CHAPTER 21

28 1 0
                                    

Kim's POV

"Wala ka na bang naiwan?" tanong ni Mommy habang inilalagay ko sa compartment ng kotse ang mga gamit ko.

"Wala na po, tatawag nalang po ako palagi sa inyo para mangamusta" ayoko sanang malayo sa pamilya ko pero marami akong dapat asikasuhin sa Korea. Gusto kong malaman ang dahilan ng aksidente ni Celine noon. Ito din ang kailangan kong gawin dahil sa oras na gumising si Celine, hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya.

Paano ko ipapaliwanag ang paglilihim ko sa kanya tungkol kay Drake? Na pilit ko silang pinaglayo ko.

Paano ko ipapaliwanag na si Drake ang anak ng taong kinasusuklaman nya?

Masyado na siguro akong makasarili dahil wala akong inisip kundi ang sarili ko. Hahanap nalang siguro ako ng dahilan para bumalik dito.

Kung magkakaroon pa ako ng dahilan?

"Mag-iingat ka palagi do'n. Tatawagan mo ako bago ka matulog at kung maaari ay umuwi ka dito kapag may okasyon." konti nalang ay maiiyak na sya habang nagsasalita, ngayon palang kasi ako malalayo sa pamilya ko. Hindi na nga namin na icelebrate ang birthday nya dahil sa mga nangyari.

"Mom, h'wag kang bibisita sa ospital ha. Alam mo namang hindi alam ni Celine diba?" pakiusap ko.

"Kahit gustong gusto ko syang bisitahin alam kong hindi pwede. Pero sana pagdating mo sa Korea bisitahin mo ang taong tumulong sayo, napakalaki ng utang na loob natin sa kanya at sa pamilya ni Celine" napabuntong hininga ako sa sinabi nang aking ina.

"Mom, kagabi nyo pa yan sinasabi sakin eh." nauubos ang pasensyang sabi ko.

Hayyy... kulit talaga ni Mommy, kung tutuusin pwede naman nya akong bisitahin don eh.

"Oo, pinapaalala ko lang sayo baka makalimutan mo." Hindi nalang ako sumagot at hinalikan sya sa pisngi.

"Sige Mom, aalis na po ako"

Sumakay ako sa kotse at sinabi ko sa driver namin na dumaan muna sa SubWay. Hindi naman kalayuan ang cafe na yon kaya nakarating kami agad. Ito ang tambayan namin nina Fritz at Drake nasa 3rd year high school palang kami. Dito nabuo ang pagkakaibigan naming tatlo. Madalas kami rito, kung mainsan ay magkakape lang at magkukwentuhan.
Pero dumalang na ang pagpunta namin dito dahil noong pumunta si Celine dito ay napalayo ako sa kanila. Nalaman ko na nandito sya para kay Drake. Sa takot ko na magkita ulit sila ay binantayan ko si Celine at Drake, siniguro ko na hindi sila maguusap o magkakalapit.

Ayokong maalala pa nya ulit ang nakaraan nya. Dahil baka malaman nya na ama ni Drake ang doktor na kinagagalitan nya. Ayoko nang makita ulit syang nahihirapan at napapagod mabuhay. Nakita ko na kung paano sya nasaktan at naging miserable noong mawala ang ate nya kaya ayoko na ulit yung maulit. Pero mukhang imposible ang gusto ko dahil baka paggising nya ay maalala na nya ang lahat. Natatakot ako sa maaring mangyari paggising nya.

"Good evening sir." bati sakin ng guard, tinanguan ko lang sya at nagtungo sa bakanteng table.

Siguro naman ay pupunta sya.

Hindi nga ako nagkamali, pagkaparada palang ng kotse nya sa harap ng cafe pero ipinagtaka ko ang pagmamadali nya mula sa paglabas ng kotse at pagpasok.

"Akala ko ay hindi ka sisipot sa usapan" nangingiting sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Diretsohin mo nga ako! Bakit hindi mo ipinaalam sakin na naaksidente si Celine noon?!!!" bigla nalang nya kong kinwelyohan, parang wala syang pakielam na may mga taong nakatingin samin.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Paano ko sasabihin sa kan'ya lahat kung wala pa nga akong sinasabi ay galit na sya?

The Great PretendersWhere stories live. Discover now