Drake's POV
Wala akong maramdaman sa ngayon kundi galit! Hindi ko nakita ang buong pangyayari pero ang makita si Rhea na walang malay sa hospital bed ay sadyang hindi ko matanggap. Yung pagmamahal ko kay Celine... sa isang iglap ay napalitan lahat ng galit. Maaaring hindi ko nga alam ang dahilan nya kung bakit nya nagawang saktan si Rhea. Pero kahit anong dahilan nya! Hindi yon sapat para manakit sya! Siguraduhin lang nya na maganda ang dahilan nya kundi baka kung ano ang magawa ko sa kanya.
Baka makalimutan kong mahal ko pala sya!
Nagawa na nya akong saktan ng paulit ulit at hindi ko maintindihan kung bakit pa nya to ginagawa, kung ano ba ang dahilan nya. Pero isa lang ang gusto ko, hindi ko hahayaang mawala si Rhea nang dahil sa kanya. Hindi ko na hahayaan pang mawala ang kaisa isang taong kaya akong mahalin.
Aaminin kong nagalit ako sa ginawa nyang pananakit sakin, dahil pinaasa nya ako na maaaring maging kami. Ipinaramdam nya na mahal nya ako.
Nagawa na nya akong kalimutan noon... ipinaglaban ko sya pero binaliwala lang nya, binaliwala nya ako na parang hindi ako naging parte ng buhay nya. Sa kabila ng lahat ng ginawa nya noon hindi ko nakuhang magalit dahil mahal ko sya. Pero hindi ko na mapapalampas ang ginawa nya ngayon.
Mas nasaktan nya ako ngayon ng sobra sobra...
"Hindi ko sya mapapatawad kapag may masamang nangyari kay Rhea!" wala sa sariling naibulalas ko sa loob ng kotse ni Fritz.
"Drake huminahon ka, h'wag mong paiiralin ang init ng ulo mo okay? Mas maigi kung tatanungin natin si Celine kung ano ba talaga ang nangyari." Sigaw sakin ni Fritz habang nagmamaneho papunta sa ospital ng University namin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko pero sobra talaga akong nagaalala at hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko.
Pagdating sa ospital ay patakbo akong pumunta sa ER at nakita ko naman si Rhea na nakahiga sa hospital bed na wala paring malay. May sugat sya sa noo na ngayon ay may benda na.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na sana ako lumapit kay Celine... kung umiwas nalang sana ako hidi to mangyayari.
Sorry Rhea...
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Drake" nag-aalalanag tawag sakin ni Fritz at hinawakan pa ako sa balikat.
"Ano ba ang nangyari?" tanong nya sakin.
Muli ko ulit naramdaman ang galit ko kay Celine.
"May nakakita na inaway sya ni Celine akala nila ay maliit na away lang pero bigla nalang daw itinulak ni Celine si Rhea sa hagdan." nanggagaliiting sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.
"Ano!? nagawa nya yon?!" hindi makapaniwalang tanong nya.
"Napakahayop nya!" galit na tonong sabi ko, lalabas na sana ako ng ER ng biglang magtama ang paningin namin ni Janicca.
Galit na galit na natumingin sya sakin "Ang kapal ng mukha mong magpakita pa dito!" galit na sabi nya pero hindi ako kumibo, namumula ang mga mata nya at parang galing sa matindig pag iyak may mga mantsa rin ng dugo ang damit nya. Unang una sa lahat hindi ko maintindihan kung bakit sya nagagalit sakin gayong ako dapat ang makaramdam non.
"Jannica..." si Fritz. Lumapit sya kay Janicca at hinawakan ang magkabilang balikat na parang kinakalma.
"Ano nangyari? Bakit ka nandito sa ospital?" nag-aalang tanong ni Fritz sa kanya.
"Tss bakit hindi mo itanong sa magaling na Rhea na yon!!!" Nangggagalaiting sabi nya habang nakatingin sakin. Galit na galit sya at hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit na yon!
YOU ARE READING
The Great Pretenders
FanfictionEverything was unexpected. Until things got complicated. You were the right person but, the struggles we are facing are intoxicating destroying us like a poison. We met at the wrong time. Our fate depicting a parallel line. We can never have that so...