Chapter 4

24 5 0
                                    



*****


Walang pasok ngayon dahil Saturday, at kung meron man doon lang yun sa mga studyanteng pinanganak na masisipag sa mga activity ng school at mga club meeting cheverlou. 

Ako, wala akong sinalihan na kahit anu mang club, because I love conserving my energy  at tambay lang sa bahay. Masaya na ako sa ganitong buhay. 

Ang madalas kong ginagawa, maghapong matulog, kumain,manuod ng TV or youtube or anime or kdrama, magfacebook, Maglaro ng computer game. 

Yung iba naman, ganito madalas lumalabas with barkada, kung mayamanin kang anak, gala  sa banda rito at banda roon, lamon sa mga sosyaling restaurant or coffeshop. or kaya mga naglipana sa arcade, park, amusement park at madalas sa Mall..

Imbis na maghapon magmukmok sa aking kwarto abay binulabog ng magaling kong ina ang nanahimik kong buhay. Lumabas naman daw ako ng bahay at ng maarawan man lang .No choice kaya inilabas ko sa park si dolly, ang aso kong shih tzu, ang nag-iisang bestfriend ko. Simple lang ang suot ko, T-shirt na blue, jogging pants na gray at rubber shoes tutal kahit maganda ang suotin kong damit eh ganun pa rin ang itsura ko. So what's the difference?

Imbis na maging alalay ko si dolly eh ako pa yata ang naging alalay niya. Bute pa si dolly cute ako takcute. Hindi ako makapaniwala pati aso kinaiingitan ko na. Sosyal si Dolly, spoiled kasi sa akin. May damit, sapatos at pamper ito. Sa madaling salita ginagawa kong barbie si dali, lagi kung dinedress up-an. Ako din natahi ng mga damit niya.

"Aw aw aw." Kahol ni Dolly, at biglang tumakbo palapit sa may lake. Agad naman akong tumakbo para habulin ito. Hala baka nabaliw na yung aso ko at naisipang tumalon sa lake! Nakahinga lang ako ng maluwag nung nakita kong tumigil na siya. Walangyang aso, pinagod ako.

Naglakad na ako palapit sa kaniya. Napansin kong lumapit siya sa isa pang aso na shih tzu din. Susmarsupo! May kalandian ding taglay si Dolly, mana sa akin.

"Aw aw aw." Tahol nung isang aso. Wow ang cute din katulad ito ni Dolly tas nakabow tie pa at shoes din. Tumingin ako sa paligid, walang tao iuwi ko rin kaya ang asong ito. *evil laugh*

"Aw aw aw." Tahol ni Dolly.

"Aw aw aw." Tahol din nung aso. Mukhang nagkakaintindihan silang dalwa.

"Finally nakita rin kita." Sabi nung lalaking pamilyar sa akin ang boses habang kinuha yung isang aso at kinarga ito. Awww may may ari pala doon sa aso. 

Pag angat niya ng tingin, mukha siyang nagulat. (O.O). nagulat yata sa itsura ko. Parang ngayon lang nakakita ng maganda este pangit.

"H-hi Pola." Sabi niya na nakangiti pa.

"Che." Inirapan ko siya. Pagnakikita ko talaga siya, tumataas ang dugo ko.

"Suplada mo talaga. Anyway Pola meet POLO my dog." Ewan ko kung nang-iinis ba siya kasi inemphasize pa niya ang pangalan ng aso niya at higit sa lahat katunog pa ng pangalan ko ang aso niya.

Inilapag niya ang aso niya sa tabi ni Dolly, at nagsimula ng magharutan yung dalwang aso. Ang lalandi ng mga asong ito.

"Anong name ng aso mo?"

"Dolly."

"Ang ganda niya hindi tulad nung may ari haha."

"bwisit! Edi ligawan mo."

"Haha wag na, may mahal akong iba."

"Okay. Tara na nga Dolly, may panira dito." Kinarga ko na si Dolly.

LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon