****
Nung pumasok na ako sa school, wala namang nangyaring interesante sa buhay ng isang panget. Boring ang life ng isang gaya ko, obvious naman kaya wag tularan.
Syempre walang nakakaalala sa akin umabsent man ako o hindi, maliban sa mga kaibigan kong insekto na mukhang nanahimik nung nawala ako. Awwww touch ako.
Maaga pa naman kaya makapagsulat na lang ng mala nobelang buhay ko baka sakaling ma MMK pa. Ang tittle nung story ay ' ampalaya' ang bitter na panget. Pati walang kamuwang-muwang nagulay dinapay ko pa. Malalana ako.
"WHAA GIRLS NAPANUOD NIYO BA ANG MV NG 'SMALLBANG AT SUPER SENIOR OHMIGASH ANG WAFU AT HOTTY NILA." Pasigaw na sabi ng isa kong kaklase.
Partida hindi pa yan nakakapasok ng pinto ng room namin ganyan na yan ka loud. Mabilis siyang nagpunta sa grupo ng mga babaeng kaklase ko.
Sila yung grupo nang kaklase kong nilamon na ng kpop. Walang ginawa sa school kung hindi pag usapan ang grupo ng kpop na kinababaliwan nila. Bigla na lang kakanta ng ibang language o kaya naman magsusulat sa blackboard o kung saan-saan ng korean words at may pasayaw sayaw pa. Any way trip nila yun eh, so walang pakielaman.
"Grabe napanuod ko din. Like what ang dami na kaagad views karerelease lang OMG talaga. Ang sexy nila doon."
"May concert nga daw sila dito sa atin sa next month, buti pinayagan ako ni Mommy na manuod."
"Whaa swerte mo girl, inggit me.!"
"Syempre para kay bias ko, look oh may bago din akong bili na album nila ehhhhh kilig me." Sabi nito na halatang kinikilig pa.
"Whaa daya, san mo nabili yan? Saan ka rin nakabili ng mga merchandise nila."
"Secret."
"Daya talaga.!"
"Sino ba ang bias mo?"
"Si D-dragon."
"Omy G bias ko din yun noh. Ang gwapo niya kasi galing pa kumanta.."
"Whaa boyfriend ko na si D eh."
"Boyfriend mo, eh asawa ko na yun eh."
Tahimik lang akong nanunuod at nakikinig sa kanila. Mukhang nagkakainitan na sila para sa kanilang idol na walang kamuwang-muwang sa mundo na pinag-aagawan nila. Feelingera din na katulad ko. Akala mo eh totoong kanila kung makapang akin.
"Sorry ka, napag sawaan ko na siya mula ulo hanggang paa."
"In your dream, akin lang siya, may passport na nga ako para pumuntang korea, pakasalan lang siya."
"Kay Lee chu chu ka na lang."
"Ayoko doon, walang abs yun." Ang tagal naman dumating nung teacher namin, baka mamaya magsabunutan na iyong mga kpoppers kong mga kaklase dahil lang sa pinagpapantasyahan nilang lalaki. Pinagtitinginan na rin sila ng iba ko pang kaklase. Halos nandito na lahat sa room, inaantay na lang yung palagin late naming teacher..
Naramdaman kong biglang nagvibrate ang cp ko. Wala namang nagtetext sa akin maliban kay mama, papa or kuya at kadalasan ang text nila ay emergency or may iuutos na bumili ng ganito at ganoon.
Nagulat pa ako kasi number lang yung nakalagay. At sino naman kaya ito? Inopen ko baka kasi importanteng mahalaga.
From: 09******462
Good morning Pola! Okay ka na ba?
Yun ang nakalagay sa text. Sino ba ito? Mareplayan nga, may load naman ako.
To:09******463
Ok lang po. Thanks. Sino po sila?
Pagkasend ko, nagreply agad. Ang bilis naman nito.
