Edward's POV
"Are you sure about this? Masisiguro mo ba na hindi malulugi ang pera ko?" muli syang sumimsim ng alak at matamang tumingin sakin.
"Of course Mr. Sy wala kapa bang tiwala sakin?" pabirong wika ko, nakita ko ang bahagyang pataas ng gilid ng labi nya saka tumingin ng diretso sakin.
"May tiwala ako sayo hijo... pero baguhan ka palang hindi tayo nakasisiguro. Maraming negosyante ang pwedeng sumira sayo dahil gumagawa kana ng pangalan sa industriya ng negosyo. Isa kang malaking banta sa kanila" hindi ko napigilang matawa ng mahina sa sinabi nya.
Sa bilis ng pagangat ng pangalan ko sa negosyo, marami ng nakikipagkompitensya sakin... maraming galit at may ilan ding natututuwa. Ang ilan sa kanila ay gusto akong pabagsakin agad. Pero wala akong oras para itigil ang ginagawa ko. Kailangan ko itong gawin para maibangon kong muli ang Perez Empire. Kailangan kong maibalik ang lahat ng nawala samin.
"Well let's close the deal." Agad naman nya akong nginitian. Pinirmahan nya ang kontrata at iniabot sakin. Tumayo ako at nakipagkamay sa kanya. Bumalik na ako sa hotel at kinuha ang mga gamit ko. Kailangan ko ng bumalik sa Laguna.
Ringgg... Ringg..
Kinuha ko ang cell phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pagkakita ko palang kung sino ang tumatawag ay inioff ko na agad ito para hindi na nya ako ma-contact.
"Mang Rene, malapit na ba tayo?" Inaantok pang tanong ko. Kakagising ko lang, nakatulog na pala ako sa byahe at napansin kong madilim na ang paligid kaya napagtanto kong gabi na.
"Opo sir, within 30 mins. nasa bahay na po tayo. Dadaan po ba tayo kay ma'am Celine?"
"Sige, dumaan muna po tayo. Ibibigay ko din po kase ang pasalubong ko sa kanya." Paniguradong matutuwa sya kapag nakita nya tong pasalubong ko.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng jacket ko at binuksan iyon. Pagkabukas na pagkabukas ko palang ay sunod sunod na text at missed calls galing kay Janicca ang nakita ko. Bigla akong kinabahan at pakiramdam ko ay may nangyaring hindi maganda. Kaya agad ko sya'ng tinawagan.
Celine's POV
"Ano bang oras ang simula? ha!?" malakas na tanong ni Janicca. Nagtinginan tuloy ang ilang estudyante na kumakain ng breakfast sa canteen.
d-__-b
"Tss... katabi mo lang ako wag kang sumigaw! 9am ang simula balita ko wala ng klase hanggang hapon kaya after ng ceremony pwede na tayong umuwi agad." Nangungunsinti at kalmadong tugon ko, pinagtaasan naman nya ako ng kilay.
"At ano namang gagawin mo sa bahay bakit uuwi ka agad ha?!" napatakip ako ng tenga. Lintik oh hindi masabihan!
"Wala ka ng pakielam kung anong gagawin ko sa bahay! Dalhin mo nalang to sa locker ko!" Iniabot ko sa kanya ang bag ko at mabilis na tumayo at lumakad palayo sa kanya.
Aangal pa kase!
Dumiretso ako sa quadrangle at nakita kong malapit ng matapos ang pagseset-up nila ng stage. Nakahanay na rin ang mga monoblock chairs. Naroon na rin ang mga silya sa baba ng stage na magaganda ang istilo at sa tingin ko ay iyon ang upuan na nakalaan para sa mga bisita. Pumunta ako sa tent na nagsisilbing backstage at naabutan ko si Sir Rem kasama ang iba pang mga council students na abala rin sa pagaasikaso ng program. Naupo ako sa isang monoblock at inabot ang gitara na nasa lamesa. Habang nagsstrum ay pumasok si Drake kaya natigilan ako sa ginagawa ko. Seryosong seryoso ang mukha nya at kapansin pansin ang pasa sa bandang gilid ng labi.
YOU ARE READING
The Great Pretenders
FanfictionEverything was unexpected. Until things got complicated. You were the right person but, the struggles we are facing are intoxicating destroying us like a poison. We met at the wrong time. Our fate depicting a parallel line. We can never have that so...