GUSTO
By Neel_C
Teen Fiction***
Gusto Kita
Salitang dinadama ng puso ko, pinapadama sa bawat kilos, at namumutawi mula sa aking bibig.
Napangalumbaba ako habang pinagmamasdan siya. Walang dudang isa nanaman itong kaso ng one sided feelings.
Danielle... Hay naku
"Huuy!" napawi ang pag-de-daydream ko nang dahil sa magaling kong kaklase. "Si Danielle nanaman ba?" tanong ni Louie
"Sino pa ba? Eh siya lang naman" sagot ko. Nagsimula na akong magligpit ng gamit kong nakakalat sa lamesa. Mamaya na lang ulit ako mangangarap ng gising. Basag trip si Louie eh.
Napailing na lamang si Louie "Baliw ka na talaga hano? Ano ba talagang nakain mo at nagkaganyan ka"
Bakit nga ba? Tama si Louie, hindi naman ako ganito dati eh. It all started during the days of September.
Umuulan at oras ng uwian. Naglalakad akong mag isa sa kahabaan ng basang sementadong daan patungo sa sakayan. Namataan ko na walang payong ang kaklase kong si Danielle habang nakasilong siya sa isang maliit na waiting shed kung saan nagsisiksikan din ang ibang eatudyante.Aaminin ko, crush ko na siya that time. Pero hindi iyon agad ang inisip ko. Nilapitan ko siya. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata. Walang dumadaan na masasakyan dito at kailangan pang maglakad patungo sa kanto makapunta lamang sa sakayan ng jeep.
"Tara na" sinukuban ko siya ng payong.
"Saan?" takang tanong ni Danielle. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.
"Sabay na tayo papuntang sakayan ano pa nga ba." tumawa ako ng bahagya. Ngumiti naman si Danielle at hinawakan ang handle ng payong ko na naging dahilan ng pagkahawak niya din sa kamay ko.
"Ako na" sabi niya at inagaw sa akin ang payong. Napatulala naman ako ng bahya sa kanya. "Tayo na" sabi niya na siyang naging wake up call ko mula sa pagkabigla.
Alam naman talaga ni Louie ang dahilan. Nang aasar lang iyon palagi. Siya palagi ang karamay ko. At siya din ang sumasalo sa bawat hampas at kurot ko na dulot ng kilig ko kay Danielle.
Kung tutuusin ay parang kapatid ang turingan namin ni Louie. Kung tutuusin ay dapat "kuya Louie" ang tawag ko sa kanya dahil hamak na matanda siya sa akin. Senior high school siya samantalang grade 10 naman ako. Pero dahil super close kami, Louie lang ang tawag ko sa kanya. Isa pa, nako-kornihan daw siya kapag tinatawag ko siyang "kuya" dahil parang mas matanda pa ako kung umasta kaysa sa kanya.
"Tara nga sa ihawan!" Nang makalabas na kami ng school ay hinika ko si Louie sa ihawan.
"Bakit?"
"Iihawin kita" pasarkastiko kong sabi.
"Ganyan ka kapag may problema eh, nag aayang kumain ng isaw." sabi niya. Tama naman si Louie, nag aaya ako sa ihawan para kumain ng isaw kapag may problema ako pero iba ang pakay ko ngayon.
Nang makarating kami ay nagliwanag ang paningin ko nang matanaw ko siya. Sino pa ba? Edi si Danielle!
"Oh, kuya Louie!" nakipag high five si Danielle kay Louie. "Magkasama pala kayo ni Marie." ngumiti siya sa akin.
"Oo, nag aya dito eh." binigyan ako ni Louie ng makahulugang ngisi. Nginisihan ko din siya at nagtungo na sa nag iihaw para umorder.
Si Danielle talaga ang sadya ko dito eh. Buti na lang at narinig ko sa mga kaklase naming lalake na kakain muna sila dito bago maglaro ng DOTA.
BINABASA MO ANG
Trinkets Of Dreams (Writing Contest)
RandomA One-Shot Story Writing Contest Opened November 2016