"Buti kung ganon. Haha ganyan ka ba talaga sa text, magalang haha.
By the way si Rod to. :)
Pagkabasa ko nung text, napakunot ang noo ko. Si Rod lang pala at may smiley pa. walanjo. Nag angat ako ng tingin para hanapin siya kung nasa loob na siya ng room namin. Agad ko rin naman siyang nakita, nasa may bintana siya kasama ang mga ka tropa niyang nagkukwentuhan. Nakatingin siya sa akin habang hawak ang cp niya. Umiling-iling na lang ako. Ibabalik ko na yung cp ko sa bag ng tumunog ulit ito.
From: 09******463
Ayaw mo ba ako katext? Pati ba naman sa text ang suplada mo?
Mareplayan nga.
To:09******463
Oo!
Yun lang ang tinext ko, siguro naman gets niya ng ayaw ko siyang katext. Paniguradong binigay ni Mama yung number ko sa kaniya.
From:09******463
Suplada talaga.
Tsk, bahala nga siya, basta hindi ko na siya rereplayan. Aksaya sa load, aksaya sa effort. Sinilid ko na sa bag ang aking cellphone.
Kaso habang nagkaklase nararamdaman ko na walang tigil ang pagbavibrate ng cellphone sa bag ko. Pag silip ko, yung number ni Rod ang nakaregister. Tinadtad pa ako ng mga text. Asa 32 msg from 09******463. Nang-iinis ba siya?
Talagang sinasagad ng Rod na yun ang pasensya ko. Anu bang kailangan niya sa akin?
Nung vacant period na namin, tinext ko siya na pumuntang rooftop at mag-uusap kami.
Pagkatapak na pagkatapak pa lang niya sa rooftop eh hinigit ko na agad siya papunta sa pinaka dulong part.
"Whoaw hindi ko alam na ganito ka sabik na makausap ako haha." Aba't nakuha pa niyang magbiro.
"Bwisit ka kasi. Talagang kailangan mo pa akong tadtadin ng message. Anu bang problema mo sa akin?!"
"So kaya pala galit ka dahil tinext kita, wait hindi mo ba binasa ang mga text ko?"
"Hindi, binura ko na nakakasura eh."
"Kaya naman pala, tinext kita kasi nasayo pa lahat ng mga notes ko hehe."
At nung marealize ko yung sinabi niya.
"Hala oo nga pala, hala sorry, hala panu yan nakalimutan ko sa amin. Hala anung gagawin ko Rod? Panu ka?!!!!" Bigla akong nataranta. Nawala sa isip ko yung mga notes niyang nakapatong sa may study table ko, nag effort pa man din siyang pahiramin ako. Anu ang gagawin ko?
"Pola, hoy Pola. Kalma!" Sabi niya na nakahawak na sa may magkabilang balikat ko. Pag ganitong natataranta ako eh nawawala ako sa sarili. Tinamaan ng------.
"Panu ako kakalma, panu ka? kanina pa tayong nagkaklase na wala ka man lang notes, dapat sinabi mo kaagad. Dapat pala binasa ko yung text mo."
"Anu ka ba okay lang yun."
"Eh kasi-"
"Enough okay. Wag mo na problemahin yun, kasalanan ko rin naman kasi dahil kinulit kita."
"Sorry."
"Sabay na lang ako pauwi sa inyo para kunin yung mga notes ko."
"Sige ikaw bahala, kaso cleaners ako mamaya."
"No problem. I can wait."
"Okay. Thanks and Sorry."
"Well I can appreciate your thank you and sorry if you can treat me. Right?"
"Hah? Ah sure "
"But not today, next time na lang. Tara na sa room magtatime na tayo."
TBC

BINABASA MO ANG
LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!
UmorRoyal Brotherhood Series: RODMIR UCHIDA This is a Highschool (Love) life story na pwede kang makarelate...lalo na kung isang studyante ka. Thank you for Reading!!! (^_______________^)v