Chapter 9: His Girl

3.9K 115 11
                                    

Chapter 9

His Girl

Jenan's POV

Ang sabi nila madali lang basahin ang tao. Isang tingin mo lang mararamdaman mo ng may mabuting intensyon ang isang tao sa iyo o wala. Pero sa palagay ko'y hindi ganoon kadali. May iilang tao lang talaga na sadyang kay hirap basahin.Hindi pa natin matiyak kung mabuti ba talaga ang dulot nila sa atin o kapahamakan. Just like what is currently happening between me and Henrik.

Although I already had confirmed it that there is really no string attached between the two of us ay hindi ko pa rin matiyak kung may maganda ba itong maidudulot sa akin or will I get hurt at the end. But that's life, full of uncertain things.

"You really are not qualified for Henrik," biglaang sabi ni Alinier sa akin nang magsabay kami sa pagkain na dalawa.

Wala akong pasok at wala rin siyang lakad kaya kaming dalawa lamang ang naiwan sa bahay ngayon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pangalawang bases na niyang sinabi iyan sa akin sa araw na ito.

Bakit siya ba qualified?!

"Paano mo naman nasabi?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Isang tingin ko lang sayo alam kong hindi ka pasok sa panlasa niya," sabi niya at nagpatuloy sa kinakain niya.

"Oh, really?" maldita kong apila sa kanya.

Ngumiti muna siya bago binaba ang mga kubyertos niya sa lamesa.

"You're so confident that he likes you, right? Kasi ano, hinalikan ka niya? Dinala ka niya sa condo niya? Tingin mo ba ikaw lang ang babaeng dinala niya rito? I know my best friend very well, at batid kong pinaglalaruan ka lang niya."

Shoot. Nawala ang ngiti sa labi ko sa sinabi niya. I thought I was special among the girls na naging ka fling niya dahil dinala niya ako rito, but I wasn't really special at all. He treated me like the way he treated his other woman before.

Jenan. Jenan. Are you really sure it's ok to play with fire? Or should we give up already before you go mess because of him?

***

Ilang beses ko ng sinubukan, pero hindi pa rin talaga mawala sa isipan ko ang sinabi ni Alinier. Tumigil na kaya ako?

"Hey!" Halos masamid ako sa iniinum kong Gatorade nang biglang sumulpot si Ethan sa harapan ko. Nasa gym kasi ako ngayon na pagmamay-ari nina Eurika dahil gusto kong maglabas ng sama ng loob. Alinier just ruined my day so better divert my anger to something than her dahil baka anong magawa ko sa kanya.

Not qualified. Really, huh? Tsk. Naiinis talaga ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya sa akin kanina.

"Kaya ka ba pumunta dito kasi alam mong pupunta ako dito?" tanong ni Ethan.

"Nope! I' m here to have some exercise not for you" sabi ko sa kanya.

"Ouch!" sabi niya pagkatapos ay umarting masakit ang puso niya. Umiling na lang ako at ngumiti nang bahagya.

"Loko-loko ka talaga," sabi ko sa kanya.

By 8pm ay nakaalis na kaming gym at napagpasyahan naming kumain sa isang Italian restaurant. I only ordered pasta since I'm craving for it. Tahimik kaming kumakain nang biglang binasag ni Ethan ang katahimikan namin.

"Jenan, I have something to tell you," sabi niya sa akin ng seryoso.

Nakatingin siya sa mga mata ko na tila ba menimemorya niya ang bawat detalye nito.

✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon