CHAPTER 25

31 0 0
                                    

Celine's POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, sobrang sakit ng ulo ko at nanlalabo ang paningin ko. Nang tangkain kong gumalaw ay doon ko na naramdaman ang sakit ng katawan ko . Gusto kong sumigaw sa sakit na nararamdaman ko pero nawawalan ako ng lakas. Ibinaling ko ang paningin ko sa passenger seat at halos manlambot ako ng makita ko si ate na na walang malay at halos maligo sa sariling dugo.

"A-ate" walang lakas na usal ko.

"Ate!" Paulit-ulit kong syang tinatawag pero wala akong makuhang sagot.

Hinang hina at umiiyak kong kinuha ang phone ko I need to do something!
at nagsimulang mag dial ng numero, duon na ko nagsimulang matakot at umiyak.

Pinilit kong igalaw ang kaliwang paa ko na naipit. Kahit hirap na hirap ay pinilit kong makalabas ng sasakyan. Agad kong binuksan ang pinto ng passenger seat at sinubukang mailabas si ate sa loob ng sasakyan.

"Help!!! pleaseee" sigaw ko at umaasang may makakarinig at tutulong samin. "Please... tulungan nyo kami!" Halos mapuno na ng dugo ang suot nyang bistida. Wala akong magawa kundi ang umiyak at sumigaw ng tulong.

"Ate...ate" tinapik tapik ko ang pisngi nya. At hindi naman ako nabigo dahil nagkaroon sya ng malay. "Don't close your eyes ate jebal...jebal!!" natatakot ako na baka sa oras na ipikit nya ang mga mata nya ay mawala sya sakin. Natatakot ako sa maaaring mangyari.
Halos madurog naman ang puso ko ng ngumiti sya sakin at kasabay non ang pagtulo ng luha nya.

Wag please! Hold on please!

Biglang humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko at hirap na hirap na bumigkas. Halos walang tigil ang mga mata ko sa pagluha.

"C-celine.." lalo akong napahagulhol ng tawagin nya ako sa pangalang iyon. Ang pangalan na sya lang ang kaisa isang tao na tumatawag sakin non.

"P-pleasee a-ate..don't close your eyes!"

"D-don't cry baby. P-promise me," hirap na usal nya habang nakatingin sa mga mata ko. Tanging isang tango lang ang naisagot ko.

God please!

Wala na akong nagawa kundi ang yakapin sya dahil pakiramdam ko anytime kahit ako ay mawawalan na rin ng lakas.  Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko "A-ate...a-te I'm scared don't leave me please ate...please" patuloy parin ako sa pagiyak Diyos ko panginoon wag sya.

"Shhh. B-baby...ayokong umiiyak ka" nakangiting usal nya at napatango ako.

Hindi ko mapigil ang pag iyak dahil sa sinasabi nya. Ayoko...hindi pa ako handa parang binibiyak ang puso ko sa sinasabi nya.

"I will ate. I will do it just stay...please wag mo kong iiwan" tuloy tuloy ang luhang sabi ko. Pero tanging ngiti lang ang nagiging ganti nya sakin.

"Just hold my hand until... I close my eyes..." tila hindi rumihistro sa utak ko ang kahilingan nyang yon. Masyadong mabigat at hindi ko matanggap.

No...

"Mahal na mahal kita..." pahina ng pahinang sabi nya at naramdaman ko ang paggaan ng pagkakahawak nya sa pisngi ko at pagbagsak nito...no...

"A-ate..." pinagmasdan ko kung paano bumibigat ang talukap ng mga mata nya. Hindi... Halos wala na akong maiusal na salita dahil parang kahit yon ay hindi ko makayanang makita. No.. not her... Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak hanggang sa magsara ang mga mata nya. Pakiramdam ko ay napakalupit ng mundo para mangyari to samin. Bumibigat ang pakiramdam ko at nauubos ang enerhiya ko sa katawan. Unti-unting lumabo ang paningin ko at bigla nalang akong nawalan ng malay...

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Great PretendersWhere stories live. Discover now