CHAPTER 15

59 0 0
                                    

Celine's POV

Pagkatapos kong magshower ay sinuot ko na yung robe at lumabas ng c.r. Nakita ko naman agad yung damit na isusuot ko na nakalapag sa ibabaw ng kama.

Hindi ko talaga inaasahan lahat ng nangyari kanina. Para akong bumalik sa pagkabata dahil nanumbalik lahat ng alaalang yon.

Ganoon parin ang takot na naramdaman ko.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Napakadaming baitang ng hagdan ang bahay na ito naiinis talaga ako sa bahay na may hagdan.

Masakit sa paa!!

d>_<b

Pumunta ako sa kusina dahil nagbabakasakali ako na makikita ko si Drake. Pumunta ako sa salas, pool area, dining pero hindi ko sya makita. Kaya naisip kong maglakad lakad muna sa labas ng bahay baka sakaling makita ko sya.

Pagkalabas ko palang ng pinto ay hindi ko talaga mapigilang mapangiti. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa Korea. Lumakad ako papunta sa garden mula dito sa kinatatayuan ko ay tinanaw ko ang lake at wooden bridge malayo naman ako kaya hindi ako natatakot. Para akong nasa Seonyudo Park's Garden dahil puro bato ang inaapakan ko. Ang ipinagkaiba lang ay mga pine trees ang nakikita ko. Napadako ang tingin ko sa grassy fields at naalala ko yung pinuntahan namin ni ate noong birthday nya. Nagcelebrate kami sa Noeul Park para manood ng sun set kaso biglang umulan.

Naglakad muli ako sa garden na puro pink roses. Iniisip ko tuloy na ang kulang nalang sa lugar na ito ay cherry blossoms at para na din akong nasa Ilsan. Nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad at nakita ko ang hanay ng mga benches katulad ng nakikita ko sa Olympic Park. Korean inspired ata ang villa na ito dahil dinadala ako ng lugar na ito pabalik sa mga lugar na pinupuntahan ko sa Korea noong doon pa ako nakatira.

Dahil noong nasa Korea ako ay mahilig na talaga akong maggala. Gustong gusto kong pumunta sa mga park malayo man o malapit. Dahil yun ang stress reliever ko ang magnature tripping.

Napakalawak ng lugar na ito habang nakaupo ako ay may nakita akong isa pang bahay at sa hindi kalayuan ay may nipa hut.

"Nandito ka lang pala" napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang kanina ko pang hinahanap.

"Oo, nakarating ako dito kakahanap sayo" napangiti naman sya.

"Tara na... Kakain na past 12 na oh baka gutom kana."

Bumalik kami sa loob ng bahay at nakita ko ang nakahandang pagkain na mukhang masasarap. Tahimik lang kami habang kumakain parang ang awkward tuloy.

"Nagustohan mo ba tong lugar?" nakangiting tanong nya.

"Hmm.. para akong nasa Korea ang ganda ng scenery dito. Parang sa mga pinapanood ni Jani na koreanovelas" natatawang usal ko.

"...at yung mga lugar na napuntahan ko na" dagdag ko pa at napatingin ako sa kanya na parang natigilan.

"Drake!" napatingin kami kay manang Josie na tumawag sa kanya.

Lumapit sya kay manang, ibinigay naman ni manang ang hawak nyang telepono kay Drake. Lumabas si Drake at pumunta sa veranda at sinagot yung telepono. Nagngitian lang kami ni manang at amalis din sya.

Napaisip tuloy ako kung sino ang tumawag sa kanya. Hindi ko namalayang naglalakad na pala ako papunta sa sliding door ng veranda at medyo nakaawang pa ito. Hindi nya siguro naisara ng ayos.

"Look I'm busy hindi ako makakapunta" narinig kong sabi nya sa kausap nya.

"Bakit pa? Ilang ulit ko na bang sinabi na hindi na nya ako kailangan!!" halata sa tono nya na nagpipigil sya ng galit.

The Great PretendersWhere stories live. Discover now