Chapter 17
Nakaraan
Tahimik lamang kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya. Di ko siya kinausap. I admit that I miss him pero ang katotohanang di man lang siya nagpaalam na umalis siya ay nakakainis! Alam kong di niya obligasyong sabihin pa iyon saakin pero sana naman marunong siyang makiramdam na umasa akong uuwi siya pagkatapos niyang makipag 'fun' kuno sa ibang babae.
"Ba't andito ka na? Diba't nasa Hawaii ka?" Biglaang tanong ko sakanya. May iritasyon sa boses ko dahil sa naalala ko na naman 'yong 'fun' kuno nila. Binalingan niya ako ng tingin pero saglit lamang ito dahil kaagad niyang binalik sa kalsada ang atensyon niya.
"Ayaw mo bang andito ako? Gusto mo bang si Castro nalang ang palagi mong kasama?"
Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. At saan naman niya napulot iyan?
"Hindi naman sa ganon." Sabi ko nalang. "Pero sana di ka nalang muna bumalik baka kasi nakulangan ka pa sa fun niyo ng General mo eh." Sabi ko ng mahina pero mukhang narinig ata niya ito dahil napatiim bagang siya.
"Anong fun ang pinsagsasabi mo?" Kunot noo niyang tanong saakin. Hininto niya ang sasakyan sa tabi ng plaza. Tumingin na lamang ako sa mga taong masayang naglalakad sa plaza. There were couples. They look so happy together. I wonder. Would I be happy as them when I enter those kind of relationship?
"Anong fun ang sinasabi mo?" Pag-uilit niya sa tanong niya kanina. Binaling ko sakanya ang tingin ko sakanya. I rolled my eyes into him.
"Wala!" Sabi ko at inirapan siyang muli.
"Don't you dare rolls your eyes on me!" Malaotoridad ang tono ng pananalita niya. Halata mong isa talaga siyang pulis.
"You don't have the right to raise your voice into me officer, remember you are just working for me. I am your boss. Now drive!" Napatiim bagang na lamang siya habang nakatingin saakin. I rolled my eyes again to him. Kitang kita ko ang pagtitimpi niya sa ginagawa ko sakanya. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi sundin ang inutos ko sakanya. Kung sana ay naging ganito na ako ka hard sa kanya edi siguro sana wala akong nararamdaman sakanya! Hindi naman ako tanga para di malaman na unti unti na akong nahuhulog sakanya. Pero sa tingin ko ay kailangan ko na itong pigilan pa habang maaga pa. This is not healthy for me. I bet, masasaktan lamang ako sa huli kapag ka pinagpatuloy ko pa ito.
"Kumain ka na ba?" Pambasag niya sa katahimikan naming dalawa. Naka red light kaya hininto niya ang sasakyan bago ako binalingan ng tingin.
"Busog pa ako." Sabi ko. Tumaas ang kilay niya ng narinig ang pagtunog ng tiyan ko. Wrong timing !
Inandar na niya ang sasakyan. Nag drive thru siya sa mc Donald's. He ordered chicken. Burger, coke, French fries, and spaghetti. Binigay niya saakin iyon. Pinakatitigan ko lamang iyon ng ilang sandali.
"Eat. Ayaw kong nagugutom ka." Sabi niya ng di nakatingin saakin. Kinuha ko nalang ang mga pagkain at sinimulan na itong lantakan. Napatingin ako sakanya habang siya ay pagod na nakatoon sa daan ang buong atensyon. Bakit ganon? Wala namang special sa sinabi niya pero parang naging sweet ng sinabi niya saakin.
Kinain ko nalang ang binili niya total nagugutom din naman ako.
"That's not the way to la Ventura's Village." Sabi ko sakanya ng napansin na mali na ang daang dinaanan namin. Nagdilim ang mukha niya dahil sa binanggit ko. Humigpit ang hawak niya sa manebela. Nag U-turn siya at tinahak ang shortcut papunta sa village. Napalunok ako ng naramdaman ko ang kakaibang awrang bumabalot sakanya. Nakakatakot siya. Tahimik lamang siya at di nagsasalita kaya natatakot ako.
Oh my! Please speak what's on your mind Henrik!
"Are you h-hungry?" Tanong ko para naman gumaan ang atmosphere naming dalawa. Sahalip na sagutin ang tanong ko ay pinukol niya lamang ako ng masamang tingin. What the hell was that for? What did I do something wrong that makes him pissed that much?
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate namin. Nakatingin lamang ako sakanya habang siya ay nababalutan parin ng kakaibang enerhiya sa palagay ko.
BINABASA MO ANG
✔️Under Arrest BOOK 1 (Dela Conde No. 1)
General Fiction@AquiraWP Dela Conde Series no. 1 Book 1 He was chosen, but never her priority. (Photo not mine, credits to the rightful owner.) Rank #236 in action -12-14-16- SYNOPSIS "Arestado ka, sa simbahan ka na magpaliwanag"-Henrik Lawrence Dela Conde Po...