THAT DREAM
By JaneKline
Teen Fiction***
Nexus Paul Monterde. Boyfriend ko nga pala! Char lang. Bakit hindi naman masamang umasa a? Saka isa pa, minsan ko na siyang naabot nabitawan ko nga lang 'no! Kaya naniniwala pa din akong may pag-asa kami! Hindi pa lang ngayon, pero darating din iyon. 'Wag ka ng kumontra iyon ang gusto ko. Pero hindi pa iyon ang kwento, ganito kasi sino ba si Nexus Paul Monterde? Sino nga ba siya?
Well, para ipaalam ko sa inyo isa lang naman siyang artista. Oo hindi kayo nagkakamali sa nalaman niyo. Artista siya at kabilang ako sa libo libong tagahanga niya. Biruin niyo 'yong patpating lalaki na nakilala ko noon, artista na ngayon?! Samantalang ako heto nagtatrabaho sa isang hindi kalakihang kumpanya. Ang taas taas na niya, hirap ko ng maabot. Pero hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa 'no! Siguro sa kabila ng mga narating niya, baka sakaling naaalala niya pa ang isang tulad ko na minsang naging parte ng kanyang buhay sa sandaling panahon. Ilang taon man ang lumipas, maaaring hindi pa naman siguro nabubura sa alaala niya ang mga pinagsamahan namin. Hindi ko alam, kung natatandaan niya pa ako. Kung kilala pa ba niya ko, pero sana naman 'no? Kasi ako never ko siyang nakalimutan sa kabila ng nangyari noon.
"Ms. Cheyenne Bautista?" Namilog ang mata ko ng itunghay ko ang ulo ko at nakita ko si Sir. Jonas. Nako naman! Naabutan na naman niya ko na wala sa sarili.
"Sir bakit po?"
"Ms. Bautista trabaho muna bago ang pagpapantasya kay Nexus." Napapahiyang nag-iwas na lang ako ng tingin. "Kung gusto mong i-approve ko ang 2 weeks vacation mo." Narinig ko ng lumakad na siya paalis.
Hindi naman ako mapakali sa sinabi ni sir! Kinakabahan ako, paano kung hindi siya pumayag? Edi good bye Nexus na? Pero kung pumayag naman siya, aba baka makita ko na siya nyan! Kyaaaa! Excited na ko kahit kinakabahan.
Kasi 'yong feeling na ang tagal tagal kong hinintay na makita ko siyang muli? 'Yong hindi na lang sa TV, YouTube, Facebook, IG, Twitter at Magazine ko nakikita muka niya. Paano ba naman kasi 'tong si mama, hindi lagi akong pinapayagan mula pa noong college ako. Kesyo nag-aaksaya lang daw ako ng pera. Kesyo baka mapano pa daw ako. Mag-aral daw akong mabuti, 'yon ang unahin at hindi ang pagfafangirl kay Nexus. Ayos lang naman sa kanyang idol ko si Nexus pero ang hindi ayos 'yong pupunta ko sa mga pinupuntahan niya makita ko lang siya. Don siya kontrang kontra sa'kin. Hindi tuloy ako nakakapunta sa kahit saang mall tour niya. Hindi din ako nakakapunta sa studio ng mga shows ng network nila, kapag may guesting siya. Hindi ako nakakapanood ng concert niya. Hindi ko pa siya nakikitang muli sa personal. Hindi ko pa siya nayayakap ng mahigpit. Hay nako! Paano naman ang buhay fangirl ko 'no? Kaya nga ngayong nagtatrabaho na ako gagawa na ko ng paraan para makita siya tutal hindi na makakaangal si mama. Wala na siyang pangkontra sa'kin .
Sa kabila ng pag-iisip kay Nexus kong mahal, char lang! Ayon nga, nagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko dito sa office. Natapos ko naman ang mga dapat tapusin, iba talaga kapag ka inspired 'no? Tama naman ako 'di ba? Kontra ka pa? 'Wag na. Lol.
BINABASA MO ANG
Trinkets Of Dreams (Writing Contest)
De TodoA One-Shot Story Writing Contest Opened November 2016