang way mo di ba?" Napatingin ako sa sapatos kong basa kaya napatingin din siya.
"Anu Zico wag na, basa pati sapatos ko. Salamat na lang."
"No, its okay beside ako din may kasalanan kong bakit nabasa yan." Mukha namang mapagkakatiwalaan siya at sabi ni mama masamang tangihan ang grasiya.
Sumakay na ako, nginitian niya lang ako at ini-start niya na yung sasakyan.
"Saan ba yung sa inyo?" Casual na tanong niya.
"Sa may dulong kanto lang."
"Malapit nga lang. Bakit hindi mo pala kasama si Rodmir ngayon?"
"May ginawa kasi ako kaya pinauna ko na sila. Panu mo nga pala nalaman pangalan ko?" Nagulat kasi ako nung sinabi niya pangalan ko. Sino ba naman ako para makilala ng isang popular sa school.
"Madalas ka kasing ikwento ni Rodmir sa amin, wala nga yung bukang bibig kundi ikaw Pola. Iniisip ko nga na baka crush ka niya haha."
"Naku napaka imposible nun, ako kasi ang madalas niya kasama simula ng naging kaibigan ko siya kaya siguro naikukwento niya ako hahaha."
"I dont think so."
"Hindi yan, saka may Armie na siya."
"Hindi mahilig si Rod sa mga clingy na katulad ni Armie."
"Talaga? Bakit naman maganda kaya si Armie mabait pa."
"Well hindi lahat ng lalaki sa maganda na tingin, mas okay pa yung simple."
Simple ang sinabi, hindi exotic so out pa rin ako sa option huhu. Wala talagang pag asa ako at mga kalahi ko.
"Edi simple din ang mga type mo?" Medyo nacurious naman ako sa kaniya.
"In my case not really, mas type ko yung babaeng laging galit, yung kita na yung angry veins, gusto ko yung maldita at napaka pikon haha." Tapos bigla siyang nagtawa. Sa isip ko wierd din ang isang ito. Pang kontrabida yung taste parang si Lei Jean.
Nung nasa dulo na ng kanto, bumaba na ako. Pagkatapos magpasalamat, umuwi na ako sa amin.
Habang nanunuod ng TV biglang may nagdoorbell sa pintuan namin..Nagpaoyuhan pa kami ni kuya at dahil sa natalo ako sa jack n poy ako ang malas na nagbukas ng pinto. Sino ba naman kasi yung istorbo?
Pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko si Rodmir. Pawis na pawis at hingal na hingal siya. Hinabol ba siya ng aso o kaya baka? Anung nangyari sa kaniya? Medyo namumula-mula pa yung face niya.
"Hala Mir bakit pagod na pagod ka? Gusto mo ng tubig? Teka kukuha lang ako." Syempre kahit iniiwasan ko siya nagkecare pa rin ako sa kaniya. Hinawakan niya naman ang braso ko para pigilan na umalis.
"Hindi, okay lang galing kasi akong school, binalikan kita. Bute nasa bahay ka na." Sa sinabi niya bigla tuloy domuble ang pagkaguilty ko. Bakit kailangan pa niya akong balikan?
"S-sorry hah. A-anu pasok ka muna."
"Hindi okay lang chineck lang talaga kita, pauwi na rin ako." Nginitian niya lang ako. Nakangiti nga siya pero halata mo sa mata niya na malungkot siya. Umalis na siya pero ako nakatayo pa sa may pinto, gusto ko siyang sundan kaso may parte sa akin na pumipigil. Baka pag sinundan ko siya at hindi ko na matupad ang pangako ko kay Armie na layuan si Mir.
TBC
Thank you for reading!

BINABASA MO ANG
LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!
HumorRoyal Brotherhood Series: RODMIR UCHIDA This is a Highschool (Love) life story na pwede kang makarelate...lalo na kung isang studyante ka. Thank you for Reading!!! (^_______________^)v