Chapter 10: Trouble

3.9K 111 6
                                    

Chapter 10 : Trouble


Jenan's POV

Nakatitig lamang ako sa mukha niya habang nakalaglag ang panga. Is he really asking me to be his freaking girlfriend? For real? But wait! Parang may mali!

"Gusto m-mo lang a-kong maging girlfriend kasi gusto mo akong mahalikan!" sabi ko nang nauutal.

Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngisi sa kanyang mga labi bago siya napatawa nang bahagya. "I almost got you there. Akala ko talaga papayag ka na, saying," sabi niya habang umiiling.

Pagkatapos ay umalis siya sa harapan ko't naupo na lamang sa upuan bago nilantakan ang mga pancakes. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa kanya.

He's really different today. Although I know that he's merely playing with my feelings pero hindi siya ganon umatake eh. Nag-iba na naman ba ang strategy niya? Hindi ko alam, pero siguro ganoon nga.

Kalaunan ay kumain na rin ako ng pancakes na ginawa naming dalawa bago ako naligo at nagbihis para sa debate ko ngayong araw. Una akong natapos dahil ako muna ang pinauna ni Henrik bago siya naligo at nagbihis. Nagulat na lang ako habang nakaupo sa couch nang lumabas siya na naka jeans at puting V-neck shirt.

"Hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ko sa kanya dahil hindi niya naman suot ang uniform niya. At isa pa, hindi niya naman ako madalas na ihatid sa paaralan dahil maaga siyang pumapasok. Napakunot pa ang noo ko nang tumingin siya sa sahig bago nag-angat ng tingin at ngumiti sa akin.

Weird.

"Hindi!" nakangiti niyang sabi sabay lapit sa akin at hinila ako palabas.

Nakatingin ako sa mga kamay naming magkahawak habang pinapakiramdaman ang sarili.

"Weird," nasabi ko lang bigla dahilan para mapatanong siya sa akin kung may problema ba ako o ano, pero sinagot ko lamang siya na wala at pinagpatuloy ang pakikiramdam sa sarili ko.

Matimpi kong hinintay ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Subalit normal lang ang kabog nito. It's not that I want my heart to beat so loudy for this man, pero hindi ko naman ipagkakaila na tuwing may ginagawa siya sa akin ay may kakaiba akong nararamdaman. Pero ngayon, wala. Wala na ba siyang epekto sa akin? Tinitigan ko siya at iyon naman ang eksaktong paglingon niya sa akin. He then sweetly smiles at me.

"May dimple ka pala sa kanang pisngi ngayon ko lang napansin," sabi ko nang nakatitig pa rin sa kanya.

Napakamot siya sa batok niya at saka ngumiti na naman.

Oh good God! Ano bang nangyayari sa lalakeng ito at bakit palaging nakangiti? Hindi naman sa ayaw ko siyang ngumingiti but when Henrik smiles, parang palaging may balak pero ngayon isang simpleng pilyong ngiti lamang ang dating nito sa akin.

Ganito ba talaga ang ugali niya? Minsan sweet at mabait, minsan naman masungit, pero usulally talaga manyakis siya. Siguro dapat masanay na ako sa pabagobago niya ng mood araw-araw.

But why are you so unreadable, Henrik dela Conde?

"What?" nangingiti niya pang tanong sa akin kaya binawi ko na lamang ang pagtitig sa mukha niya.

Umiling ako at ngumiti.

"Wala...Naninibago lang ako kasi panay na ang ngiti mo," sabi ko rito.

Lumipas ang mga minuto ay matiwasay niya akong naihatid sa campus. "Good luck!" sabi niya pa sa akin nang makababa ako.

Akala ko pa naman manunuod siya ng debate, hindi pala. Excited pa naman ako kanina na sumabak para makita niyang 'di sayang 'yong pagrereview namin kagabi.

✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon