CHAPTER 9

36 1 0
                                    

Nakatitig lang ako sa envelope na binigay nya. Hindi ko iyon magawang buksan dahil pakiramdam ko ay hindi maganda ang laman non. Pero nandoon yung kagustuhan kong makita ang nilalaman non.

Sa tingin ko ay may alam na sya sa nangyari sakin noon kaya ganon na  lamang ang iniasta nya sakin kanina. Kinakain ako ng konsensya ko dahil sa mga nasabi ko sa kanya. Alam kong nasaktan ko nanaman sya at naiinis ako dahil wala akong magawa. Ayoko namang ipakita sa kanya na may pagmamahal pa ako sa kanya dahil bilang kaiabigan lang naman ang pagmamahal na yon. Hindi ko kayang ibigay ang pagmamahal na hinihingi nya. Dahil si Celine lang talaga ang mahal ko. At hindi ko maimagine na magmamahal pa ako ng iba bukod sa kanya.

Inilapag ko ang envelope sa side table ko at nagbihis. Lumabas ako ng kwarto para kumain ng hapunan at nadatnan ko sina Mommy na nagaayos ng kakainin namin.

"Hai mom" bati ko sa mommy ko.

"Hello baby boy... how's school" tanong nya.

"Okay naman mom malapit na ang game namin kaya puro practice lagi kaming excuse sa klase." sabi ko at umupo na ako sa pwesto ko.

Nagkwentuhan lang kami ni mommy tungkol sa mga events na mangyayari sa school sabi nya panonoodin daw nya ako sa laro ko. Di rin nagtagal ay dumating na si Ate Kimberline at Daddy kaya nagsimula na kaming kumain.

Si mommy naman ay tinanong din si Ate kung kamusta na ang pagaaral nya at ayos naman daw. Si ate ay 3rd year college sa Marquinez Uni. Law ang kinukuha nya. Engineering naman ako.

Si Daddy naman ay tahimik lang. Si daddy ay  hindi maimik pero napakabait. Puro lang din sya trabaho at tinutulungan sya ni mommy sa pagmamanage ng kompanya namin.

Kahit busy sila sa trabaho sinusunod nila ang schedule ng family time namin. Hindi sila nawawalan ng oras para samin ni ate dahil yun yung ipinangako nila samin.

Matapos kumain ay umakyat na din ako sa kwarto ko dahil gagawa pa ako ng mga assignments.

Alas nuebe sakto ay natapos ko na yung assignments ko at nasulat ko na yung mga lectures kanina. Dahil excuse ako ay marami akong hinahabol na lectures. Iniligpit ko na yung mga gamit ko. Pagkatapos ay dumiretso ako sa c.r para maligo. Pinatuyo ko muna yung buhok ko bago matulog.

Nakatitig lang ako sa kisame ng maalala ko bigla yung envelope na binigay sakin ni Janicca. Tumayo ako at kinuha iyon sa side table.

Bubuksan ko ba? tinanong ko ang sarili ko.

Bumuntong hininga muna ako bago iyon buksan at pagkabukas ko ay hindi ako nagkamali... hindi na ako nagulat na alam na nya. Alam ko na darating ang araw na malalaman at malalaman din nya ito.

Medical records...

Pictures...

Ang ipinagtataka ko lang ay paano nya ito nalaman?

Natatakot ako na baka malaman ni Celine.

Drake's POV

Maaga ulit akong pumasok dahil may practice kami ng basket ball. Pagkatapos naming magpractice ay dumiretso kami sa coffee shop para magalmusal. Kasama ko sina Fritz at Kim.

Si Fritz dumaldal nanaman ng dumaldal. Hindi ko nalang iniintindi ang mga sinasabi nya tango nalang ako ng tango. Si Kim naman ay nakaearphones sa tingin ko ay naririndi na rin sya kay Fritz.

"Pwede ba Fritz tumahimik ka naman kahit saglit nakakarindi kana eh!" kakamot kamot naman sya ng ulo at nakanguso pa. Tumingin si Kim kay Fritz at tinanggal ang earphones tsaka nagsimulang kumain.

"Kim...malapit na yung birthday ni Tita Vanessa. Invited ba kami?" tanong ko sa kanya. Habang kumakain ng sandwich.

Uminom sya ng tubig at saka sumagot.
Natatawa parin talaga ko kapag nakikita ko syang umiinom ng tubig. Dahil hindi daw sya nainom ng kape, gatas  o juice kaya tubig lang ang iniinom nya. Ang weird talaga.

The Great PretendersWhere stories live. Discover now