Celine's POV
"Hahawakan ko muna ang kamay mo hanggang sa makatawid tayo ng tulay. H'wag kang magalala bibitawan ko rin agad"
Nagsimula na kaming maglakad sa tulay at wala akong nagawa kundi hawakan din ang kamay nya ng mahigpit. Kahit ayoko ay pumayag na akodahil natatakot ako pinilit kong h'wag matakot ng sobra dahil sobra na akong nahihiya sa kanya. Dahil sa mga nasabi ko kagabi.
Pagdating namin sa bungad ng garden ay nandoon na ang kotse nya. Sumakay sya ng kotse nya at ganoon din ako. Hindi nya ako pinagbuksan ng pinto pero wala akong dapat ireklamo dahil yung pagiging cold nya sakin ay kasalanan ko. Tahimik lang ang byahe at walang nagsasalita. Ibinaba nya ako sa tapat ng university at sabi nya ako nalang daw ang magpractice dahil alam na daw nya ang gagawin bukas.
Ramdam kong umiiwas sya sakin at hindi ko sya masisisi kung nagkaganon sya, mas mabuti yon.
Nagjeep ako pauwi sa apartment at naabutan ko si Janicca na nanonood ng t.v. Nginitian ko lang sya at dumiretso sa taas sa kwarto ko.Gusto kong magpahinga ngayon. Kailangan ko ng lakas para bukas lalo na at hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi sa villa ni Drake. Totoo nga ang lahat hindi yon panaginip. Sinabi nyang mahal nya ako simula pa noong nagkakilala kami sa Korea.
Ang natatandaan ko ay unang beses ko syang nakilala sa Gapyeoung French Town South Korea. Yun ang una at huling beses ko syang nakausap at nakilala sya ang nagpalakas ng loob ko.
Nakatulong sya sakin para makarecover sa nangyaring trahedya sa pamilya ko... sya ang dahilan kaya nandito ako sa Pilipinas. Hinanap ko sya dahil gusto ko ulit syang makita at mapasalamatan. Noong mga oras na yon ay parang lumiwanag ang mundo ko dahil nagtagpo ulit kami pero itinanggi nya na kilala nya ako at hindi daw nya ako nakita sa Korea.
Pakiramdam ko ay bigla ulit gumuho ang mundo ko.
Pero hindi ako sumuko gumawa ako ng paraan para magkalapit kami kaya naisip kong magposer. At hindi ko namalayang nahulog na ako sa kanya at nangyari lahat ng ito.
Noong sinabi nya na mahal na nya ako simula pa noong nasa Korea kami ay nabigla ako. Dahil minsan na nyang itinanggi na nakilala nya ako doon. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko din sya. Gusto kong sabihin na sana kami nalang. Gusto kong sabihin sa kanya na masaya ako dahil mahal nya rin ako.
Naghintay ako ng matagal para sabihin din nyang mahal nya ako. Pero ngayong nangyari na ang gusto ko saka naman hindi pwede.
Masyadong malupit ang mundo para samin.
Ang uri ng pagibig na mayroon kami ay walang lugar sa mundong ito.
Masyado ng komplikado.
Dahil hindi kami pwede...Hindi ako pwede sa kanya dahil nakatakda na akong ikasal sa bestfriend nya...
Si Kim ang para sakin...
Gusto kong maiyak sa katotohanan pero masyado na akong tanga para iyakan pa yon dahil walang magbabago. Kailangan kong tanggapin.
Noong dumating si Ej ibinalita nya sakin na babalik ako ng Korea pagkatapos ng sem at doon ipagpapatuloy ang pagaaral. Alam ng pamilya ko na si Drake ang ipinunta ko dito at sa tingin nila ay sapat na ang panahong iginugol ko dito para kay Drake at kailangan ko namang gawin ang responsibilidad ko bilang isang Cortez at nagiisang anak nila. Pero mas nabigla ako ng sabihin nyang bumagsak ang buong Empire ng mga Perez at nawalan ng bisa ang kasunduang ipakasal kami dahilan para si Kim ang pumalit sa kanya.
Hindi ako makapaniwala na kakilala ng pamilya ko si Kim at sobra ko iyong ipinagtaka. Nalaman ko rin mula kay Ej na si ate ang nakatakdang ipakasal kay Kim dahil sila ang ipinagkasundo para sa negosyo at pangako ng magulang ko sa magulang ni Kim noon. Pero dahil namatay si ate napunta sakin lahat ng responsibilidad nya.
YOU ARE READING
The Great Pretenders
FanfictionEverything was unexpected. Until things got complicated. You were the right person but, the struggles we are facing are intoxicating destroying us like a poison. We met at the wrong time. Our fate depicting a parallel line. We can never have that so...