Drake's POV
"Are you out of your mind?!!"singhal ko sa kanya.
Nasa labas kami ng Dean's Office. Hinihintay lang namin si Celine at yung lalaking kasama nya. Para mapag usapan yung gulong nangyari.
Kahit ako ay hindi makapaniwala sa mga nakita ko. Maliwanag ang mga nakita ko na sya ang may pagkaka mali.
"H-hon... she provoked me...maniwala ka naman. Sya ang nauna."
"She provoked you?!!!Rhea! Paano mo ipapaliwanag sa akin yung nakita ko???"pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Ayokong sigawan sya dahil baka matakot sya. Naihilamos ko nalang ang mga palad ko sa mukha ko.
Bakit kasi hindi pa nya aminin na sya ang nagsimula ng away.
"Oo na, kasalanan ko..." napatigin ako sa kanya.
"Aamin ka rin pala. Nagsinungaling kapa at ipinipilit mong sya ang nauna!"inis na sabi ko sa kanya.
Naiinis ako dahil nagsinungaling sya. At hindi ko inakala na magagawa nyang magsinungaling dahil hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Sa loob ng halos tatlong taon ay akala ko kilalang kilala ko na sya.
Inis akong naupo sa waiting area ng Dean's Office.
Naiinis ako sa kanya...
Napatingin ako sa kanya ng marinig ko syang umiiyak. Tatlong upuan ang layo nya sa akin.
Nakonsensya ako. Pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng pag iyak nya.
Agad ko syang nilapitan at niyakap pero pilit syang pumipiglas ayaw nyang magpayakap at patuloy lang sya sa pag iyak.
"S-sorry...sshhh...I'm sorry"niyakap ko sya ng mahigpit at inalo para tumahan.
Medyo kumalma na sya at humiwalay sa yakap. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya. Pilit nyang iniiwas ang mukha nya sa akin. Pero pilit ko din syang pinahaharap sa akin.
"Honnn.. sorry na... naiinis lang ako dahil nagsinungaling ka... okay lang sana kung sinabi mo nalang yung totoo eh kaso nagsinungaling ka. Alam mo namang ayaw ko ng ganon diba?"pilit ko syang kinukumbinsi dahil ayoko ng nag-aaway kami.
"Nagseselos ako"tumingin sya sa akin saka tumungo at nagsalita ulit. "Nakita ko kayo kaninang umaga na magkasama."
"S-sorry... pero wala lang yon nag usap lang kami."hinawakan ko ang dalawang kamay nya at pinisil pisil yon.
Please maniwala ka...
"Okay...I'm sorry din." At niyakap nya ko.
Para akong nabunutan ng tinik. Okay na kami hayyysss.
Napatingin kami ni Rhea noong bumukas ang pinto ng Dean's Office.
"Mr. Marquinez, may tumawag po pinapasabi na hindi na daw po sila magcocomplain sa nangyaring gulo kanina."sabi ni Ms. Jane secretary ni Tito Charles ang Dean ng university. Kapatid sya ng Papa ko at sya ang pinagkakatiwalaan ni Papa sa pamamalakad ng University.
"Okay po. Salamat" pagkasabi ko noon ay umalis na kami ni Rhea inihatid ko sya sa room nya tutal ay nagluch na sya.
Mabuti naman at okay na kami. Akala ko talaga ay magkakagalit kami ng matagal.
Kamusta na kaya sya?..
Argh.. bakit bigla syang sumulpot sa isipan ko. Nababaliw na talaga ako.
Baliw kana Drake.
Pero hindi ko inaasahang bigla ko syang makikita...I mean sila!!
Magkaano ano ba sila??
YOU ARE READING
The Great Pretenders
FanfictionEverything was unexpected. Until things got complicated. You were the right person but, the struggles we are facing are intoxicating destroying us like a poison. We met at the wrong time. Our fate depicting a parallel line. We can never have that so...