Entry #15 - Rêveuse

296 11 9
                                    

RÊVEUSE
By Veectorious
Fantasy, Romance 

***

Hellia's Point of View

"Hellia!"

My eyes automatically closed tight when I heard my sister's voice. Katatapos lang ng isang mahaba at puro problemang araw, makikisali pa 'to?

"Umuwi ka na naman ng gabing-gabi! Anong oras na ha? Alas onse na! At ano? Dederetso ka nalang sa pagtulog? Lagi nalang ganyan araw

-araw!" pagsisigaw ng kapatid ko. Hindi ko siya pinansin at dere-deretsong umakyat. Ganito nga lagi ang nangyayari tuwing nauwi ako ng halos madaling araw.

And even if I come home at an earlier time, she still gets mad. I don't know know for what reason, pero madalas ko nalang talaga siyang hindi sinasagot. Kahit alam kong tama ako, hindi nalang ako nagsasalita. Because if she thinks she's right, then I'll let her think that she's right. What's the point of talking if 'listening' isn't even one of her intentions? I'm always too tired to even explain anyway.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad ko iyong ni-lock. Napatingin ako sa sarili ko sa harap ng salamin. I tried smiling. And when I successfully did, I realized how completely lost and stressed I looked. Napailing ako habang nangingiti. Oh, what a shell-shocked person I am.

Napadako ang tingin ko sa pangpusod na napulot ko lang sa karinderya kaninang tanghali. Sobrang init sa labas at mabuti nalang na may napulot akong ganon. It's really cute. I think it's owner is a child. Light blue kasi siya with diamonds and feathers pa. I wonder how the child felt after losing this, it looked expensive. And somehow familiar.

I sighed and threw myself on the bed.

I'm glad another tiring day has finished.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. How I wish I could just live in a wonderful dream and get stuck there forever.

"Hellia!"

I woke up feeling dizzy. I felt two hands holding my shoulder, violently shaking me. What the

I slowly opened my eyes and for a moment, I suddenly want to close my eyes again and go back to sleep.

That's not the face I want to see by the time I wake up.

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at pilit itigil ang pag-alog niya sa balikat ko. But she didn't stop. Nagsisimula nang sumakit ang mga balikat ko at nagulat ako ng makitang unti-unting tumutulo ang luha niya.

Fear is written all over her face. Nagsimula nang lumakas ang tibok ng puso ko. And panic started to creep into me. I suddenly had the urge to slap her. Na para bang may boses sa kalikud-likuran ng utak ko na bumubulong sa'kin na sampalin ko siya. And I before I knew it, my hand already hit her cheek.

Tumigil siya at nawalan ng balanse sa pagkakaupo sa kama ko kaya napaupo siya sa sahig. Nakayuko siya at nakahawak sa ulo niya.

Agad naman akong bumangon at akmang aalalayan siya pero nagulat ako nung tinaas niya ang isa niyang kamay.

"No..." bulong niya at nagmamadalang tumayo. Tumakbo siya palabas habang nakayuko pa din.

Napahawak ako sa dibdib ko. I can still feel the fast beating of my heart. I don't know if it's out of nervousness or if it's caused by something else. Naguguluhan na ako pero pilit kong kinalma ang puso ko.

Huminga ako ng malalim at humiga ulit sa kama. Inangat ko ng marahan ang ulo ko para tingnan ang pinto. I remembered how she walked out that door with her face covered with her hair. I didn't see if she was crying or not but I could feel that something's wrong.

Trinkets Of Dreams (Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon