Entry #13 - My Answer

268 12 6
                                    

MY ANSWER
By crazeCEE
Slice of Life

***

Tahimik at madilim na ang buong paligid. Tanging ang ilaw nalang sa screen ng aking laptop at ang nakabukas na lampshade sa tabi ng kama ko ang nagbibigay liwanag sa aking kwarto. Midnight is approaching but I can't find the will to sleep yet. Ilang oras na ang inubos ko sa pagbabasa ng blogs at panunuod nang documentaries at medyo nauumay na rin ako.

Naisipan ko biglang buksan ang ask.fm account ko. Matagal ko na rin itong hindi nabibisita. Hindi gaya ng sa ibang tao, wala namang nagpapadala sa 'kin ng tanong rito. Umaasa lang ako sa random questions na pwedeng sagutin tuwing hindi talaga ako makatulog.

After answering several questions, I found one that's really interesting.

"Kung meron akong kakayahang tuparin ang isa sa mga kahilingan mo, ano ito at bakit?" Napahawak ako sa aking mga labi sa sunod na katanungan.

Maraming bagay ang agad na pumasok sa isip ko. Ang hirap naman nito! Tao lang ako, maraming kahilingang gustong matupad! Napaisip tuloy ako ng malalim. Hindi ako sigurado kung kaya ko bang mamili ng isa lang sa mga nakapilang kahilingan na gusto kong tuparin. Lahat ng naiisip ko ay taon pa ang bibilangin bago ko makamit! Palibhasa ay may involve na pera. Although, my mom can afford these things for me, I don't want to burden her since pwede ko namang pag-ipunan. Alin ba sa mga ito ang pinaka-gusto kong unahin?

A tour around the world? Plus pocket money and a place to stay? Am I going alone, if ever? I should ask my mom, but I am too shy to do so.

How about some published novels? Pwede bang humiling ng shopping spree sa National Bookstore? But I already have three full shelves here in my room. Bukod doon, I'm also certain na pagsasabihan na naman ako ni mom tungkol sa pagkukulong ko sa kwarto.

Matagal akong napatitig sa kawalan habang nag-iisip ng sagot. I thought of every material thing that I want to have, but in the end I can't still find the perfect answer that will fit this question. An answer that will satisfy my heart.

Nagdesisyon nalang akong matulog na. It's one fifteen on the clock after all. Masyado kong sineseryoso ang pagsasagot sa mga tanong na iyon. Darating din naman ang sagot na hinahanap ko. Maybe tomorrow? Or the day after tomorrow? Who knows? Nag-log out na ako at pinatay ko na rin ang laptop.

I woke up the next morning to the sweet and gentle voice of my mom calling out my name. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang katanungang hindi ko pa rin nasasagot kagabi.

"Bree..." she said softly. Bahagya ko nang maimulat ang aking mga mata. Mabigat ang mga ito, malamang kasi ay puyat na naman ako. I hope my mom won't notice.

"I will buy some groceries, would you like to come?" She is smiling brightly yet her eyes look tired. Should I go with her?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "I want to sleep some more," I answered.

"Sure, no problem." Marahan siyang tumango para maipakitang naiintindihan niya ako.

I felt bad, I rejected her again. Lagi na lamang ganito ang sitwasyon namin. Sa tuwing niyaya niya akong lumabas ay palagi ko rin siyang tinatanggihan. Sa tuwing sumasama naman kasi ako sa kaniya, pakiramdam ko ay naiirita lang siya sa 'kin. Kapag tinatanong niya kasi kung anong gusto ko ang tanging isinasagot ko lang ay "I don't know," at "ewan." Sino namang hindi maiirita 'di ba? Hindi naman mahirap ang mga tanong niya pero hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil tila ba naba-blangko ang isip ko tuwing sasagot.

I find it so awkward to be with her as if she's some stranger, which is wrong because she's my mother. Kumportable dapat akong kasama siya sa pag-gogrocery, sa pamimili ng damit, sa pag-gagala. Kumportable dapat akong sabihin sa kaniya ang mga alalahanin ko kasi kami na nga lang dalawa ang magkasama ngunit mas pinipili ko pa ring sarilinin ang lahat ng iniisip ko.

Trinkets Of Dreams (Writing Contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon