Entry #11 - Au Revoir

340 13 13
                                    

AU REVOIR (HANGGANG SA MULI)
By Queenhex_
Horror

***

Kasalukuyan kong tinatahak ang daan pauwi sa lumang bahay namin sa probinsya matapos kong dalawin ang burol ng kababata kong si Kiko. Bago pa magpasukan sa ikatlong baitang ay hindi ko na siya nakita pa nang mailipat ako sa maynila upang ipagpatuloy ang pag aaral.

Hindi na kami nagkaroon ng komunikasyon hanggang sa magkolehiyo. Ngayon nalang uli ako nakabalik sa probinsya upang makilamay.

Tanda ko pa, bago kami lumuwas ni mama pa maynila ay nagbahay-bahayan kami noon nila kiko at ng mga kababata ko at nangako sa isa't isang magpapakasal kami kapag nagkita kaming muli. Ang pangakong iyon ay binaon ko na sa limot ngunit para kay Kiko ay habang buhay niya iyong dala, maging sa hukay.

Bigla akong napatalon mula sa kinauupuan ko ng may biglang humawak sa braso ko.

Nang lingunin ko ay ang bestfriend ko lang palang si Faye iyon.

"Ayos ka lang? Nagiging magugulatin ka masyado," usal niya nang maupo siya sa tabi ko. Mabilis kong itinago ang cellphone ko at huminga ng malalim upang kumalma.

"Stress lang ako, malapit na kasi ang exams," it wasn't a lie, but it's partially the truth. Hindi na nga ako magkandaugaga kakaaral sa mga paparating kong exams ay may dumagdag pa na siyang nagiging dahilan kung bakit nagiging paranoid ako lately.

Ramdam ko ang sunod-sunod na pagvibrate ng cellphone ko.

Hindi niya talaga ako titigilan.

Napapikit ako at pinatay nalang ang cellphone ko para matahimik na ang kalooban ko kaysa patuloy na basahin ang bawat text na ipinapadala niya.

Hindi ba siya talaga titigil? Hindi niya ba alam kung anong nagiging epekto ng ginagawa niya sa akin?

Ngayon lang ako nagkapoot ng todo para sa isang tao na pati paghiling na hindi palang siya mamatay ay nagawa ko na.

Hindi ko naman akalain na magkakatotoo.

"Ma, andito na ako."

Naabutan ko si Mama na nag iimpake sa may kwarto. "Mano po."

Kahit nasa maynila na kami ay isa ito sa mga katangiang hindi mawawala na kinalakihan na namin sa probinsya.

"Ano pong ginagawa niyo?" Tanong ko nang mapansing sinasalansan niya ang mga damit niya sa maleta. Maging ang maleta ko at ang cabinet ay bukas rin.

"Hindi mo ba nabalita? Wala bang nagtext sa iyo?" Napahinto si mama sa pagtutupi ng damit at seryoso akong tinignan.

"Nalobat po ako kaagad kaninang tanghali eh. Ano pong meron? " inilabas ko ang cellphone ko at sinaksakan ng charger.

Ayoko na sanang i-charge pa ang lahat ng gadgets ko upang makaiwas sa kanya ng tuluyan ngunit hindi naman pu-pwede dahil may mga importante rin akong kailangang kontakin.

Lahat na ata ng paraan upang umiwas ay nagawa ko na, na block ko na ang number niya at ilang ulit na akong nagpalit ng sim ngunit nagagawa niya pa rin akong i-text maging sa fb.

Sa kanya, wala akong takas.

"Si kiko kasi anak... Iyong kababata mo?"

Si kiko...

Oo, natatandaan ko pang may nakakalaro ako noon at kiko nga ang pangalan niya. Ngunit matagal ko ng pinutol ang pagkakaibigan namin matapos niya akong...

"Anak ano kasi..."

Naputol ang sinasabi ni mama at nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.

Trinkets Of Dreams (Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon