Chapter 13: Trouble

2.6K 93 4
                                    

Chapter 13: Trouble

IT WAS very hard for Henrik to stay with Alinier but still, he chooses to be with his best friend. His best friend needs his comfort right now. Kahit pa man gusto niya ng sundan si Jenan para humingi ng tawad ay di niya magawa dahil natatakot siya sa maaaring gawin ni Alinier kapag iniwan niya ito.

Pagsisisi na lamang ang tangi niyang magagawa sa ngayon. Pero kapag naiisip niyang sinaktan nito ang kaibigan niya ay parang tama lang din ang ginawa niya rito.

"I don't like her. Inaagaw ka niya sa akin." Napabuntong-hininga na lang si Henrik at umiling kay Alinier. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito. Kanina pa sila paulit ulit sa topic na inaagaw siya ni Jenan mula kay Alinier. Napapagod na siyang ipaglaban na hindi siya inaagaw nito at walang nang-aagaw sa kanya dahil sa tuwing sinasalungat niya ang sinasabi ni Alinier ay nagagalit ito sa kanya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Henrik kaya napabaling siya rito. Pinandilatan siya ni Alinier dahil sa ginawa niya.

"Don't answer it if it's Jenan. Henrik pinagbigyan na kita sa gusto mo, naging mabait naman ako sa kanya, pumayag din akong itira mo siya rito kahit na wala naman iyon sa usapan niyo ni general Boress at pumayag ako na sa kwarto mo siya ipatulog dahil sinabi mo sa aking di kayo magkatabi, diba?" Bahagyang natigilan si Henrik sa huling sinabi ni Alinier. He lied to her. Magkatabi silang natutulog at iisang kumot lang ginagamit nilang dalawa ni Jenan.

" Henrik pinagbigyan na kita kaya ngayon ako naman ang pagbigyan mo. Hwag mong sasagutin ang tawag na iyan! I need a quality time with you!" Halos pasigaw na turan ni Alinier. Napapikit na lang si Henrik at napabuga ng hangin.

"It's a call from Gomez and I need to answer this one." Tamad na sabi ni Henrik kay Alinier. Tinanguan lamang siya nito kaya tumayo na siya at sinagot ang pangatlong tawag ni Gomez sakanya.

"Sir! Salamat naman at sinagot mo na!" May pagkagalak na sabi ni Gomez sakanya. Tinanong niya kung ano ang kailangan nito sa kanya at sinabi na may misyon silang gagawin ngayon. Mag rarade sila sa Makati dahil natunugan nilang may nagbebenta na naman ng illegal na droga sa naturang lugar. Bagong taon na bagong taon ay trabaho pa rin ang bumungad sa kanya. Well, sanay na siya sa ganito dahil ito naman talaga ang trabaho niya sa loob ng iilang taon sa pagiging pulis niya.

"Where are you going? Pupuntahan mo si Jenan? Iiwan mo ako rito at uunahin mo siya? I thought we're friends?!" sunod-sunod na tanong ni Alinier sa kanya nang napansin ang plano nitong paglisan sa condo. Nagiging paranoid na naman ang kaibigan niya. Mangiyak-ngiyak pa itong lumapit kay Henrik at saka yumakap.

"Henrik, ikaw na lang ang itinuturing kong pamilya kaya natatakot akong mawala ka." Sabi sa kanya nito. Nanaig ang katahimikan sakanilang dalawa hanggang sa binasag ni Alinier ang katahimikan.

"You just need her body right? After you fuck her you'll gonna leave her, right? Just like your past girls, right Henrik?" Nagtangis ang baggang niya sa sinabi ng kaibagan niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya ug maiinis sa sinabi ng kaibigan niya pero mas pinili niyang maging tahimik na lamang dahil baka ano pa ang masabi niya sa kaibigan niya.

"I'll be leaving you for my work. Don't worry papunta na ang mga pinsan ko rito, sila na ang bahala sa'yo." Sabi niya sabay kalas ng pagkakayakap ni Alinier sa kanya. Paglabas niya ng condo ay tila ba parang nakahinga siya ng maluwag.

***

HENRIK is standing together with his rifle while waiting for Gomez that who's busy talking to a woman na sa tingin niya ay mas bata sa kanya ng tatlong taon.

"Sino iyon?" Tanong niya sa katabi niyang si Castro na nababanas na dahil sa may misyon pa silang isasagawa eh paglalandi pa ang inuuna ni Gomez!

"Ewan ko sir. Pero mukhang panibago na niya naman iyang babae, kilala mo naman ang lalaking iyan, likaw ang bituka." Sabi ni Castro sabay kibit ng balikat. Umayos sila ng tayo ng dumaan si General Clarabal. Henrik salutes to him as well Castro.

✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon