Janicca's POV
"Kim..." tawag ko sa kanya kaya napalingon sya.
"Janicca..." parang hindi pa sya makapaniwala at nakita nya ako dito.
Nginitian ko sya
"What are you doing here?" takang tanong nya. Lumakad sya palapit sakin.
Gabi na siguro nga'y nakapagtataka na nandito pa ako sa parking lot.
"Hinihintay kasi kita..."sabi ko sabay tungo. Hindi sya umimik lumapit sya sakin at kinuha ang mga gamit ni Celine.
"Nasan si Celine? Halika ihahatid na kita" sabi nya at lumakad na papunta sa kotse nya sumunod naman ako.
"Nasa bahay na si Celine."sabi ko.
"I see.. so let's go late na baka hinahanap kana nya" hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan papunta sa passenger seat.
Nagsimula na syang magdrive. Tahimik lang sya at sersyosong nagmamaneho.
"Kim...Do yo really love my bestfriend?" halatang hindi nya inaasahan ang biglaang pagtatanong ko dahil hindi agad sya sumagot.
Nanatili lang syang walang imik at seryoso hindi ko matagalan ang katahimikang iyon.
"Ilang taon kana bang umaasa Kim?"
"Hinintay mo ba ako para lang itanong sakin ang mga yan?" seryosong tanong nya pero hindi ko iyon pinansin.
"She can't love you back" diretsong sabi ko.
~EEENNNNKKKK~
Dahilan ng malakas nyang pagpreno at nahinto ang sasakyan.
Napasinghap ako sa gulat. Tiningnan ko sya at nakatitig lang sya sa unahan ng kotse habang nakahawak ang isang kamay sa manibela. Nakikita mula sa liwanag galing sa poste ng ilaw sa kalye ang naluluha nyang mga mata.
"Tutal sinimulan mo na rin lang... sige sasagutin ko ang tanong mo para matahimik ka..." liningon nya ako tumingin sya sa mata ko ng diretso "Yes...I love her and yes she can't love me back..." sabi nya habang nakatingin lang sa mga mata ko. "But atleast I love the right person... kaya ko pang maghintay para sa pagmamahal nya aasa ako hanggang sa mapagod ako. Kaya nyang magmahal ng totoo. Co'z Celine is better than you" nginitian ko lang sya para ipakita na hindi ako apektado sa sinabi nya.
Kahit sa totoo lang masakit...
Sobrang sakit
Kaya ko ding mag mahal ng totoo Kim...
"Siguro nga hindi ko na mababago ang katotohanang mas higit sya sakin...para sayo. Sabi mo sakin noon hindi mo ako kayang mahalin tss..."napangisi ako bago magsalita "matangal ko ng tinanggap na kailanman hindi mo ako mamahalin eh ikaw? Kailan mo matatanggap na hindi ka rin nya kayang mahalin?"sarkastikong sabi ko habang nakatingin parin sa kanya.
Pilit syang ngumiti at napasandal sa driver seat "Tch. hindi ko alam na ganito pala nag magiging usapan natin" napahigpit ang hawak ko sa envelope na hawak ko at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Nagsimula na ulit syang magdrive at hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa apartment. Kinuha ko ang mga gamit ko pati narin yung kay Celine pero bago ako bumaba ibinigay ko na sa kanya yung envelope na kanina ko pang gustong ibigay.
YOU ARE READING
The Great Pretenders
FanfictionEverything was unexpected. Until things got complicated. You were the right person but, the struggles we are facing are intoxicating destroying us like a poison. We met at the wrong time. Our fate depicting a parallel line. We can never have that so...