STARLIGHT DREAM
By TheUnwantedCuteGirl
Science Fiction, Romance***
Ang ganda ng mga bituin.
Kumikinang at kumikislap, na para bang nakikipag-usap sa'kin.
Tuwing hatinggabi, umaakyat ako dito sa bubong ng boarding house para lang makita ang mga bituin sa langit, lalo na ang malaking bituin na iyon. Ang paborito kong bituin.
Ang ganda niya. Ano kayang mayroon sa kanila para maging gan'yan kaganda?
Parang gusto kong pumunta doon...
Gusto ko silang mahawakan at mapuntahan, lalo na ang paborito kong bituin.
Hinding hindi talaga ako magsasawang pumunta dito sa bubungan at tignan ang mga bituin, lalo na ang bituin na iyon, na lagi kong tinitignan sa langit.
"Hoy Heaven, hindi ka pa ba matutulog? Maghahating-gabi na ah? May pasok pa tayo bukas." Napatingin ako sa bintana ng katabi kong kwarto. Si Lira lang pala, ang best friend ko.
"Alam ko 'yon Lira. H'wag kang mag-alala matutulog na rin ako mamaya-maya lang." Sabi ko sa kaniya.
"Hay nako Heaven, h'wag mong kakalimutan ang pinag-usapan natin kanina ha? Nako talagang--- nako. Kotong peace ka talaga sa'kin ng malutong na malutong." Pinatunog niya ang kaniyang mga kamao at daliri.
"Haha! Oo na sige na matutulog na ako. Pumunta ka na nga sa kama mo at matulog ka na ng mahimbing mahal kong best friend." Sabi ko sa kaniya sabay kindat. Tinarayan na lang niya ako at pinagsaraduhan ng kurtina. Pinatay niya na rin ang ilaw ng kwarto niya. Si Lira talaga. Kahit gan'yan siya mahal ko 'yan, sayang naman ang effort kong pagtiisan siya. Haha! Biro lang ( ^0^)y
Binalik ko ulit ang aking atensyon sa mga bituin. Hay. Napakaaliwalas ng pakiramdam ko kapag nandito ako, pinagmamasdan ang mga bituin. Alam mo 'yong pakiramdam na ayaw mo nang umalis dahil dito lang sa lugar na ito ang magpapatahimik ng iyong pagkatao? Wow lalim.
Tinignan ko ang paborito kong bituin. Napakaganda talaga niya. Sobrang liwanag ng ilaw nito. Sa lahat ng mga bilyong bituin sa langit, para sa'kin ito ang kakaiba o may espesyal na mayroon ang bituin na ito kumpara sa ibang mga bituin. Hindi ko alam kung bakit pero simula pa noong bata ako, ito na ang lagi kong tinitignan. Ewan ko ba kung bakit, pero may kakaiba talaga sa bituin na iyon. At 'yon ang gusto kong malaman.
Nagulat na lang ako nang may nakita akong isang falling star na tumawid malapit sa paborito kong bituin. Napapikit agad ako at humiling.
Sana marating ko ang mga bituin...
Noong napagtanto ko na ang aking sarili, minulat ko ang aking mga mata. Wala na ang falling star. Hinanap ko ang paborito kong bituin. Iyon, maliwanag at patuloy pa ring kumikislap.
BINABASA MO ANG
Trinkets Of Dreams (Writing Contest)
De TodoA One-Shot Story Writing Contest Opened November 2016