Entry #6 - You're Always Be My Favorite 'What If'

352 12 9
                                    

YOU'RE ALWAYS BE MY FAVORITE, 'WHAT IF'
By idellissie_XD
Romance

***

''Go number 11.!!!''

''Number 11.!!!'' Cheer ng mga naglalandiang babae. Kung ihampas ko kaya sa kanila itong cellphone ko, ng mga matauhan -_-.

''And 3 points by Gold Rhyz Acosta..'' Announce ng may hawak ng micropone. Naghiyawan naman ang mga kiringking na babae >_<. Tsk. Tsk. Ano bang ginawa nyang number 11 na yan at sya ang pinaka chini-cheer? Tsk.

Bzzttt... (Battery low)

''Low bat na pala ako -_-'' Nasabi ko bigla sa kawalan. Kinuha ko na yung bag ko at dumiretso sa classroom. Magcha-charge muna ako, habang nagbabasa ng wattpad <3 mamaya pa naman matatapos ang basketball game e,. I still have time J

Kyaahhh. Para akong shunga na napapangiti mag-isa. Haha. Bakit kasi ang sweet nitong lalaking character. Ako ang kinikilig para sa babaeng character, hihi. Kung may makakakita man sa akin dito, baka mapagkamalan akong baliw. Natawa akong mag-isa. Tapos biglang iiyak. Nababaliw na nga ako >_<. Haha, pero hindi e,. ganito lang talaga kapag reader J reader lang din ang makakaintindi sa akin J

''What da pak.'' I shouted. Bigla kasing namatay yung ilaw dito sa classroom. Anak ng ewan naman oh. May nang ti-trip pa ata sa akin. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Nag-lock pa yung cp ko. Kaya ang dilim lalo sa classroom, liwanag sa hallway at ilaw ng buwan Lang ang kita.

Nagtataasan na yung mga balahibo ko. May namumuong luha na sa aking mga mata. Feeling ko any moment magbe-break down na ako.

Natatakot na talaga ako. Pero ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang umalis sa aking kinauupuan. Ramdam ko na may hanging tumama sa aking ears.

Paking tape. Nasaan na ba si number 11 ko?

'' ahhhhh.'' I screamed. May yumakap kasi sa akin, mula sa likuran. Sa una magugulat ka talaga. Pero habang tumatagal nararamdaman ko na mainit yung nakayakap sa akin.

Buhay?

''Da pak. Kung sino ka man, huwag mo nga akong yakapin.'' Pilit kong tinatanggal yung yakap nya sa akin. Pero hindi ko matanggal.

Hindi parin sya umiimik. Hindi ko alam kung ilang oras na syang nakayakap sa'kin. Basta ang alam ko lang ay gusto ko syang kayakap....

Kahit na kakagaling lang nya sa game, ang bango parin nya.

''Bakit ka umalis?'' Malungkot na sabi nya. Hindi ko alam pero bigla akong nainis. Naiinis ako kasi ginulat nya ako. Tinakot nya ako. Kung kanina ok lang sa akin na nakayakap sya, ngayon, hindi na.

''Bakit mo ako tinakot?'' I asked back. Nakayakap parin sya sa akin. Back hug....

''Ako ang unang nagtanong, kaya ako ang sagutin mo.''

''Tss. Pwede ba huwag mo na akong yakapin. Uuwi na ako.''

''Let's stay like this, please.''

''Pwede ba Rhyz, bitiwan mona ako. Can't you see, gabi na. papagalitan na ako ni mama.'' Pagdadahilan ko sa kanya. Pero sya ayaw parin akong bitawan. Akala nya ba hindi na ako galit.? Tinakot nya kaya ako >_<

''Pinagpaalam kita sa mama mo. At sabi ko ihahatid rin kita.'' Aisshh. nakakainis talaga sya. Kahit kailan hindi ako mananalo sa kanya. Ang dami nyang excuses.

''Edi ihatid mo na ako.''

''Please. 5 minutes. Pagod lang ako.'' Yung boses nyang naglalambing. I can't resist it >_< Pinagbigyan ko nalang tuloy na tsumansing.

Trinkets Of Dreams (Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon