Chapter 14: Agreement and Promises
Jenan's POV
Two days had passsed and the agreement was still fresh on me. I don't know if I can do it well but for Henrik's job's sake I'll take the risk. Nakakakonsensya naman kasi na nawalan pa siya ng trabaho ng dahil sa akin. Nang dahil sa prank nila Gio ay siya pa ang naagrabyado. Well, I can't blame him for doing that to general Clarabal. Maybe nag-alala lang siguro siya saakin. Siguro kung di umieksena ang best friend niya kuno ay kikiligin na siguro ako sa ginawa niya but then I realize something. Kaya lang siguro siya nag-aalala saakin dahil sa siya ang naatasang magbantay saakin at hindi magiging maganda sa imahe niya bilang isang pulis ang mapahamak ako. Damn that image!
Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may mga mensahe ba akong natanggap. Meron nga. Pero puro belated happy birthday lang naman and a little message for me. Every beep of my phone I will look to it. But when I check it, it always disappoint me! Madami pa naman ang humahabol sa pag greet saakin pero may hinahanap akong pangalan na babati saakin kahit na tapos na ang kaarawan ko. Ugh! Wala man lang bang kahit HBD nalang na mula sakanya?
"Is it that hard to greet me?" Bulong ko sa sarili habang nakatitig sa phone ko.
Is he still pissed of me because he loses his job because of me? O baka naman hindi niya alam? Naah! That's impossible! Alam niya dapat niya birhday ko noong january 1! Baka naman nakalimutan niya lang akong e greet diba? At bakit naman niya nakalimutan? Kasi busy siya sa paglalandi? Iyan! Iyan yong posibleng rason!
Oh wait! Bakit ko ba ginagawang big deal ang di niya paggreet saakin? Ano naman ngayon kung di siya nag greet?
Napatigil ako sa pag-iisip ng kung ano ano ng biglang may serbato akong narinig sa labas ng bahay namin. Dalawang araw na akong di umuuwi sa condo ni Henrik at tila ba wala naman siyang pakialam saakin dahil di man lang ako nagawang tawagan para tanungin kung saang lupalop na ng mundo ako nilagay ng poong may kapal. Well, pag greet nga di niya magawa 'yong hanapin pa kaya ako? Di man lang ba siya nag-aalala na baka nakidnap na ako ng tuluyan? Baka nadala na siya sa nangyaring prank nila gio kaya di na siya nag-aalala?
Bumuga nalang ako ng hangin bago ako lumabas ng bahay at sumakay sa isang limousine. Talaga bang diyan ako sasakay? Aba! Ang bongga ha?
May nagbukas saakin ng pintuan bago ako pumasok. Umandar naman ito kaagad ng nakapasok na ako at yong lalaking nagbukas saakin ng pintuan. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa mga tanawing nadadaanan namin dahil di naman ako kinakausap ng mga kasama ko. Tahimik lamang ang mga ito na parang robot na bilang lamang ang mga salitang lumalabas sa bunganga nila.
Huminto ang limousine sa tapat ng isang 5star hotel. Bumaba kami sa sasakyan at sumunod na lamang ako sa lalakeng sa tingin ko ay leader ng tatlong sumundo saakin kanina.
Dumiretso na kami pasakay sa elevator para mapuntahan ang silid na inukupa ni General Clarabal saamin. Nang narating namin ang tamang palapag ay sinabi na lamang nilang tatlo ang numero ng kwartong kinuha ni general at saka hinayaan na nila akong maglakad papunta sa kwarto. Bumuga ako ng hangin ng nasa tapat na ako ng pintuan. Pinihit ko na ang doorknob at nanlaki ang mga mata ko ng nakita si general na naka brief lamang. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Namumula ang pisngi ko dahil sa nangyari. Parang gusto ko ng lamunin nalang ako ng pintuan.
I should've knock first before I enter para di ko na nadatnan iyon. Kung sakaling si Henrik ang nadatnan ko ay masisiyahan pa siguro ako. Damn! Bakit mo naman iniisip si dela Conde Jenan?!
"I'm sorry for that awkward moment, ms. Mercado." Sabi saakin ni General na nakaroba na ngayon. Pwew! Salamat at nakahinga narin ako. Di ko nalang siya pinansin at umupo nalang ako sa sofa. Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung kaya ko ba talaga ang ipapagawa niya saakin. Maraming mababago pagkatapos ng gabing ito. Sana lamang ay di malaman ni Henrik ang gagawin ko ngayon.
BINABASA MO ANG
✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)
General Fiction@AquiraWP Dela Conde Series no. 1 Book 1 He was chosen, but never her priority. (Photo not mine, credits to the rightful owner.) Rank #236 in action -12-14-16- SYNOPSIS "Arestado ka, sa simbahan ka na magpaliwanag"-Henrik Lawrence Dela Conde Po...