CHAPTER 2

75 3 0
                                    

Celine's POV

Galit na galit na sumugod sa akin si Drake at hinawakan ako sa kwelyo saka nagsalita sa mukha ko. "Galawin mo na ang lahat wag lang si Rhea!!"ramdam ko ang nginig ng kamay nya sa sobrang galit kaya hindi ako makatingin sa mga mata nya na wari mo'y nagliliyab sa sobrang galit ayokong tumingin sa mga mata nya dahil baka hindi ko makaya at umiyak ako...simula noon hindi pa ako umiiyak muli.

"TINGNAN MOKO!!"sigaw nya sakin sinubukan kong tumingin pero hindi ko nagawa...sa ngayon hindi ko sya magawang tingnan ng diretso sa mata, masakit syang tumingin parang papatayin nya ako dahil sinaktan ko si Rhea at ayoko ng mga tingin na yon masyadong masakit sa parte ko. Lumunok ako sandali bago nagsalita habang nakatingin sa ibang direksyon "Bantayan mo ang girlfriend mo.. malay mo niloloko ka pala" mahinang sabi ko pero sapat na para marinig dahilan para matigilan sya. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay nya at pilit inalis yun sa kwelyo ko binalingan ko ng tingin si Rhea na umiiyak parin.

"Ayoko ng makita yang pagmumukha mo dito!! Subukan mo pa ulit saktan si Rhea ako ang makakalaban mo!! Baka makalimutan kong babae ka at masaktan kita!" Hindi ko kinaya ang mga salitang binitawan nya.. masyadong masakit lalo na yung huling sinabi nya. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanila ... sa kanya

Baka makalimutan kong babae ka at masaktan kita!

Baka makalimutan kong babae ka at masaktan kita!

Baka makalimutan kong babae ka at masaktan kita!

Baka makalimutan kong babae ka at masaktan kita!

That line keeps on repeating on my mind.. nasaktan mo na ako... you already did Drake... you already did.. at wala ka manlang kaalam alam na nasasaktan mo na ako ng sobra.

Wala akong maramamdaman sa oras na to kundi sakit yung puso ko parang unti-unting nabibiyak at nadudurog. Bakit ganoon nalamang syang magsalita?? parang alam nya lahat ng nangyari..bakit ang dali para sa kanyang ipagtanggol yung babaeng yon? Ganoon ba talaga nya kamahal si Rhea? Siguro nga tama ako.. yung picture.. si Rhea yung babae sa picture..yun ang minahal nya hindi yung pagkatao ko.

Nakatungo akong naglakad palabas ng school nang biglang may humila sa braso ko paharap sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit parang nagslow motion ang lahat dahil sa ginawa nya mariin akong napapikit ramdam na ramdam ko mula sa yakap nya na safe ako...nandyan sya para saluhin at protektahan ako. Muling bumalik sa alaala ko yung yung nangyari nong nakaraan lang.

Flashback

Walang klase ngayon may program daw eh kaya pumunta nalang ako sa locker ko hindi ako intresado sa program na yon panigurado aantokin lang ako makikibalita nalang ako kay Jannica kinuha ko yung mga notes ko magbabasa nalang ako ng notes ko incase magquiz edi ready  ako.
biglang may dumating na babae papunta sa locker niya si Dana pala napansin naman niya ako agad.

"Oh Celine hindi ka ba pupunta sa program?nagiistart na ah " sabi niya at may kinuhang notebook sa bag at inilagay sa locker nya kaklse ko kase sya sa ibang minor subjects.

"Okay,susunod nalang ako. She nodded at umalis na inayos ko nalang yung mga notebooks ko at isinilid sa bag sa bahay nalang ako magbabasa tutal after the program awas na.

Pagpasok ko sa entrance ng gym lumakad lakad ako para hanapin si Jannica ang dami kaseng students at ang ingay ~___~ kaya ayoko sa mga crowded place eh panigurado maingay then suddenly biglang may humigit sakin aisshh at papasok sa backstage to ahh.. o_O

The Great PretendersWhere stories live. Discover now