^_____^v
Hanggang sa naging close friend na kami ni Rodmir. Madalas kaming magkasama sa school at bahay. Pinakilala niya rin ako sa mga kabarkada niya kaya tuloy madalas kaming asarin. Siya na nga ang bago kung crush eh pero secretong malupit lang yun. Never akong aamin sa kaniya dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin.... Kahit panget nagkakacrush din, yun nga lang hindi pwedeng ipagsigawan. Hangang panago na lang sa baol ang aming nararamdaman.
Nasa may rooftop kami ngayon. Naging tambayan na namin itong dalwa tuwing lunch or kaya vacant period. Para tuloy kaming lovers...charot lang yun.
"Panget pashare ng lunch." Sabi niya habang sinisiksik ako sa isang tabi. At hanggang ngayon tawag niya pa rin sa akin eh panget. Pang asar lang.
"Wala ka bang dala, patay gutom talaga." Sabi ko na may kasamang irap effect pa.
"Hindi ako nagdala kasi alam kong magdadala ka kaya pashare hah."
"Anlahoy nagpapacute ka na naman. Kita mong kulang pa ito sa akin."
"Kulang pa yan sayo naparami mo ngang kanin at ulam. Sige na libre na lang kita next time."
"Hindi pwede isa lang ang kutsara ko." Shet pagnangyari yun....indirect kiss yun.
"Okay lang halinhinan na lang tayo." Sabi niya na parang walang malisya. Sabagay ako lang ang nag iisip noon.
"Ayoko nga baka maysakit ka."
"Aba ang arte baka nga ako ang mahawa sa kapangitan mo hehe aray!" Hinampas ko nga. "Peace!"
"Ang sama, ganun ba talaga ako kapanget."
"Oo"
"Ouch ang hard, tagusan. Wag ka kakain ha!"
"Wag ka mag-alala hindi batayan ang itsura pag nagmamahal, mas masarap mahalin yung taong hindi man pang modelo ang itsura basta mahal ka kahit sino o anu ka pa." Sabi niya na seryosong nakatingin sa aking mata. Ang lakas tuloy ng kabog ng puso ko. Yung kahit alam kong hindi ako maganda, pero sa tuwing titingnan niya ako ng ganito eh feeling ko ako ang pinakamaganda.
Nung matauhan ako, napansin kong wala na yung pagkain ko at nilalantakan na ng magaling na si Rod. Inigaw ko sa kaniya yung binalot ko kaso ayaw ibigay. Feeling kanya yung baon.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong subuan. Tapos halin hinan na kaming kumain gamit yung isa kutsara.
"Paabot nga ng tubig iinom ako." Turo niya sa tumbler ko.
"Pati ba naman tubig ko, makikishare ka pa. Saamin ka na kaya tumira."
"Good idea, sige bukas na bukas din."
"Sira." Inabot ko na sa kaniya ang tubigan ko. "Tirhan mo ko."
"Bait talaga ng friend ko." Sabi niya habang ginugulo ang buhok kong parang pugad.
****
Nasa may cr ako ngayon katatapos ko lang jumebs...hay sarap sa feeling maglabas ng alam niyo na kanina pa kasi akong nagpipigil simula nung nag time after lunch.
Habang naghuhugas ng kamay eh pumasok yung grupo nina Jorgina ang grupong dead na dead sa fraternity nila Rodmir, buti na lang kumpleto ang gamit dito sa school may tissue paper na may hand soap pa. Mag isa lang ako sa cr ng inabutan nila. Sabagay class hour pa naman, nag excuse lang ako at taeng-tae na ako.
Ganito ang mga eksena sa storya eh pagpanget aawayin nila. Okay sana kung maganda ako eh atleast alam kong aawayin nila ako kasi insicure sila.
"Hoy panget." Sabi ni Jorgina.
"Ang sama mo naman kahit panget ang kaibigan mo eh tao pa rin siya." Turo ko dun sa kasamahan niya.
"Gaga hindi siya ang tinutukoy ko kundi ikaw."
"Ah ako ba haha, anung kelangan?"
"Bakit ang baho dito?"
"Aba malay ko tanong mo sa janitor." Tapos umalis na ako. Kala ko pa naman aawayin na nila ako at makikipagsabunutan para maging bida ako sa story na ito. Sayang. Handa na yung nga kuko ko eh. Siguro naisip nilang wala silang mapapala sa isang panget na tulad ko. Aba may advantage din pala ang itsura ko.
****
TBC

BINABASA MO ANG
LOVE LIFE NG NOT SO POPULAR GIRL!
HumorRoyal Brotherhood Series: RODMIR UCHIDA This is a Highschool (Love) life story na pwede kang makarelate...lalo na kung isang studyante ka. Thank you for Reading!!! (^_______________^)v