BOI
By Cordz05
Non-fiction***
Boi, huwag mong ipagsasabi, ha? May sikreto kasi ako.
Hindi ako naniniwala na totoo ang mga pangarap.
Oo, totoo 'yan, boi. Marami nang nagsabi at nagkumbensi sa akin na totoo ang mga pangarap. At ang sabi nila, magkakatotoo lang daw ang lahat ng iyon kung magtitiwala ka sa iyong sarili. Sus! Hindi ako naniniwala. Putangina, boi. Hindi totoo ang mga pangarap! Tinuturuan lang naman tayong mangarap ng mga taong gutom umunlad. Sa pagkakaalam ko, kaya tayo nangangarap ay dahil gusto nating yumaman. Gusto nating magkapera hindi dahil iyon ang gusto nating gawin sa mundo. Kahit wala tayong propesyon, basta ba ay may pera tayo, okey na ang buhay, boi. Peaceful kumbaga.
Pera lang naman ang dahilan kung bakit ganito ang mundo. Hindi totoo ang mga pangarap, boi. Tandaan mo 'yan. Nagtatrabaho tayo upang magkapera. Para yumaman at para ipakita sa mundo na ganito sila, ako, tayo. Kahit ang totoo, hindi naman talaga sila masaya. Gusto lang nilang magkapera.
Hindi totoo ang mga pangarap, boi.
May ikukwento ako sa 'yo. No'ng nagsimula na akong mag-aral sa edad na pitong taong gulang, hindi ko makalilimutan ang tanong ng titser namin noon, boi.
"Class, anong pangarap niyo paglaki?"
Inisa-isa ni titser kaming tanungin noon hanggang sa ako na ang napagtripan ni ma'am. Oo, bata pa ako noon at talagang hindi ko pa kayang ipagtanggol ang aking sarili na hindi talaga totoo ang mga pangarap. Hindi ko pa gaanong kilala ang mundo. Basta ang alam ko, hindi totoo ang mga pangarap.
"Di totoo ang mga pangarap, ma'am."
Iyon lang ang nasagot ko. Ilang minutong tumahimik ang atmospera sa loob ng apat na sulok ng klasrum. Tahimik silang lahat. Tanging tatlong elise lang sa taas ang nag-iingay. Na para bang tama ang sinabi ko, na para bang sang-ayon ang elise sa taas na hindi talaga totoo ang mga pangarap. Na para bang nagsasabi na mabuti naman at may naniwala na ring hindi totoo ang mga pangarap. Ilusyon lamang.
"Paanong hindi, baka naman may pangarap ka pero nakalimutan mo lang?"
Putangina. Hindi mo makakalimutan ang mga pangarap, boi. Kahit bata pa ako noon, kapag may pangarap ka, hindi raw iyon mawawaglit sa isipan mo, boi. Kaya si titser na ang nag-conclude, hindi talaga totoo ang mga pangarap.
"Tanungin mo ang iyong mga magulang, baka alam nila."
Putangina ulit. Hindi dahil naglalaro ako ng mga baril noon, gusto ko nang maging pulis. Hindi dahil malakas akong sumuntok, gusto ko nang maging boxer. Hindi dahil mahilig akong gumuhit noon, gusto ko nang maging pintor. Nagsusulat ako, pero hindi ko naman pangarap ang maging manunulat. Hindi mo makikita sa labas ang gusto ng isang bata, boi. Siguro, gusto niyang gawin iyon pero hindi niya pangarap. Walang nakakalaam sa iyong pangarap kahit ang iyong mga magulang. Kaya si titser na ang nag-conlude, hindi talaga totoo ang mga pangarap, boi. Maniwala ka.
Kahit sa paaralan, tinuturuan na nila tayong lahat na may pangarap, kahit wala naman.
Pinagtawanan pa nga ako ng mga kaklase ko noon.
Sabi pa ni Bustoy(kaklase ko na siga-siga sa klasrum bobo naman) bakit di ka na lang maging titser?
Gusto niyang maging titser, boi. Bata pa tayo gusto na talaga nating maging guro pero ako, hindi. Hindi talaga totoo ang mga pangarap, boi. Hindi iyon totoo. Ito ha, bata pa tayo ginagaya at nakukuha na natin ang gusto nating lahat batay sa gusto ng mundo. Halimbawa, kung titser ang magulang mo, lalo na't iniidolo mo talaga ito, gusto mo na ring maging titser. Kahit ang totoo, hindi naman talaga iyon. Kasi nga, wala naman talagang pangarap.
BINABASA MO ANG
Trinkets Of Dreams (Writing Contest)
RandomA One-Shot Story Writing Contest Opened November 2016