Chapter 7: Unexpected things happen suddenly

4.3K 132 6
                                    

CHAPTER 7: Unexpected things happen suddenly
Jenan's POV

Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko makuha ang ikinagagalit niya. Bakit siya galit? Is he jealous? If yes, then why?

Tss. Ba't ko naman naisip na nagseselos siya? He doesn't have a right after all. He's just really being so unfair to me. 'Di ko naman siya binulyawan sa pambabae niya matapos niyang magtapat ng nararamdaman niya. I didn't even utter a single word!

"Jenan wait!" narinig kong sigaw niya kaya huminto ako at nilingon siya nang nakatiim bagang.

Ano na naman bang kailangan niya sa akin?

"What?!" iritado kong tanong at 'di inalintala ang mga matang nakatingin.

Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay ko pero iniwas ko ito. Nakikita kong may takot sa kanyang mga mata at 'di ko mawari kung saan siya natatakot.

"I'm sorry, I was just-" I put my finger on his lips to shut him up.

"It's useless 'cause the damage has been done, officer" sabi ko sabay talikod sakanya.

Matapos ang naging sagutan naming dalawa ay umalis na kaagad ako sa restaurant at 'di na sumama kina Ethan sa lakad nila. Gabi na ngayon at alam ko kung saan at ano na naman ang gagawin nila.

Weeks had passed and now it's a week before Christmas Eve. I've heard from Chef Homer that officer dela Conde is out of the country together with Alinier Sanchez. Sinabi niya sa akin iyan nang kumain ako sa restaurant niya.

I don't really get the point of why he needs to go with Alinier. What are they? Is she his girlfriend? But, how about the attorney's daughter? Is he two-timing?

Ghad... Men will always be men... Cheating is their nature, I think, I shouldn't forget that one.

"Deep thoughts again, miss Jenan?"

Ngumiwi ako sa sinabi ni Chef Homer.

"Alam mo? Napapansin ko palagi kang nandito sa resto ko... Are you expecting my dear cousin to come here?"

Natigilan ako sa biglaan niyang pagtanong. Well, kasi masarap naman kasi ang pagkain nila dito. Why did he think that I am waiting for his damn cousin? Duhh...

"I'm here to eat, chef. Masarap ang pagkain eh," sabi ko sabay irap.

"Masarap din naman ang pinsan ko."

Napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Pardon?"

"Wala."

"You're weird, chef," sabi ko sabay patuloy sa pagkain.

I heard him chuckles a bit.

"I think I need to go now, someone is glaring at me na para bang kinakain na ako ng buhay, baka ikamatay ko 'to pagnagkataon," he said and then he left me.

He's really weird. Natigilan na lang ako sa pagkain ko nang biglang may umupo sa katapat kong upuan. Nag-angat ako ng tingin at halos lumuwa ang mata ko.

Am I hallucinating or something?

"Hi."

Napakurap-kurap ako.

"I said hi," ulit niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Halos dalawang linggo ko siyang hindi nakita tapos 'hi' lang sasabihin niya sa akin?

Well, Jenan, ano bang gusto mong sabihin niya? 'I miss you'? Kilabutan ka kung sabihin niyang nangulila siya sayo habang kasama niya ang babae niya sa bakasyon niya.

✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon