Janicca's POV
Dean's Office
"Ikaw ang nagdala sa kanya sa ospital, paano'ng hindi mo alam ang buong nangyari sa kanya!!" hindi na napigil ni Edward ang pagsigaw sa kapatid ni Rhea.
"Sitdown Mr. Perez!" maawtoridad na sabi ng Dean, sa pagkakaalam ko ay tito sya ni Drake at ang mas ikinatatakot ko ay baka malakas ang kapit ni Rhea sa school na to dahil boyfriend nya ang may ari ng school.
Kinutuban na ako na may kinalaman talaga ang babaeng yon sa nangyari kay Celine at ni minsan hindi pa ako pumalya sa mga kutob ko!
Tumingin pa muna ang Dean sa amin bago nagsalita.
"I can't believe this!" nasapo nya ang sariling noo. "Ano nala'ng ang sasabihin ng mga magulang ng mga involve sa incident na 'to?" napatungo si Drake sa sinabi ng kanyang tito. "Mr. Psyde Carlos, how are you related to Miss Santos?"
"She's my... step sister Dean" napatingin akonkay Psyde na nakatungo lang sa sahig.
Step sister??
"I see... tatanungin muli kita hijo, hindi mo ba talaga alam ang buong pangyayari??" muli'ng tanong ni Dean sa kanya at umiling lang ito.
"Okay, we don't have a choice kun'di panoorin ang CCTV. Alam mo bang nakakarating lahat sakin ang ginagawang pambubuyo ng kapatid mo dahil nagkalat ang CCTV sa buong campus?" malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dean saka nagpatuloy muli. "At maaari syang mapatalsik sa Unibersidad na ito kung sakali'ng may kinalaman sya sa insidenteng ito."
"P-pero tito..." matalim kong tiningnan si Drake. Mukhang ayaw pa nya'ng mapatalsik ang impostorang yon sa school na to! Kahit pa muntik ng makapatay!! "Imposibleng may kinalaman si Rhea sa aksidenteng nangyari kay Celine! Sa katunayan si Celine daw ang tumulak kay Rhea sa hagdan! kaya sya naospital ngayon."
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya! Paano nya nagagawang sabihin ang mga yan ng walang kahirap hirap! "At talagang naniniwala kang magagawa ni Celine yon?!!!" sigaw ko kay Drake akmang lalapitan ko sya ng hawakan ako ni Edward para pigilan.
"Tss... ikaw nga d'yan ang walang ginawa kun'di pagbintanggan si Rhea! Bakit? nan'doon kaba nung mahulog si Celine sa hagdan, at siguradong sigurado kang kagagawan lahat to ni Rhea?!!" sigaw nya rin sakin.
"Ako, kilalang kilala ko na si Celine at nasisiguro kong hindi nya gagawin yang ibinibintag mo. Ikaw? kilalang kilala mo na ba talaga si Rhea para ipagtanggol mo sya ng ganyan?" sandali sya'ng natigilan, mukha'ng naubusan sya ng sasabihin dahil hindi na nya ako nasagot.
"Marami kang hindi alam! Mas mabuti kung mag-iingat ka sa mga sinasabi mo." walang anu-ano'y lumabas ako ng opisinang iyon at naglakad papunta soccer field.
Baka kung ano pa ang magawa ko kapag hindi pa ako umalis sa lugar na 'yon!
Napapailing ako'ng naupo sa damuhan at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Kung hindi ko napigil ang sarili ko ay masasabi ko sa kanya ang tunay na kalagayan ni Celine. At ang tungkol sa impostora nyang girlfriend, para lang matauhan sya at malaman nya'ng mas kailangan sya ni Celine ngayon.
"Bakit bigla ka'ng umalis" hindi na ako nagabala pang tingnan ang may ari ng tinig na 'yon. Agad sya'ng naupo sa tabi ko at inabutan ako ng bottled water.
"Thanks" sabi ko at agad ko rin iyong ininom.
"Balak ko ng sabihin sa kanya ang totoo..." napalunok ako dahil hindi ko inaasahang sasabihin nya talaga yon.
"Bestfriend kita dati... siguro naman pwede kita'ng sabihan ng sikreto ngayon." bahagya pa syang natawa habang nagsasalita. "Balak ko'ng umalis pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat. Ito na siguro yung pinakamabuting bagay na magagawa ko sa buong buhay ko, kaya gusto ko ng gawin ang bagay na dapat matagal ko ng ginawa" unti-unti ko'ng naramdaman ang pamamasa ng mga mata ko. "Baka kapag... hindi pa ako lumayo mas lalong lumala ang sitwasyon."
YOU ARE READING
The Great Pretenders
FanfictionEverything was unexpected. Until things got complicated. You were the right person but, the struggles we are facing are intoxicating destroying us like a poison. We met at the wrong time. Our fate depicting a parallel line. We can never have that so...