Janicca's POV
Kakatapos lang kumain ni Celine pero umakyat na agad sya sa kwarto nya. Siguro ay dahil sa sobrang pagod nya sa maghapon kaya sya ganon. Kung marunong lang sana akong magluto edi sana ako nalang ang nagluto ng dinner namin. Pero marunong naman talaga ako ang kaso hindi ako masarap magluto. Kakatapos ko lang maghugas ng mga pinggan at maglinis ng kusina kaya dumiretso agad ako sa salas para ituloy yung pinapanood kong koreanovela na Good Doctor. Ang cute ng bida kahit na may mental disability. Isa syang resident doctor at nangangarap na maging isang magaling na pediatrician. Gusto nyang makaipon ng pera para ibigay sa mga ampunan. Hahaha nakakaadik ang ganda talaga.
Tutok na tutok ako sa panonood ng biglang magvibrate ang cell phone ko.
BRIZZZKKK...BRRIIIIZZZKKK...
From: Baby Fritz
I'm on my way...Huh??? Anong I'm on my way??
d=_=b
Bahala sya sa buhay nya! Hindi ko alam ang sinasabi nya.
Inis kong iniitsa sa center table yung cell phone ko at bumalik sa panonood.
Arghh! Ano ba yan tapos na hindi ko napanood yung huli! Bwisit kase pangabala!!!
BEEEP... BEEEP...
Napatayo ako at pumunta sa bintana at sinilip kung sino ang nabusina. Teka sabi nya I'm on my way?? Ibig sabihin pupunta sya dito?? Teka ang bilis bilis naman nya ata?.
Pambihira oh!
Lumabas ako at pinuntahan sya. Nagulat ako ng bumaba sa kotse si K-kim?
"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya. Lumapit sya sakin at napahalukikip nalang ako.
"Gusto kitang makausap... tungkol sa mga nalaman mo" kaswal na sagot nya.
Napabuga ako ng hangin sa sinabi nya. Talagang yun ang ipinunta nya dito?.
"Yun ba?... Don't worry hindi ko sasabihin kay Celine lahat ng nalaman ko. Makakaalis kana" tumalikod nako at akmang lalakad na ng hawakan nya ang braso ko.
"Gusto kong malaman kung paano mo yun nalaman..." marahan kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko at hinarap sya.
"Kailangan ba talagang alam mo yon?"
"Nakapagtaka lang kase at nalaman mo ang pinakapribadong bagay sa buhay ko" sinserong usal nya.
"Nakita ko yung picture ng mommy ni Celine kasama ang family mo noong minsang pumunta ako sa inyo. Doon na ako nagduda at nalaman ko ang totoo" kalmadong tugon ko. "At kapansin pansin ang mga mata mo dahil...magkatulad kayo ni Celine"
Narinig ko syang bumuntong hininga bago magsalita. "Ipagkakatiwala ko sayo ang sikreto ko. Sana hindi makarating kay Celine. Ayokong magbago ang pakikitungo nya sakin. Please" tumingin ako sa mga mata nya na nakatingin din sakin at halos paiyak na.
"Pero hindi habang buhay ay maitatago mo sa kanya ang totoo... sana lumayo na kayo nung una palang" napasandal sya sa kotse nya.
"Mahal ko sya... ginagawa ko ang lahat para mailayo sya kay Drake. Sana naman maintindihan mo yon." malungkot na saad nya.
"Hinding hindi kita maiintindihan Kim. Dahil masyado kang maduming maglaro. Iniisip mo lang yang sarili mo" sabi ko ng may pagkainis.
"Janicca paano naging madumi kung ang gusto ko lang ay mapabuti sya at mailayo kay Drake? Hidi ako makasarili parehas lang nati syang pinoprotektahan sa nakaraan nya" frustrated na sabi nya.
YOU ARE READING
The Great Pretenders
FanfictionEverything was unexpected. Until things got complicated. You were the right person but, the struggles we are facing are intoxicating destroying us like a poison. We met at the wrong time. Our fate depicting a parallel line. We can never have that so...