Celine's POV
Hindi ko alam kung bakit pagmulat ng mga mata ko ay nasa harapan ko na sya. Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip nya ngayon. Sa paraan ng pagtitig nya sakin parang pilit nyang inaalam ang totoo kong nararamdaman.
"Gaano ka nasasaktan?" tanong nya na ikinabigla ko pero hindi ko ipinahalata ang gulat ko.
Bumuntong hininga muna ako bago ko sya sagutin.
"Hindi mo gugustohing malaman..." pilit na ngiting sagot ko at saka tumayo. Lumakad ako papunta sa pinto. Pero bago ako makalabas may itinanong sya na mas ikinabigla ko dahilan para matigilan ako.
"Paano kung sabihin ko sayo ngayong mahal kita anong isasagot mo...?" Napalunok ako ng hindi oras parang kinapos ako ng hangin at hindi makahinga. Pero pinilit ko paring masagot ang tanong nya. Hindi ko alam pero napapikit ako dahil pakiramdam ko ay nagbabadya ang luha ko na kung tutuusin ay okay lang yon lalo na at hindi naman nya makikita.
Pero ayokong umiyak...dahil hindi pwede.
Wala na sa bokabularyo ko ang salitang pag iyak.
"Mahal din kita..." lakas loob kong sagot habang nakapikit.
Alam kong nabigla ko sya dahil ramdam kong natigilan sya. At alam ko ding hindi nya inaasahan ang naging sagot kong yon. Muling iminulat ko ang mga mata ko at saka nagsalita.
"Sasabihin ko sayo'ng mahal kita kung wala kang girlfriend. Pero may girlfriend ka kaya... hindi maaari yon" pagkasabi ko non ay lumabas na ako ng silid.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil nakaramdam ako ng kaunting kaginhawahan. Totoo nga ang sinabi nila kapag nagsabi ka ng totoo ay gagaan ang pakiramdam mo. At ang mga salitang yon ay napakatagal ko ng dinadala sa dibdib ko.
Yung dalawang mabigat na salita na...
MAHAL KITA.
Hindi ko man nasabi ng diretso ay nakakagaan parin.
Tama naman ang mga sinabi ko kaya hindi ko yun dapat bawiin. Alam kong marami ng tumatakbo sa isip nya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging dating sa kanya non.
Hindi naman siguro sya tanga para hindi maintindihan ang mga sinabi ko. Alam ko ang mga sinabi ko at maliwanag na ibig sabihin non ay inamin ko sa kanyang mahal ko sya.
Mabuti na siguro yon para aware na sya sa nararamdaman ko. At umaasa akong lalayo na sya ngayo'ng alam na nya ang nararamdaman ko para sa kanya. May girlfriend sya kaya lalayo na sya sakin bilang respeto kay Rhea. Lalo na at si Rhea ang girlfriend nya mas lalong magagalit ang baliw na yon kapag nalaman nyang nagkausap kami ni Drake at hindi yun maganda kapag nagkataon gegerahin nanaman ako nang baliw na yon.
Pumunta ako sa canteen para tumambay dahil absent ang prof. ko kaya mamaya pang after lunch ang klase ko. Dapat nagpapractice na ako ngayon ng piyesang tutugtugin ko sa welcoming ceremony ng mga stockholders ng University kaso dumating si Drake kanina. Iniisip ko parin talaga kung ano ba ang ginagawa nya sa practice room.
"Ms. Cortez" napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sakin at nakita ko si Sir. Rem na papalapit sakin.
"Good morning po sir" bati ko
"Bakit ka nandito? Akala ko ba magsisimula ka ng magpractice?"
"A-ahh... o-opo bibili lang po ako ng tubig...oo nga tubig... kaya po ako lumabas." pagdadahilan ko. Anak ng ibigsabihin babalik ako doon? Paano kung nandoon pa si Drake?.
YOU ARE READING
The Great Pretenders
Fiksi PenggemarEverything was unexpected. Until things got complicated. You were the right person but, the struggles we are facing are intoxicating destroying us like a poison. We met at the wrong time. Our fate depicting a parallel line. We can never have that so...